Chapter 3: Recoil

230 18 3
                                    

Hayley's POV

"Shi-sh-insen..." Kahit takot na takot ako ay pinilit kong tawagin ang pangalan nya. Ngunit paglingon nya sakin ay bigla nya ako sinugod. Sinubukan ko umiwas pero hindi ko maigalaw ang aking katawan.

Bigla nya akong sinakal."A-ako t-...o" Napansin ko nalang na lumuluha na pala ako... Adrian... Ikaw pa ba yan?

Adrian's POV

"Hayley!!!!"
"Hindi ako yan!!!"
"Tumakbo ka na!!!"
Paulit ulit kong sigaw. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nakikita ko si Hayley at yung sarili ko. Hindi ko na alam ang nangyayari. Ang naaalala ko lang ay inactivate ko yung skill na catastrophe.

"Mukang hindi ka pa handa..." Sabi ng isang boses. "Sino ka?! Bakit ako nandito?Anong kailangan mo sakin?!" Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin kung saan namggagaling ang boses ngunit hindi ko mahanap ang pinanggagalingan ng boses.

Maya maya pa ay may nakita akong tao sa di kalayuan. Naglalakad sya palapit sakin hanggang sa magulat ako sa aking nakita. "Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Mukang nakilala mo na pala ang ako sa kabilang mundo." Sagot nya. Bigla akong napaisip, kung ganon... "Isa lamang akong data, naatasan akong gabayan ang isa nga mga Royals."

"At ako ang tinutukoy mo tama ba?" Tanong ko sa kanya. Hanggat maaari ay gusto ko nanag umalis dito dahil nasa panganib si Hayley. "Ipapakilala ko muna ang sarili ko. Tawagin mo akong Joker. Hmmm mukang kailangan na nating magmadali. Wag kang gagalaw at magiging masakit ito."

Dahan dahan syang naglakad palapit sa akin. Sinubukan kong maglakad papalayo pero di ako makagala. Napakalakas ng pressure na nararamdaman ko. Tila ba hinaharap ko ang pinaka malakas na nilalang sa mundo. Dahan dahan ang kanyang pag galaw.

Hanggang sa bigla nalang...

Hayley's POV

-30% HP

Hindi na ako maka hinga. Napaka higpit ng pagkakahawak nya. Adrian...

-20% HP
-10% HP

Napansin kong unti unti nang lumuluwag ang pagkakahawak nya. "Shinsen..." Tuluyan na nya akong binitawan hanggang sa bigla nalang.

Frost sphere activated•

Biglang may tumama na bilog na ilaw kay shinsen. Agad akong nag back step at nag dash palayo. "Ayos ka lang ba?" Sabi nung player na nagligtas sa akin.

"A-ayos lang..." Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Tuminingin ako kay Shinsen. Nabalot na sya ng yelo at hindi na makagalaw. "Hmmm delikado sa lugar na ito. Samahan nalang kita sa loob." Sabi nya.

Teka...kahina-hinala ang mga galaw at sinasabi nya. Agad akong dumistansya sa kanya. "Teka sandali... Ako nga nagligtas sayo diba? Ganyan na ba magpasalamat ang mga babae ngayon?" Angal nya.

*crack*

Unti-unti nagkaroon ng mga bitak ang yelo na bumabalot kay Shinsen. "Humanda ka makakalabas na sya." Sabi nya. Susugod na sana sya ngunit bigla akong humarang sa daraanan nya.

"Anong ginagawa mo?! Patayin na natin sya saka natin pp0paghatian yung mga items nya." Sabi nya. Unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay nya. "Hindi pwede! Kaibigan ko sya!!!" Sigaw ko.

"Kung kaibigan ka nya, bakit ka nya sinaktan?" Bigla akong natigilan dahil sa sinabi nya. Hindi si Shinsen yon, kahit na sandali palang kaming nagkakasama ay alam kong mabait sya at hindi nya magagawa ang bagay na iyon.

Project: SpectreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon