Chapter 3

7 1 0
                                    

“ You know what Brei? Bella is past away long time ago. Sobrang tagal na nun. Hanggang ngayon ba guilty ka parin sa nangyari sa kanya?” Tuloy-tuloy na sabi niya. Nagkwento na bako?

“ Sinong nagsabing naguguilty ako?”

“ Brei, I understand. Alam kong tinatago mo lang yung emosyon mo. Al—.” Bwesit, Ano bang pinagsasasabi niya?

“ Tumigil ka nga. Wag mo kong pangunahan!” Sigaw ko sa kanya.

“ O-okay sorry. Pero pwede ba hayaan mo nalang akong sabihin sayo to?” Sabi niya tsaka ipinakita na naman sakin yung sensiridad sa mukha niya. Hinayaan ko naman siyang magsalita. I give her freedom of speech.

“ Look, wala kang kasalanan sa lahat. Hindi mo kasalanan kung bakit siya namatay, Aksidente lang ang lahat. I know what human being are you Brei. Halos sabay na tayong lumaki nila bella. At isa pa iba ka sa kanya! Sobrang bait mo! Sobrang caring! At sobrang—.”

“ Tama na ronda.” Putol ko sa sinasabi niya bago niya pa ipaalala sakin lahat ng paguugali ko dati.

“ Hindi ko sinisisi ang sarili ko. Kung ano man yung nangyari sa nakaraan, Kinalimutan ko na'yun. At isa pa yung breia na sinasabi mo. Wala na. Kasabay siyang nawala ni bella. Ibang tao nako ngayon ronda. Sana masanay kana sa kung ano nako ngayon.” Sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit habang sinasabi ko yun nagiging matigas na bato ang puso ko. Habang saglit naman na namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

I admit na si ronda ang isa sa mga nakakaalam kung anong klaseng tao ako dati at ganun na din si bella. Pero please lang. Wag niya ng paulit-ulit na ipaalala pa sakin lahat ng yun. Ginugulo niya lang ang isip ko.

“ Okay fine. I-m sorry...” Sabi niya tsaka bahagyang nagbaba ng tingin.

“  It's okay. Siguro next time, Wag nalang natin pagusapan.” Sabi ko tsaka tumingin sa kanya.

Napalingon naman kami ng makadinig kami ng isang katok mula sa sliding door ng gym. Tsaka ibinaling ni ronda ang tingin sa pinto tsaka niya pinuntahan.

“ Sorry, mukha atang naabala ko kayo?” Narinig ko ang boses ng isang lalaki sa likuran ko. Umayos naman ako ng upo at kasabay nun ay pagtali ko ng mahigpit sa buhok ko.

“ Shon? Ikaw pala. halika pasok ka.” Sabi ni ronda sa kanya.

Hinanap ko naman yung bandage na nakakabit kanina sa kamay ko pero hindi kona makita. Pupunta na sana ako sa looker room para kumuha ng panibago ng hindi sinasadyang magtama ang paningin namin. Nakita ko pa ang pagkagulat sa mata niya habang tinitingnan ako.
Pakiramdam ko he looks familiar kahit na ngayon ko lang naman siya nakita.

Nag-iwas naman ako ng tingin tsaka dirediretsong nagpunta sa locker ko.
Ng makakuha na ako ng pares na bandage ay ibinalot ko ulit yun sa kamay ko. Tsaka sumuntok ulit sa panchimbag.

“ Buti naman at nag-gym kana ulit dito Shon, Akala ko kasi next week kapa uuwi. Teka kelan ka nga pala nakabalik?” Narinig kong tanong sa kanya ni ronda.
Ayoko na sanang pansinin silang dalawa pero hindi ko maiwasang pakinggan dahil naririnig ko sila.

Ilang minuto naman ang nakalipas ng wala ng umiimik pa sa kanila kaya pinabayaan ko nalang.

Makailang beses ko ng sinusuntok yung malaking bag sa harapan ko kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng pagod. Umupo ako saglit tsaka ininom yung bottled water sa tabi ko. At napadako ang tingin ko sa boxing ring at narealize na kanina pa pala nakatingin yung lalaking yun sa direksyon ko.

“ Shon?”

“ Huh? A-no nga uli yung sinasabi mo?”

“ Sabi ko, kailan kapa nakabalik?”

“ Ah yun ba? Last day lang.” Tipid na sagot nito. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na inayos na niya yung mga gamit niya pero pa simple paring tumitingin sakin.
Magkakilala ba kami? Iniisip ko kung nagkita na kami somewhere ng lalaking to at ganun na lang niya ako tingnan.

Bigla namang nagvibrate yung phone sa gilid ko kaya napatingin ako. At agad na nagregister ang pangalan ng babae sa phone ko.

“ Hello?”

“ Miss B, asan kayo? Kailangan niyo ng umuwi. Andito na ang papa niyo.” Pabungad na sabi niya.

“ Alright,” Sabi ko tsaka binaba yung end of conversation. Agad ko namang inayos yung mga gamit ko at nilagay yun sa bag tsaka tumayo.

“ Aalis nako, Kailangan ko ng umuwi. Magkita nalang tayo sa party ni nattie.” Sabi ko sa kanya tsaka binalingan siya ng tingin.

“ Hm, Sige ingat!” Sabi niya.

Dire-diretso naman akong lumabas ng gym tsaka minaneho ang sasakyan ko.

THE MAIN GIRL (ON-GOING)Where stories live. Discover now