♡True Love
Nagtungo na ako main venue ng resort kung saan naroroon ang lahat. Napatingin tingin ako sa paligid, hindi ko naman nakita si V o kaya'y si Jungkook sa paligid. Napatingin naman ako sa stage sa harapan nakita ko na papaakyat doon ang ibang members ng BTS kasama ang kani-kanilang minamahal. Napansin ko naman si Jimin na palinga-linga sa paligid, napalingon naman siya sa pwesto ko kaya nakita niya ako. Sinenyasan niya naman ako na umakyat din ng stage pero napailing nalang ako sabay ngumiti nalang ng mapait. Nagtaka pa ang itsura nito pero buti nalang nakuha ang atensyon niya ni y/n ang girlfriend niya kaya sinamantala ko ng umalis sa pwesto kong iyon.
Ilang saglit pa may mga members na nag umpisang magsalita sa stage at masaya silang nagtatawanan na magkakasama. Siguro kung okay pa kami ni V nanjan din kaming dalawa kasama sa kasiyahan nila. Pero ano pang magagawa ko? Ako na mismo ang tumapos ng lahat sa amin.
Ilang saglit pa habang nakatingin ako ng deretsyo sa stage bigla nilang hinila ang telang nakatakip sa may likod ng stage. Nang mabasa ko ang nakasulat doon literal akong natigilan.
Napakasama kong tao... Kahit ang mahalagang araw na ito ay nalimutan ko pa. Muli kong binasa ang nakasulat sa tarpauline na tumambad sa aming lahat pagkabagsak ng tela,
'Happy 1st Monthsary BTS and to their Girlfriends'
"Happy Monthasary!" Sigawan naman ng mga taong nasa paligid.
Monthsary pala namin ngayon? Hindi ko akalaing nagtagal din kami ng ganon pero masakit isipin kung kelan ang araw na nagsimula ang lahat, iyon din ang araw na natapos na ang lahat, sa mismong monthsary namin at ang lahat ay isinisisi ko sa sarili ko dahil sa aking FAKE LOVE.
V's POV
Andito ako ngayon sa isang park na malapit lamang sa resort kung saan nagaganap ang celebration ng 1st Monthsary naming BTS sa pagitan ng aming mga minamahal. Ito sana ang araw kung saan nagkakasiyahan ang lahat, ito sana ang araw na masaya akong kasama si Scarlet para icelebrate ang isang buwan ng pagsasamahan namin bilang mag bf at gf pero ano pang icecelebrate gayong wala na kami?
5 years, limang taon ng pagmamahal ko sa kanya, limang taon ng pahahangad kong mapasakin siya, limang taon na itinago ko ang pagmamahal ko sa kanya... Masaya ako dahil sa limang taon na iyon hindi nasayang ang sakripisyong ibinigay ko para lamang makuha ang pagmamahal niya dahil natupad naman lahat ng pinapangarap ko nang tanggapin niya ako bilang boyfriend niya.
Ang hindi ko matanggap ay ang Isang buwan, katumbas ng limang taon ay isang buwan lamang ang naging kabayaran nito. Isang buwan na nakasama ko siya, isang buwan na malaya ko siyang minamahal at higit sa lahat isang buwan na itinuri ko siya bilang aking babaeng minamahal.
Sa isang iglap hindi ko akalaing matatapos na ang lahat at ang masakit pa doon ay natapos ang lahat sa mismong monthsary pa namin.
Wala na... parang malaking parte ang gumuho sa buhay ko ng nawala na siya sa buhay ko. Pati ang pag-asa ko sa buhay nawala na rin.
Ganon na din ang aking mga pangarap... ang pangarap na makasama ka habang buhay, ang pangarap na mahalin ka habang buhay, ang aking pangarap na bumuo ng sariling pamilya kasama ka, pero ang lahat iyon ay imposible ng mangyari dahil paano pa? Kung siya na mismo ang tumapos ng lahat sa amin.
Masakit tanggapin ang katotohanang hindi ko na pwedeng ipaglaban pa ang pagmamahalan namin dahil napatunayan kong si Jungkook naman ang minamahal niya.
Umpisa pa lamang alam ko ng hindi ako ang mahal ni Scarlet dahil alam kong hindi ako ang bias niya. Kinausap ko si Jungkook na magkunwaring siya ang babaeng minamahal ni Jungkook para mapatunayan lang kung mahal ba talaga ako ni Scarlet. Sa mga panahong iyon sobrang kinakabahan ako dahil baka si Jungkook na nga ang piliin niya pero pinanghahawakan ko pa rin na mahal niya ako dahil ako ang pinili niya pero parang gumuho ang mundo ko nang mapatunayan ko ngang si Jungkook nga talaga ang mahal niya at ang akin ay FAKE LOVE lamang.
