HAMSP 5
Nicolo’s POV:
Yong badtrip na badtrip ka na nga dahil sa hindi planadong pagdalo sa seminar sisirain pa ng isang tao ang umaga mo. Hindi pala sisirain kundi dadagdagan ang pagkasira ng umaga mo.
Para akong bumubuo ng isang puzzle kung saan isang piraso na lang ang ilalagay ko at mabubuo ko na ito pero ng dahil sa may dumaang masama at malakas na hangin, ayon nasira ang lahat.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun na lang ang babaeng ‘yon. Ang lakas ng loob para sigaw-sigawan ako. Ni isa ngang babae sa school hindi nagtangkang gawin sa akin yon. SIYA LANG talaga. Palibhasa kasi titinitingala ng mga kakalakihan, well, maliban sa akin.
Ewan, pero hindi talaga kami magkakasundo kahit kalian. Wala atang jansang magkasundo kami. Siguro pinagdamot sa amin ang kasunduan sa pagitan naming dalawa.
At dahil pinaghintay niya ako ng katagal-tagal kanina at pinapalabas pa niya na ako ang may kasalanan sa pagkahuli namin sa pagpunta sa KLM University, ayon pinabayaan kong maiwan sa school. Anong akala niya, hindi ko papatulan ang hamon niya? Ako na nga ‘tong nagmalasakit na pasakayin siya sa sasakyan ko para makapunta na kami sa KLM University tapos siya pa ‘tong aarte-arte. Ayaw sumakay. Huh! Otot niya oi.
“Good morning ma’am.” Agad kong bati kay ma’am Terr pagkadating ko sa hotel na tutuluyan namin. Najempuhan ko kasing palabas siya ng hotel.
“Good morning too Nicolo.” Bati rin naman ni ma’am.
“Bakit mag-isa ka lang? Where is Patricia?” tanong niya ng mapansin hindi ko kasama si Pato.
Kanina pa kasi siya tumitingin sa sasakyan ko para abangan kung may lalabas pa bang tao na sakay doon, pero wala siyang naabangan dahil nga iniwan ko ang Pato sa school. Panigurado, matatagalan yon dahil alam niyo na ang mga Pato, mabagal maglakad kasi busy sa pagkembot. Hay, sarap hampasin ng dos-por-dos.
“She’s dead ma’am.”
Napasama ng tingin si ma’am sa ibinigay kong sagot sa kanya.
“kayong mga bata talaga oh. Nag-away na naman ba kayo?”
“Ano pa ba ang aasahan niyo ma’am sa aming dalawa.”
“hay, ewan ko sa inyo. Sige na pumunta ka na muna doon sa kwarto niyo ni Patricia.”
O_________O
Ano daw mga Brod? Kwarto namin ni Patricia?
“WHAT??” napasigaw na lang ako.
“You heard me Nicolo. Kwarto niyo ni Patricia. Matutulog kayo sa iisang kwarto.”
Ma’am naman! Nag-away na nga kami kanina sa school magsasama pa kami sa iisang kwarto. PATAYAN ANG MANGYAYARI NITO!
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si ma’am Terr.
“kung ayaw niyong masuspende ng dalawang buwan, sumunod kayo sa akin. Okay?” ang lakas ng loob mong magbanta ma’am ha.
“K.” yon na lang nasabi ko kay ma’am.
Dahil wala akong magagawa kundi ang sumunod sa gusto ni ma’am. Pumunta na ako sa kwarto namin ni Pato.
Pagkapasok ko sa room, nakahinga ako ng maganda kahit papaano dahil dalawang bed ang mayroon sa loob. Inayos ko agad ang mga gamit ko para makapag pahinga muna. Late na rin kasi kami kaya hindi na muna kami makakasali sa morning session ng aming seminar.
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit, nahiga ako sa kama ko. Tinitigan ko ang kesame. Huminga ako ng malalim at sinabi ko sa sarili ko ang
WELCOME TO THE HELL NICOLO!
Tapos pumikit na ako para makatulog dahil kulang ako sa tulog kagabi.
“GUMISINGING KA HAYOP KA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Sa sobrang lakas ng boses na narinig ko sa loob ng kwarto nagising ako sa gulat. At bumungad sa akin ang mukha ni Patricia na halatang inis na inis.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at nung nakaupo na ako sa gitna ng kama napahiga ulit ako ng ibato sa akin ni Patricia ang kanyang bag sabay sabing
“BASTOS!”
BINABASA MO ANG
Hindi ako magkakagusto sayo, PROMISE!
RomanceNakakainis siya - Patricia Kamatayan ko siya - Nicolo