"Nagdadrama na naman siya tsk."
"Sus! Arte lang yan!"
"Depressed siya? Baka nakikiuso lang haha"
Tama na, please.
Maawa ka.
Tumigil na kayo.
Tigilan niyo na ako.
Naririndi na ako. Ayan na naman. Nagsisimula na naman akong mag-overthink. Ayoko nito. Tulungan niyo ko, please.
1 month? 2 months? 6 months? 1 year? Tama, 1 year na. Isang taon na rin pala. Isang taon na akong lumalaban. Isang taon na akong walang kakampi. Isang taon na akong nahihirapan, at wala man lang kahit isang tumutulong sakin. Haha ano pa nga bang bago? Eh kahit simpleng pangangamusta nga lang sakin walang nagawa eh.
Hindi kasi ako mahalaga. Hindi ako worth it kamustahin. Nagdadrama nga lang daw kasi ako haha sana nga ganun na lang eh. Sana nga pag-iinarte ko nalang to para pag ginusto kong itigil, magagawa ko. Sana nga kasi ganun nalang nahihirapan na kasi ako eh, sobra.
Yung tuwing gabi parang may nakalaan talaga ako na oras para umiyak na walang nakakakita. Yung parang nakaset na talaga sa isip ko na bawal akong umiyak kapag nasa public places ako. Dapat gabi lang, kapag tulog na ang lahat para walang kahit sinong makakakita sa akin. Pag may nakakita kasi panibagong sakit na naman yung maririnig ko sa kanila eh. Panibagong pampabigat sa nararamdaman ko. Panibagong salita na tila isang matalim na kutsilyo na paulit ulit na sumasaksak sa puso ko.
Nararamdaman mo rin ba yung feeling na parang lahat ng makikilala o makikipag-usap sayo sasaktan ka lang? Yung tipong natatakot ka na hayaang may makapasok sa mundo mo kasi baka isa siya sa maging dahilan ng lalong pagwasak ng mundo mo? Mahirap, masakit sa dibdib pero kasi wala akong magawa eh. Natatakot kasi akong mahusgahan pa lalo ng iba. Natatakot akong mas lalo nilang ibaba yung pagkatao ko. Wasak na kasi eh. Wasak na wasak na ako.
"Andiyan naman magulang mo ah?"
"Bes, nandito lang kami oh?"
Magulang? Sasabihin ko sa kanila yung nararamdaman ko? Para ano? Para maramdaman ko na naman yung pakiramdam na laging last priority? Yung palaging isinasantabi? Haha salamat nalang.
Kaibigan? Sasabihin ko sa kanila? Sinubukan ko naman eh pero para sa kanila nagdadrama lang ako. Kaya ayoko na. Natatakot na akong maglabas ng nararamdaman ko. Mas okay na rin siguro yun para hindi ko na sila madamay. Para sa akin nalang yung sakit. Ayaw kong pati sila masaktan kasi alam ko kung gaano kasakit.
Ayoko na. Pagod na pagod na ako na tipong gugustuhin ko nalang na tapusin na ang lahat. Tapusin na yung paghihirap ko. Tapusin na lahat ng sakit. Tapusin na yung buhay ko. Susubukan ko ba ulit? Ano kayang mas magandang paraan? Gusto ko kasi sana yung mamamatay agad ako. Ayaw ko na nung paglalaslas. Ilang beses ko na kasi sinubukan yun pero laging pumapalpak. Nasubukan ko na din yung pag-inom ng maraming gamot pero nakita ako nung pinsan ko kaya nadala agad ako sa hospital. Pinagalitan pa nga ako nila eh. Masama bang tapusin ko na yung paghihirap ko? O baka naman hindi pa sila kuntento sa sakit na binigay nila sa akin kaya gusto pa nilang dagdagan kaya ayaw pa nila akong mamatay?
Papa God, napapagod na po ako ng sobra. Kunin na naman po ninyo ako oh? Ayaw ko na masaktan Papa God. Feeling ko po kasi wasak na wasak na ako eh. Tulungan niyo naman po ako, please. I love you Papa God.