Ang sakit... dahil napatunayan kong minahal niya lang ako dahil iniidolo ako bilang kasapi ng BTS kaya ayos lang sa kanya na kahit hindi si Jungkook ang humingi ng pagmamahal niya pero sa mga panahong iyon hindi niya kayang itago ang pagmamahal niyang iyon kay Jungkook.
Hindi naman ako galit kay Jungkook dahil wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ito. Hindi ko naman pinagsisisihang gamitin siya para patunayan ang lahat kahit pa nahirapan akong tanggapin na TRUTH really HURTS...
Napaisip nalang ako... pano kaya kung hindi ako naging sikat? Paano kung hindi ako kasapi ng BTS? Paano kung hindi ako si V? May mga magmamahal pa kaya sa akin bilang si Kim Taehyung? Ang tunay na ako? Yung pagmamahal na totoo at hindi peke?
"I'M SO SICK OF THIS FAKE LOVE!" hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Wala namang ibang makakarinig sa akin dahil gabi na at halos ako nalang ang naririto sa park na ito. Napahawak nalang ako ng mahigpit sa mga buhok ko habang nakapatong ang aking mga siko sa hita ko at patuloy tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.
"Why should it be fake love? Don't I deserve true love?" Halos pabulong na sabi ko sa sarili ko.
"You desrve it" napalingon ako sa biglaang nagsalita sa likod ko at tumindig ng deretsyo sa harap niya. Naalala ko naman kung sino siya, siya ang babaeng kausap ni Scarlet nang araw na yoon, siya si y/n. "At hindi lahat ng nagmamahal sayo ay pawang pekeng pagmamahal lang ang kayang maipadama" dagdag pa niya.
Napaupo nalang ulit ako sa bench na kinakaupuan ko kanina. Ilang saglit pa naramdaman ko ang presensya ni y/n sa tabi ko.
"Gusto ko sanang mapag-isa" malamig kong sabi sa kanya.
"Minsan hindi pag-iisa ang solusyon sa mga problema minsan kailangan mo din ng makakausap para masolusyunan ang problemang iyong kinakaharap" sabi pa nito habang ako nakatingin lang sa kawalan.
"Hindi mo rin ako maiintindihan dahil---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya agad kaya napatingin ako sa kanya.
"Naiintindihan kita" simpleng tugon niya.
"Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ko naman.
"Alam kong nasasaktan ka ngayon at naiintindihan kita dahil pareho lang tayo na nasasaktan ngayon" sagot muli nito.
"H-hah? Bakit ka naman nasasaktan?" Muling pagtatanong ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Napabuntong hininga ito ng malalim at siya naman ngayon ang nakatingin sa kawalan.
"Nasasaktan ako dahil nasasaktan ka" nagulat naman ako sa naging sagot niya.
"Why?" Nagtatakang tanong ko nagtama namang muli ang aming mga mata at halata sa mga mata niya na sincere ang kanyang mga sinasabi.
"Mahal kita Kim Taehyung" nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin dahil sa sagot niyang iyon. "And I love you not just being an idol, I love you who you really are. And I know that's what you deserve " dagdag pa nito at bahagyang ngumiti.
Hindi ko alam pero kusa nalang pumatak ang mga luha sa aking mga mata at hindi ko na ring mapayakap sa kanya. Hindi ko rin alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
"Thank you for loving me y/n but I can't love you back" malungkot na tugon ko. Kumalas naman ito sa pagyayakap namin.
"Ayos lang, hindi mo naman ako kailangang mahalin din dahil lang mahal kita gusto ko lang iparating na maraming nagmamahal sayo. Maraming tao ang naghahangad ng pagmamahal mo pero kahit masakit mang tanggapin sa parte naming mga fans, alam naming isa lamang na babae ang deserve ka at deserve mo" seryosong tugon nito pero sumilay mula sa kanyang mga labi ang matamis na pagngiti, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mapangiti at muling mapayakap sa kanya habang hindi napapawi ang mga ngiti sa aming labi.
Sa gitna ng aming pagyayakapan muli siyang nagsalita. "And most of all V, you deserve a love that is really a True Love and Not a Fake love"
Tama siya... Maraming ARMY ang tunay na nagmamahal sa akin hindi ko kailangang tabunan ang sarili ko dahil lang sa isang pagkakamali ko. Hindi ko rin dapat paghinayangan ang limang taon na inilaan ko para lamang sa kanya dahil hindi nito matutumbasan ang milyon-milyong fans na tunay nagmamahal sa akin at sa amin na BTS...
Sa di kalayuan nakita ko ang babaeng handa ko ng kalimutan. Because now I know that I deserve TRUE LOVE....
"GOODBYE..... FAKE LOVE!!!"
BINABASA MO ANG
Fake Love
Short Story"Paano kung may humingi ng pagmamahal sayo na isa sa BTS pero hindi ang bias mo? Papayag ka ba?" Madalas ang sagot diyan ay 'oo' pero aminin natin iba parin ang pagmamahal o paghanga natin sa mga bias natin kumpara sa ibang members. "sa isang padalo...