HAMSP 4
Patricia’s Pov:
So ayon nga, dumaan muna ko sa simbahan at nagdasal na sana maging maganda ang seminar na pupuntahan namin lalo pa’t kasama ko ang lalakeng kamatayan ko. Ang hangin kasi. Taimtim akong nagdasal at pagkatapos nun ay dumeretso muna ako sa mall para mamili ng mga damit.
Syempre, ayaw kong mag mukhang manang sa seminar namin. Marami pa namang mapag mata sa University na yon. Mayayaman din kasi ang mga studyante doon so kailangan kong makipagsabayan sa kanila. Ayaw kong maungusan ang kagandahan ko.
Pagkatapos kong mamili sa mall, umuwi na rin ako para makapag pahinga. Ayaw ko namang mag mukhang stress bukas. Nakatulog ako ng dahil sa pagod. Nagising na lamang ako ng pumasok ang little sister kong si Lily na tinadtad ako ng halik kaya nagising ako.
“Hi baby.” Sabi ko sa kapatid ko ng magising ako ng tuluyan.
“Ate, bumangon kana. It’s already 8pm. Kakain na tayo.” Sabi na niya.
“Okay baby.”
Bumangon ako at binuhat ko ang kapatid ko at pinaghahalikan na siyang dahilan para mapahagikhik ito.
“Ate! Nakikiliti ako!” sigaw nito pero hindi ko siya tinigilan.
Ang cute kasi niya pag tumatawa. Nawawala kasi ang mata niya. Haha. Singkit kasi, parang ako lang.. ahehe..
“hal na kayo mga prinsesa ko. Kumain na tayo.” Tawag sa amin ng papa namin ng makarating kami sa kitchen.
“Umupo na kayo.” Sabi naman ni mama.
Umupo na kami ng kapatid ko at nagsimula ng kumain pero bago yon, nagdasal muna kami. sa kalagitnaan ng hapag kainan napag-usapan ang seminar na dadaluhan ko.
“Anak, ilang araw ang seminar niyo?” tanong ni papa.
“Dalawa po. Bukas po at sa linggo.” Sagot ko naman.
“Umayos ka doon ha. Kilala ka namin. Pasaway.” Dugtong ni papa.
“Pa naman. Mabait naman ako kaya ‘wag kayong mag-alala.” Sagot ko kay papa.
“Paalaala lang anak, seminar ang pupuntahan mo hindi semilove. Okay? Baka mamaya pakikipag date ang gawin mo doon.” Paalaala ni mama.
“Ma, alam ko naman yon. Kayo talaga oh.”
“Basta ate, pasalubong ha.” Singit naman ng kapatid ko.
“Yes baby.” Assurance ko sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Hindi ako magkakagusto sayo, PROMISE!
RomantikNakakainis siya - Patricia Kamatayan ko siya - Nicolo