"Goodmorning my bespren !!!" Sigaw ng isang babae na rinig na rinig ko sa lakas ba naman ng boses at napagising agad ako."Gising na pala ang bestfriend ko,remember dear..'yung deal natin yohooo!" Aniya habang tumatawa.
Psh. Naalala ko nga pala..may deal pala kami kagabi. Ang huling magigising sa amin ay manlilibre. I challenged her kasi siya lagi 'yung huling nagigising sa aming dalawa. Hindi ko naman akalaing magagawa niya hays.
Umiling ako habang tinititigan siya ng masama.
"Dear, you okay?" Tanong niya.
"Oo naman hahaha! Ako pa ba..so talo ako?"
"Yes dear. Bangon ka na diyan..ililibre mo pa ako yeyyy!"
"O siya sige sige.."
Tumayo na ako at naligo na agad. Mamaya nalang ako kakain kasi nagluluto pa naman ang bestfriend ko ng almusal namin.
Siya si Giselle Lee. Bestfriends na kami since elementary. Business partners ang parents namin at parehong nasa Korea. Since alam naman ng parents namin na nagkakasundo kami..nagpagawa sila ng simpleng bahay para sa amin ni Giselle. Para na kaming magkapatid ni Giselle. Feeling ko nga siya na lang ang nag-iisang karamay ko sa buhay.
Pagkatapos kong naligo,nagbihis na agad ako at dumiretso na sa kusina para sabayan si Giselle.
Sabado ngayon,so walang pasok pero kailangan naming pumunta saglit sa school kasi may darating daw kasi kaming bisita roon. Jusko naman kasi,alam nilang Sabado,walang pasok tapos inischedule nila ang pagbisita sa araw na 'to. Dibale titiisin nalang namin siguro wala pang isang oras tapos na rin 'yung short program na inihanda namin para sa mga bisita.
Pagkatapos naming kumain ni Giselle. Sumakay na kami sa kanyang kotse at siya na ang nagmaneho nito. Marunong din akong magmaneho kaso wala akong sariling kotse kaya minsan salitan nalang kami ni Giselle sa kotse niya. May student liscense naman kaming dalawa kaya okay lang sa amin na magmaneho kami.
Naalala ko nga pala. Itetext ko muna si Steven para magpaalam na pupunta akong school for the short program baka kasi mag-alala siya.
To : My Everything ( Steven )
Baby, Me and Giselle are on our way to school for us to attend a short program for the visitors of our school. Don't worry about me , I'm okay.. I'm just mising you as always. Take care baby! Iloveyouuu seeyou soonest mwa❤.Binaba ko muna ang cellphone ko habang naghihintay ng reply niya ngunit wala pang isang minuto ay nagreply na siya kaya napatingin agad ko sa cellphone ko.
From : My Everything ( Steven )
Okay baby, just make sure that you're always okay. I'm always here. I miss you so much and I love you my only princess. I hope to see you soonest baby!Napangiti ako sa reply niya, it's been a year since naging kami but then hindi nawawala 'yung sweetness niya pagdating sa akin that's why Iove him , I love him very much , I love him more than anything and I don't want him to leave me.
"Wala ka bang naiwan dear?" Tanong niya sa akin.
I checked my bag kung may naiwan ba ako and wala naman.
"Wala naman!" Sagot ko.
Kilala niya kasi ako bilang makakalimutan hahaha! Sa sobrang stress ko na siguro 'to. Nabalot nanaman kami ng katahimikan kaya isinaksak ko na lamang ang earphones ko sa aking tainga at nagplay ng music. I love music,ang saya kasi sa pakiramdam kapag nakikinig ka sa mga kanta. Nai-enjoy ko 'yung tono ng kanta and ofcourse nakakarelate ako sa mga lyrics nito.
"Mikaaaaa, baba ka na dear. Andito na tayooo!" Sigaw ni Giselle na siyang ikinagulat ko.
Halos makatulog na ako sa byahe sa sobrang pag i-enjoy ko sa pakikinig ng kanta. Medyo malayo rin kasi ang school namin mula sa bahay eh.
YOU ARE READING
The Time Of Us
FantasíaChoi Mikaella , a very mysterious girl to everyone because of her power to see how many years,days,hours,minutes and seconds left in one's life. Let's keep track of what will happen in her life as she has such kind of ability.