chapter 5

3 0 0
                                    

Sophianne pov

Pagbaba ko sa sasakyan ko nagmadali na akong maglakad   para sana hanapin ang pinakang main gate ng school na ito at siguradong inaantay na din ako nina ash pero biglang may lalaking napabunggo sa akin  kaya ang nangyari napahiga  kami pareho sa lupa shitt naman oh di kasi tumitingin tong lalaking to sa dinadaan bwisit.

pag angat ko ng tingin nakatingin na din pala siya sa akin masasabing kong pogi siya ang ganda ng mga mata niya at ang labi niya ang pupula

Erase erase erase di siya pogi ok pangit siya dahil binunggo niya ko at nagkadumi pa ang damit ko puti pa naman huhuhu

Hey you? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?kita mong may tao tapos mangbabangga ka ha?bwisit ka ha sigaw ko sa kanya

Tsk! malay ko ba at saka sana umilag ka na lang kung alam mong mabubunggo kita diba tsk! pangangatwiran pa nga

Aba inuubos ng lalaking to ang pasensiya ko ha

Ahh ehh pake mo ba eh sa hindi din kita nakita e tsk! depensa ko naman

Tskk! Bat ba ko nagpapaliwanag sa lalaking pogi na to este mukhang impaktong to

Hoy lalaking mukhang impakto sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo ha at saka hindi ka ba magsosorry sakin ha? sigaw ko ulit sa kanya

Anong sabi mo?sinong impakto ha?sa gwapo kong to?tsk bat naman ako magsosorry sa pangit na katulad mo ha? naiinis na sabi niya

Talagang inuubos nitong impakto na to ang pasensya ko ha walanghiya na to

SINONG IMPAKTO? IKAW YUN AT ISA PA ANG KAPAL MO NAMANG SABIHIN NA GWAPO KA ANG PANGIT MO, ISA PA HINDI AKO PANGIT DAHIL MAGANDANG MAGANDA AKO LECHEE! malakas na sigaw ko sa kanya at iniwan siyang nanglalaki ang mata

Hindi ko namalayan na madami na palang nakatingin sa aming dalawa.

Bago ako umalis sumigaw siya na ikinalingon din ng ibang estudyante na nageenroll

HOY BABAE HUMANDA KA SAKIN PAG NAKITA ULIT KITA. sigaw niya sakin at umalis na din

Harris pov

HOY BABAE HUMANDA KA SAKIN PAG NAKITA ULIT KITA.sigaw ko sa babaeng yun pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad na akala mo ay walang naririnig

Shit talaga siya bwisit nakakasira ng araw

Oy bro anong nangyari sayo at mukhang badtrip na badtrip ka hahaha. Tanong ni jayden

Andito na pala ang mga ugok na to hindi ko napansin tsk

Oo nga kulang na lang magdikit na yang kilay mo e hahaha. sabi naman ni Jacob

Tskk tumahimik na nga lang kayo. pagpapatahimik ko sa kanila pero sa halip na tumahik nagsitawanan pa tsk!

Ano ba bro nangyari ha? tanong naman ni ethan

Hahaha sino bang babae?. tanong ni charles sakin

Yung nakabunggo ko nga bwisit na yun sinigawan ako sa harap ng madaming tao shit talaga pagnakita ko ulit siya humanda siya sakin. frustrated na pagpapaliwanag ko

Owww bago yun ha hahaha siya lang ata ang kauna unahang nakapagpahiya sayo king hahahaa. sabi ulit ni jayden

Pagnakita ko talaga ulit ang babaeng yung humanda ka na

Ano maganda ba tol? tanong ulit ni jayden

ahmm maganda siya sobra, hindi  erase erase pangit siya mukhang baliw

Mukhang maganda nga siya at napa isip ang loko hahaha. sabat naman ni charles at nagtawanan sila

Kaya mga pinagbabatukan ko ng tig iisa

Sila nga pala ang mga kaibigan ko loko

Si Jayden lopez ang pinaka maloko lalo na sa babae tsk

Si Charles Cooper naman pinakamaingay sa lahat

Kung anong kinaingay ni charles siyang kinatahimik ni Steven Patterson na minsan lang magsalita hahaha

Si Jacob Turner at si Ethan Matthew Turner  sila ang magkapatid sa barkada parehong maloko din

Pinakang Bestfriend ko sa barkada si ethan.

Mabuti pa tara na mag enroll na tayo. sabat ni Steven

Wahhhhhh andito na ang bloody boys ahhhhh. sigaw ng mga babaeng fans daw namin

Hay mga babae nga naman makakita lang ng mga gwapo umiirit na kaya ang hirap maging gwapo tsk

Samantalang nag sitabihan naman ang ibang lalaki dahil kinakatakutan kami dahil isa kami sa pinakakilala at pinakamalakas sa lahat ng gangster.

Pagkatapos namin magenroll pumunta na kami sa canteen para sana kumain.

Pagkaupo namin biglang sumigaw si ashley ang girlfriend ni ethan at lumapit sila sa amin kasama ang kanyang mga kabarkada pero may isa siyang kasama na nakaagaw ng atensyon ko ngayon ko lang siya nakitang kasama nila nakatungo ito at may hinahanap sa bag niya parang familiar siya akin.



















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't Stop Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon