Di na kami pumasok dahil inexcuse na kami ng doctor. Kasalukuyan ko ngayong pinag mamasdan ang isang cube na ibinigay sa akin ng matanda. Itinabi ko na muna ito sa may desk ng computer ko at saka ako nag facebook.
May lumabas na advertisement sa screen ko. Sabi dito ay malapit na daw bago maglalabas ng mga bagong stocks. Nang tignan ko ang Hexacore cube ay napansin kong may pagkakaparehas ito sa ibinigay sa akin ng matanda.
Agad akong humiga sa kama at inihanda ang isang cube na ibinigay sa akin nung matanda. Pagpindot ko sa cube ay naging isa itong salamin. Kahawig ito ng mga 3d glasses. Agad ko itong isinuot at pinindot ang button sa gilid. Sa wakas ay makakapag log in na ako sa Lucid Fantasy.
[Starting character link]
♦Initiating Full Dive Mode♦Agad na nagliwanag ang kapaligiran at napunta ako sa isang maliwanag na kwarto. Alam ko na ito. Nasubukan ko na ito noong nag beta test ako ng Fantasy's Gate. Tama,kung ganon isa itong hexacore cube!
May lumabas na isang hologram sa harap ko. Ito ang character customization screen. Agad kong inayos ang istura ng avatar ko at pinindot ko na rin ang PH server. Pagkatapos ko non ay inilagay ko na ang IGN ko o In Game Name. Pagkatapos non ay pinindot ko na ang Start button.
Name:Shinsen
Lvl:1
HP:100%Class:Mage
Nang magising ako ay nandito na ako sa isang gubat. Napaka ganada ng tanawin dito at aakalain mong ito ang riyalidad. Naglakad lakad ako sa may kagubatan hanggang sa may nakita akong floating castle. Napansin kong mabagal na gumagalaw ang castle kaya umakyat ako sa pinaka mataas na puno. Nang malapit na ang castle ay tunalon na ako at pinasok to. Pagpasok ko ay may narinig akong kumakaluskos sa likod ko. Paglingon ko ay may nakita akong isang malaking baboy.
•Devil Boar•
[Boss]
HP:100%
Level:30Lagot na!!!Level one palang ako pero may boss na agad akong nakaharap. Wala pa akong mga skills at item kaya wala akong chance para matalo tong boss na ito.
Agad akong tumakbo.Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ang mahalaga ay makatakas ako sa Boss na yon. Pag lingon ko sa likod ko ay hinahabol nya pa ako.
Nang maabutan nya ako ay agad ako humarap sa kanya sabay suntok.
-0.1% HP
What the!!! Tuluyan ko nang kinalimutan ko na ang pagpatay sa boss at patuloy na tumakbo. Patuloy lang ako sa pag takbo hanggang sa makapunta ako sa throne room.
Pagpasok ko sa throne room ay biglang gumalaw ang mga estatwa at sinubukan akong atakihin.
•Throne Guardian•
[GUARDIAN]
Level:50Biglang sumara ang mga daanan palabas at nacorner ako. Patuloy lang ako sa pag atras hanggang sa makarating ako sa trono. Pag atras ko ay may aksidente akong napindot. May lagusan na bumukas sa tabi ng trono. Pagkakita ko sa pagbukas ng nakataging lagusan ay agad akong pumasok dito.
Hahampas pa sana ang mga Throne guardian pero buti nalang at mabagal silang gumalaw. Biglang sumara ang lagusan at naipit ang isa at namatay.
•level up•
+12
•Items dropped•
×500 Guardianite
10000 GOLD
Treasure room key
BINABASA MO ANG
Project: Spectre
Adventure:Philippine server ;... ;Initiating ;Authenticating ;Core function started ;Name:Adrian Stillwater ;Game:Fantasy's Gate Online ;Starting full dive ;System error ;Searching for errors... ;... ;No errors found ;Starting project :Project:Spectre - Init...