chapter 4

3 0 0
                                    

Harris Pov

Ngayon ang enrollment namin tsk! Kahit kami ang may ari ng school na pinapasukan ko gusto pa rin nina mom at dad na ako mismo ang pumila para makaenroll ako which is ok lang din naman sakin para maranasan ko din naman ang nararanasan ng iba

Anak gising ka na ba?ngayon ang enrollment diba? sigaw ni mom sa labas ng pinto

Pagbukas ko ng pinto akala ko nakaalis na si mom pero nandun pa din pala siya

Akala ko nakaalis na kayo anjan pa din pala kayo?. sabi ko naman

Inantay na kita para sabay na tayong bumaba at kumain ng breakfast umalis na kasi ang dad mo e nauna na sa school. saad naman ni mom

Kaya pala nandito pa din siya sa labas ng pintuan umalis na pala si dad

Tara na mommy kumain na tayo ng breakfast siguradong madami na ang mageenroll ngayon pipila pa ko e. pag aaya ko kay mom

Sigurado, ahmm sina ethan ba hindi mo kasabay pag eenroll?. tanong naman ni mom sa akin

Ngayon din po sila mag eenroll he texted me yesterday and dun na lang kami magkikita kita sa school.

Hindi na umimik pa si mom kundi tumango na lang pagkakain namin umakyat na lang ulit ako sa room ko para maligo at makapag ayos na kasi si mom kanina pa nakapag ayos sabay na lang daw kami pagpunta sa school.

Isang simpleng tshirt at black pants lang at sneakers ang suot ko.

Pagkababa ko nakita ko si mom na may tinitingnan na picture sa isang magazine tsk.

Anak look oh I think she's the daughter of your tita steffanie bata pa siya nung huli ko siyang nakita I think mga 5 year old pa lang siya nun tapos ikaw 6 year old lang din nun ang ganda ganda niya lalo ngayon oh anak tingnan mo. sabi ni mom sakin habang titig na titig pa rin sa magazine na tinitingnan niya.

Hay mga babae nga naman ang hilig magtingin tingin ng kung anu-ano

Tsk! I dont care let's go mom your wasting your time because of that girl in the magazine. sabi ko naman kay mom

Hay naku di mo manlang tiningnan yung magazine na pinapakita ko sayo tsk!. pagmamaktol na sabi ni mom habang papasakay sa sasakyan ko

Tsk! because I am not interested mom. sagot ko naman habang may diin ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig

Bahala ka pag nakita mo  yun siguradong maglalaway ka sa kagandahan ng batang yun hahaha nasa akin ang huling halakhak. sabi naman ni mom habang humahalakhak na akala mo ay nanalo na sa lotto

Hayss naging ganyan ka lang naman kasungit nung nagbreak kayo ni Hailey. pagkasabi ni mom ng pangalan ng taong pilit kong kinakalimutan  ang taong nanakit sakin ng sobra bigla akong napapreno ng malakas.

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng makinig ko nanaman ang pangalan niya unti unting bumabalik sakin ang lahat ng binaon kong nakaraan

Flashback:

From: my love

Harris let's meet at the starky coffee, now. I want to talk to you.

Ha?kahapon magkasama lang kami ah siguro namiss niya agad ako ang sweet talaga niya

To: my love

Ok my love papunta na ko I love you :)

Naghintay muna ako ng reply niya pero di na naman siya nagreply

Pagdating ko pa lang sa starky coffee nakita ko kaagad siya sa dulo at lumapit na ko sa kanya.

Hi love bat parang sobrang importante naman ata ng pag uusapan natin. sabi ko sa kanya pagkaupo ko hindi siya sumagot sa sinabi ko kundi tumingin lang

Oy love ang seryoso mo naman  samantalang kahapon ang saya saya mo naman ah. sabi ko ulit kay hailey

Nung magsalita na siya hindi ko inaasahan na yung mga salitang sasabihin niya ang magpapaguho ng mundong pilit kong inalagaan at prinotektahan.

Biglang nawala ang mga ngiti ko ng mga oras na yun at napalitan ng takot at lungkot

Magbreak na tayo King.aalis na ko, sa korea na kami titira. Alam kong mas mahirap kung patatagalin pa natin to kaya tapusin na natin to ngayon habang maaga pa. sabi niya na  seryosong nakatingin sakin

Lo-lo-love please wag ka naman magjoke ayaw ko ng ganyang joke. sabi ko ng nakatingin sa kanyang mata pero umiwas lang siya ng tingin

Hindi ako nagjojoke King seryoso ako. sabi niya at diretsong tumingin sa mga mata ko

At dun bumuhos ng tuluyan ang mga luha ko

Love naman mahal naman kita diba please wag mo naman gawin sakin to oh ang sakit kasi. sabi ko habang umiiyak sa harapan niya

Hinahawakan ko ang mga kamay niya pero iniiwas niya lang ito at mas lalong gumuho ang mundo ko ng sabihin niya ang mga salitang mas magpapasakit sa puso ko.

Hindi na kita Mahal King Hindi na ko masaya tama na to break na tayo. sabi ni Hailey at iniwan akong luhaan sa loob ng coffee shop na yun.

Simula ng araw na yun naging masungit ako sa mga taong nakapaligid sakin kahit sina mom at dad pati mga kaibigan ko sinusungitan ko. Nang araw na yun mas naging sandalan ko ang alak. Gabi Gabing laging umuuwi ng lasing ng dahil sa alak.

End of Flashback

Anak im sorry nakalimutan ko im so sorry anak. pagsosorry sakin ni mom

Its ok mom tapos na din naman yun matagal na yun. sabi ko naman

Pagdating namin sa school bumaba na agad si mom na mukhang nagmamadali na pinark ko na lang ang sasakyan ko sa parking lot.

Pagbaba ko sa sasakyan ko naglakad na ko papunta sana sa pinakang main gate ng school kaya lang hindi ko inaasahan na mapapabunggo na pala ako sa isang babae.

-------------------------------
Yung nasa picture yun po yung
Y. R. U ( Young Reed University)😊

-------------------------------
Leave a vote and comment👇


Can't Stop Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon