5

3 0 0
                                    

Val

Hanggang ngayon napapaisip parin ako sa sinabi ni Celestine, tama siya.

"Even your greatest fairytale can turn into your worst nightmare."

Hindi ko siya gets bakit napaka hugotera niyang babae, ang lalalim pa, tas english pa.

Siguro may pinagdadaanan siya, oo baka nga. Baka iniwan ng jowa? Iyon ang karamihan ng problema ng teenagers ngayon, kaya baka 'yon nga ang problema niya.

Nasa last subject na namin ako at eto si Shiloh sa tabi ko nakatitig na naman sa cellphone niya.

"Uy, san ka pala kanina? Hinanap ka ng proof natin, first day daw pero absent ka. Partida, kayong dalawa pa ni Celestine ha? Magkasama ba kayo? Tol, 'wag mong sabihing type mo ang weirdo na 'yon." Sabi ni Shiloh saka tumawa.

Bigla namang pumasok ang sinabi ni Celestine sa utak ko.

"Tol, tigilan mo nga 'yang pagsabi ng weirdo kay Celestine. Hindi naman siya ganoon." Sabi ko sakanya kaya napatingin siya ng nagtataka sa akin.

"Kinakampihan mo 'yon? 'Wag mong sabihing gusto mo nga?" Sabi ni Shiloh at napatawa.

"Gago hindi! Wala ka rin namang karapatang pagsabihan ng ganyan si Celestine kasi hindi mo naman siya kilala o nakasama. Hindi ba?" Sabi ko sakanya

"Gago, nagmamabait kana naman." Sabi ni Shiloh at nag cellphone ulit.

Hindi na lamang umimik at pinilit ko na lamang mag focus sa sinasabi ng aming proof kaso hindi maalis sa isipan ko si Celestine.

Parang mas na-curious sa kung anong buhay ang meron siya.

--

Uwian na pero inaantay ko na lamang na kumaunti ang estudyante rito para iwas siksikan.

At nung halos wala ng estudyante ay naglakad nako papalabas ng may napansin akong nakaupo sa may hagdan-- Si Celestine.

Nilapitan ko naman siya "Di kapa uuwi?" Tanong ko sakanya "Di pa." Matipid niyang sagot.

Tumabi naman ako sakanya at tinignan siya. "Ikaw? Hindi kapa uuwi?" Tanong niya "Uuwi na sana kaso nakita kita eh." Sabi ko at ngumiti

"Ah" matipid niyang sagot "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya.

"Nakita mo bang may ginagawa ako?" Pilosopo niyang tanong kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Bakit ayaw mo pang umuwi?" Pag iiba ko sa tanong ko. "Napaka pakealamero mo talaga, crush mo 'ko 'no?" Sabi niya at natawa.

"Loko, hindi! Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka manlang excited umuwi. Eh karamihan sa mga estudyante sobrang excited ng umuwi dahil nakakatamad dito sa school." Sabiko sakanya.

"Eh hindi naman ako kagaya nila. Wala namang exciting sa bahay." Sabi niya at tinitignan ako.

"Ha? Panong 'di exciting?" Nagtataka kong tanong "Wala! Ikaw napaka tsismoso mo talaga!" Sabi niya at umirap.

"Ang cute mo." Sabi ko at agad namang nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha "Ha?" Nagtatakang tanong niya.

"W-wala. Sabi ko, mag ice cream tayo!" Pagpapalusot ko. "Sige, tara! Libre mo ha? Hehe" Sabi niya pa kaya tumango na lamang ako.

Naglalakad kami ngayon dito sa lugar kung saan tahimik habang kumakain kami ng Ice Cream.

Ewan ko, kung bakit dito niya gustong pumunta, hindi ko nga rin alam kung papaano niya nalaman ang lugar na ito eh bago lang naman ito sa akin.

CELESTINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon