Orasan

17 1 4
                                    

nag-mulat ng mata sa tunog ng alarma

dinampot ang telepono alarma ay pinatay na

tumingin sa oras at napasambit ng "putangina"

pumikit, nag-kumot at handang bumalik sa kawalan ng pagkakahimbing


lumipas ang ilang minuto alarma ay pumapalahaw nanaman

dinampot and telepono upang patayin ang alarma

tumingin sa oras at napasambit ng "putangina naman"

bumangon, nag-luto ng agahan at naghanda para sa isang araw na kailangan lumipas.


alarma ay pumapalahaw nanaman

hudyat na ako ay huli na sa akong hanapbuhay

kumilos at nag ayos na parang walang oras na tumatakbo

pumasok, naupo at tumutok sa compyuter sa buong mag-hapon.


oras ay kay bagal naman uwian ay napaka-tagal

alarma ay pumapalahaw ng muli

hudyat na ang trabaho ay tapos na at kalahati ng araw ay lumipas na

nag-ayos, umuwi at nag-handa ng makakain para sa hapunan


oras ay lumipas sa pakikipag-usap sa aking butihing ina

alarma ay pumalahaw ng muli

hudyat na oras na para sa hapunan

nakisalo, nakipag-huntahan at nagligpit ng pinagkainan


oras na para ako ay mahimbing

hudyat na ang araw ay patapos ng muli

isang araw lumipas ng walang buhay at walang saysay

nag-ayos, humiga at natulog habang umasang sa alarma ay hindi na magising.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random ShitsWhere stories live. Discover now