Six

111 2 3
                                        

Agnes P.O.V

Alas diyes na ng umaga ng magising ako, wala na si Jared sa tabi ko pagka gising ko.. Naligo ako agad tsaka lumabas ng kwarto ni Jared. Hindi pa man ako nakakahakbang pababa ng hagdanan naririnig ko na ang mga boses nila tita K, Tito Jules at ni Jared..

"Nabuntis mo pa pala si Agnes. hindi ka na nahiya? Pano ka magiging mabuting ama sa anak mo? eh hindi mo nga kaya maging mabuting nobyo kay Agnes'' Mataas at malakas na sabi ni tito Jules

''Hanggang ngayon alam mo bang hindi pa rin ako makapaniwalang niloko mo si Agnes anak... Alam mo ang pinag daanan ko nung akala ko ay sinaktan ako ng daddy nyo.. alam mo at kitang kita mo ang sakit na dinaranas ko noon anak at ikaw pa ang pinaka galit noon dahil ayaw mong nakikita akong nasasaktan, ayaw mong nasasaktan ang kakambal mo, ayaw mong may babaeng nasasaktan dahil sa pagloloko ng isa lalaki pero heto ka ikaw mismo ang nanakit at nang loko sa nobya mo.. hindi mo na ba kami iniisip? hindi kita pinalaki ng ganyan anak.. gusto kitang intindihin pero hindi ko magawa dahil sobrang hindi ko inaasahan ang ginawa mo... ako ang nsasaktan sa ginawa mo anak..''

walang ka imik-imik si Jared sa lahat ng sinabi nila tito at tita. nakakainis dahil wala syang sinasabi.. kahit ba mag sorry manlang sa kanila hindi nya magawa??

''Wala naman atang pupuntahan tong usapan na to. papasok na lang ako'' nagpaalam na si tito Jules kay Tita K nilingon nya lamang si Jared bago nag lakad paalis sa sala

''Hindi ako makahanap ng rason para mag loko ka pa Jared. akala ko ba mahal mo sya? pano mo nagawa yun? anak alam ko na kahit mahal mo ang isang tao hindi naman maiiwasan na masaktan mo sya eh. pero may choice ka.. kaya yung ginawwa mong panloloko sa kanya choice mo yun, ginusto mo" Matapos sabihin yun ni tita K ay umalis na rin sya

Galit dapat ako kay Jared ehh.. Tama si tito at tita K lalo na si tita K.. Pero nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko dahil ngayom lang sila nagalit ng ganito kay Jared kaya nasasaktan ako para sa kanya. Ito ata ang unang beses na makita ko'ng sobrang nadidismaya sila kay Jared.

Gusto ko man syang lapitan pero ang mga paa ayaw gumalaw.. Kaya naman tinitigan ko na lamang sya.. Iniisip ko na lang na yinayakap ko sya.

Tutol ang isip ko sa iniisip ko pero ang puso ko  parang pinipiga na sa sakit dahil sa nakikita ko.

Kita mo sa kanya ang lungkot, pagsisisi, dismaya sa sarili, hiya, lahat na..

Napatingala si Jared, naging rasom iyon para makita nya akong nakatingin sa kanya. Mabilis na nag bago ang itsura nya. Yung dilim ng aura nya ay hindi mo na makikita sa liwanag ng ngiti nya.

Dali dali naman sya tumayo at nag lakad papunta sa akin.

"Babe mahal... Tara kaen ka na para maka punta na tayo sa obgyne noon ni mama sa triplets.. Nagpa schedule na si mama para sa atin"

Gusto sanang tumutol dahil kaya ko naman. Pwede naman akong magpasama na lang kay kuya Alucard o kaya kay papa o kaya kay Jah... Pero pakiramdam ko makakadagdag ako sa mga bigat na pinag dadaan nya.. Pakiramdam ko na makakadagdag ako sa sakit na dinadala nya.

"Ah. Ayaw mo ba ako makasama (kapansin pansin ang lungkot nya)?? Osige okay lang babe.. Tawagan ko si Jah o tawag ako sa inyo para maihatid kita (pinipiliy nyang mag mukang okay?? Mag mukang masaya??)"

Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko sa pag papanggap nya. Hindi ko mapigilan ang maiyak. Gusto ko naman talagang pumayag, umoo kaso di ako maka sagot agad dahil nauna na ang pag iyak ko.

"Sorry... Sorry... Patawad mahal ko kung bawat makikita mo ako ngayon.... Yung katarantaduhan ko ang nakikita mo. Sorry babe. Sorry... Hindi ko alam kung pano ko maayos ang tayo.. Pero gusto kong subukan lahat nang kung ano ang pwede para sana mapatawad mo ako. Ang gago gago ko!! Alam ko naman yun ehh.. Pero kasi kahit anong hiling ko na maibalik yung oras at panahon na yun hindi ko magawa... Kaya kapatawaran nyong lahat na pang ang sinusubukan kong gawin. Alam ko naman na hindi madali eh pero kasi minsan hindi ko na din alam ang gagawin parang ang buong mundo na kasi ang galit sa akin. Wala kasi ni isa sa inyo ang kayang maniwala na hindi ko naman talaga ginusto yun eh. Hindi ako nag rereklamo mahal ahh.. Hindi ko rin sinasabi to para maawa ka. Sinasabi ko to para malaman mo na hinding hindi ako susuko. Lahat gagawin ko mapatawad nyo lang ako"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Lust To Love To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon