HAMSP 3

25 1 0
                                    

Three

Patricia’s POV:

Pumunta muna ako sa comfort room para magsalamin. Hindi na muna ako papasok dahil kailangan kong gumanti. Mas gugustuhin kong umabsent para makaganti kaysa pumasok sa klase ko at hindi ko naman mananamnam ang leksyon namin.

Pagkapasok ko may mga nakita agad akong mga babaeng nagsasalamin. Naglalagay ng bandiritas sa mukha na animoy may piyesta don sa mga mukha nila. Mga langaw!

“Lumabas kayo ngayon din!” inis na inis ako kaya hindi ko napigilang sigawan ang mga babaeng ito.

Masunurin naman sila at lumabas din sila agad. Takot lang nila sa akin kung hindi sila susunod sa akin. Ako yata ang mayora sa paaralag ito. kungmay mayora sa kulungan, may mayora din dito sa paaralang ito at ako yon kaya dapat sumunod sa akin ang lahat kung ayaw nilang kumain ng grasa.

Humarap ako sa salamin at nakita kong hindi pantay ang make-up ko. Kaya pala nasabi sa akin ng baklang Nicolong yon na hindi pantay ito. inayos ko ang make-up ko, light lang naman siya tapos pumasok na rin ako sa klase ko.

“Miss Sebastian, you are too early for the next class.” Salubong sa akin ni Miss Terr.

Mainit na naman ang ulo ng matandang dalaga. Palibhasa nauungusan ng kagandahan ko ang kagandahan niya kaya nagagalit sa akin. Ang hirap maging maganda, andaming naiingit!

“I’m sorry ma’am.” Mabait kong sagot kay Miss Terr.

“Umupo kana.” Sabi nito sa akin.

Inikot ko ang mata ko para makita si Nicolo. At ayon, nakita ko nga siya. Tinitigan ko siya. Hinintay ko na magtagpo ang mga mata namin. At pagkatapos ng limang minuto, hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

Bastos!

“Ginoong Nicolo, maari ka ng pumunta sa harapan at talakayin ang ika limang kabanata ng El Filibusterismo.” Wika ng guro namin sa kalagitnaan ng pagmamatyag ko kay Nicolo.

Kaya pala hindi siya sumusulyap sa akin sapagkat nakatuon ang kanyang isipan at atensyon sa pagkabisa ng kanyang ulat.

Nakita ko siyang tumayo mula sa kanyang salong puwit at nagsimulang maglakad papunta sa munting intablado ng aming silid aralan.

At nagsimula na siya.

“Ang ikalimang kabanata ng El Filibusterismo ay pinamagatang ‘ Ang Notse Buena ng isang Kutsero’.”

 

Bigla akong nakaisip ng gagawin para makapaghiganti sa ginawa niya sa akin. Hindi ko dapat palampasin ang kabastusang ginawa niya. Dapat siyang magbayad!

“Kasalukuyang inililibot sa mga lansangan ang pang-Notse Buwenang prusisyon nang si Basilio’y dumating sa San Diego. Nasalam siya nang ilang oras sa paglalakbay sapagkat ang kanyang kutsero ay nakalimot magdala ng sedula kaya dinala sa kuwartel ng mga guwardya sibil, kinulata at saka pagkatapos ay iniharap sa komandante.”

Hindi ako magkakagusto sayo, PROMISE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon