CHAPTER TWO

11 1 0
                                    


Nandito ako sa school ngayon kasi tapos naman na ang weekends so may pasok nanaman. Nakakastress kaya pumasok,nakakatamad pa pero hindi ibig sabihin 'nun susuko na ako. Mahal ko rin kaya ang pag-aaral kaya ko titiisin 'yon.

Naglalakad ako patungong room namin ngayon tutal maaga pa,doon ko na naisipan hintayin si Giselle, umuwi kasi siya sa tita niya kahapon at doon muna titira nang tatlong araw kaya hindi kami nagsabay ngayo.

Habang naghihintay, umupo muna ako sa isang bench sa harap ng room namin. Naisipan kong itext muna si Steve, I miss him na kasi sobra huhuhu.

To : My Everything ( Steven )
Hi baby! Imissyousomuch!!
Take care always haa?
Iloveyou mwa.

Nakalipas na ang sampung minuto kaso wala pa rin akong natanggap na reply mula sa kanya e dati dati naman mabilis siya magreply kahit busy siya. Pero ba't ngayon? Huhuhu. Maya na lang nga 'yan.

Dumating na rin si Giselle at eksakto magsisimula na rin ang klase.

"Oy Mika!! Tabi tayo ngayon ha? Absent raw si Luke eh. Buti nga sa kanya! " Aniya habang tumatawa.

"Okay" Mahinang kong sagot.

At nagsimula na nga ang klase. Nabalot lang ng katahimikan ang buong room siguro naboboring na ang lahat kasi naman first period na first period namin tapos nakakaantok 'yung teacher namin hays buti nalang at paalis na rin siya.Agad namang nabasag ang katahimikan nang nagsalita si Giselle.

"Oy Mika? You okay? Ba't parang malungkot ka ata? Tanong niya.

Kanina pa kasi ako nagtext kay Steven kaso wala pa rin siyang reply. Sana okay lang siya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Siya ang kaligayahan ko huhu.

"Ahh oo naman" Sagot ko at nagfake smile ako.

"Ayos tayo teh! Hindi mo ako madadaan sa FAKE SMILE mo. Alam ko may problema ka, oh come on dear..kaibigan mo ako so you should tell me malay mo makatulong ako" aniya.

Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin. Kaya sobrang mahal na mahal ko si Giselle eh. Lagi siyang maaasahan. Sana hindi dumating 'yung oras na iwan at ipagpapalit niya ako, baka ikamatay ko.

"Oo Giselle, hindi naman siya problema..parang pag-aalala lang ganun." Medyo naluluha kong sabi.

"Mika, ang kulit mo rin noh? Kung ano man 'yan sabihin mo na dali habang wala pa tayong teacher. Ayoko sa pabitin dear,mamamatay ako sa kacurious'an hahaha! Char..sige na tell me" Aniya.

"Giselle, si Steven kasi hindi nagrereply sa mga messages ko e dati dati ang bilis bilis niya namang magreply at saka first time ko lang maexperience 'to kasi kilala ko rin siya bilang maparaan,kahit busy 'yon hindi niya hahayaang hindi niya ako maitext. Giselle, ano gagawin ko? Baka ano nang nangyari sa kanya huhuhu!." Pag-aalala kong sabi.

"Mika, huwag kang nega.. Be optimistic ika nga nila haha. Pero malay mo sobrang busy. Bakit hindi mo nalang tawagan? Or kung ayaw mo naman e di hintayin mong magparamdam haha, ano dear?" aniya.

Kahit kailan talaga 'tong si Giselle,kapag nag-aadvice laging tumatawa o nakangiti. Kaibigan ko ba talaga 'to? Hahays.

"Tawagan ko na lang kaya." Sabi ko at linabas ko kaagad ang cellphone ko.

Agad kong hinanap ang number niya sa contacts ko at ni-dial. Wala pang limang segundo nang marinig ko ang linyang 'to. "The number you have dialed is now unattended and out of coverage area please try again later." Medyo naluha ako sa narinig ko.

"Ano Mika?" Tanong niya.

" Hindi ko siya macontact Giselle eh." Nag-aalala kong sagot.

"Hindi kaya nakapatay ang cellphone niya?" Tanong ulit niya.

"Ewan" Tipid kong sagot.

Agad na namang nabalot ng katahimikan ang buong room nang dumating ang teacher namin para sa second period.

Halos wala akong maintindihan sa kanyang itinuturo ngayon, by the way.. Science ang subject namin ngayon. Lutang pa rin ang isipan ko sa pag-aalala kay Steven. Ano na kaya? Hindi ako matahimik.

"Miss Choi?" Agad akong nagising sa katotohanan nang sinigaw ni Ms. Santos ang pangalan ko. Hindi naman siya nabigo na kunin ang atensyon ko at agad naman akong tumayo.

" Yes ma'am?" Tanong ko habang nanginginig ang aking boses.

"Nakikinig ka ba? Mukhang lutang na lutang ka. Focus on our discussion" Aniya

Tumango nalang ako at umupo,hinaplos naman agad ni Giselle ang likuran ko.

"Sana okay ka lang." Bulong niya sa tainga ko.

Break Time

"Mika, upo ka lang diyan at hintayin mo ako. I will buy foods for us, what do you want?" Tanong niya.

"Spaghetti and water lang" Mahina kong sagot.

"Okay! Noted." Aniya at umalis.

Habang hinihintay ko si Giselle, binuksan ko muna ang cellphone ko. I opened my gallery at bumungad sa akin ang halos tatlong libong pictures namin ni Steven, grabe namimiss ko na siya..'yung sweetness niya..'yung palagi niyang pagpapasaya sa akin. I miss those memories and I miss all about him. I miss my everything so much. Agad ko namang pinunasan ang onting luhang tumulo at napunta sa pisnge ko.

"Charaaaann! Here's your order madam!!" Aniya at nilapag na sa mesa ang kanyang pinamiling pagkain.

"Baliw" Tanging 'yan na lang ang nasabi ko.

Agad naming kinain 'yung pinamili niya,sobrang nabusog ako. Siguro hindi nanaman ako makakakain niyan mamaya.

"Tapos ka na" Tanong niya

"Oo Giselle" Sagot ko.

"Pwede pasama ngayon Mika? Pls?"

"Saan?"

"Sa mall, may bibilhin lang hihi."

"Sige na nga"

Agad akong pumayag tutal wala kaming afternoon class,boring din sa bahay kapag umuwi ako at isa pa hindi ko matanggihan si Giselle ahihihi.

At the mall

Sunod lang ako nang sunod sa kanya. Ewan ko ba kung anong bibilhin niya hays. Kanina pa kami lakad nang lakad na may parang hinahanap siya at dito lang naman kami pumasok sa Jewelry Shop. Actually mahilig ako sa mga jewelries but hindi na masyado ngayon. Si Giselle ang adik na adik kasi walang mahal na alahas kapag may nagustuhan siya.

"Mika? Wait mo ako dito ha? Babalikan kita agad.. May titignan lang ako" aniya.

Agad naman akong tumango. Nagtingin tingin pa ako ng mga alahas baka sakaling may magustuhan ako hihi.

Sa kasalukuyan kong pagtitingin ay nahagip ng dalawang mata ko ang isang lalaking pamilyar sa akin,naka side view siya at may kasamang babaeng maputi,katamtaman ang tangkad. Makinis at mahaba ang straight na buhok nito. They look so sweet kasi naman isinusuot ng lalaki sa babaeng kasama niya ang isang kwentas. Halata rin sa mukha nilang masayang masaya sila.

Napaharap ang lalaki sa akin at agad akong nag-iwas tingin ngunit kitang kita ko sa salamin ang kanyang repleksyon na titig na titig sa akin. Steven? (●__●) Damn! Bakit siya andito? Huhuhu.

Agad akong tumakbo palabas ng mall habang nakaiwas tingin pa rin sa kanya.

Author's Note:
Sorry guys for all the typos. Korni ba? Well I hope you guys still appreciate it. Thankyou!! Love y'all!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Time Of UsWhere stories live. Discover now