CHAPTER FOURTEEN

59 3 1
                                    

SAMANTHA

Maaga ako nagising ngayon medyo puyat pa nga ako hindi pa ako naka empake kagabi kai pagkatapos ko tugtugan si Dimitri kagabi natulog na ako kaagad. Alas kwatro palang ng madaling araw naligo na ako kaagad para mag ayos na. Medyo excited ako kasi ngayon nalang ulit ako makakapagbakasyon nung huli kong bakasyon eh High School pa bago mamatay ang mga magulang ko.

Pagtapos ko ayusin ang mga kailangan ko gusto ko sana katukun si Dimitri kung nakapag ayos na sya kasi kung hindi pa ako nalang mag aayos. Paglabas ko ng kwarto dala ko na yung Bag na dadalhin ko sakto palabas na din si Dimitri ng kwarto.

"Morning" Bati nito
"Nakapag ayos kana ba ng gamit?" Nakangiting tanong ko. Umiling naman ito "manang will do it, give me your bag ako na magbaba-ba" Sabi naman nito , inabot ko naman sakanya yung bag

"Ako nalang mag eempake ng damit mo" Mahinang sabi ko. Anong masama wala naman diba ? Pwera sa kasal na kami sa papel at di kami magkatabi matulog. Aayusin lang naman yung damit niya. Tinignan naman ako ni Dimitri "you sure?" pagtatanong nito. Tumango naman ako
"Sige pasok kana" Sabi niya at tinuro ang pinto. Pumasok naman ako sa kwarto niya at narinig kong bumaba siya ng Hagdan.
Pagbukas ko ng ilaw napanangha ako. Ang ganda
Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng kwarto niya. Ang ganda talaga. Napaka minimal ng design tapos manly na manly ang amoy. Amoy na amoy ko yung pabango ni Dimitri, pagtingin ko sa kama ni hindi naka ayos ang kumot napatawa naman ako. Inayos ko muna yung higaan niya bago pumunta sa walk in closet niya at mag empake.
Kumuha din ako ng bathroom essentials niya. Nilagay ko sa bulsa ng bag. Ano pa ba ? Boxers ba o Brief gamit niya.

"Are you done?" , napalingon naman ako si Dimitri lang pala
"Uh Boxers or Brief?" nahihiyang tanong ko. Pakiramdam ko namumulabang buong mukha ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko parang tipid siyang tumawa
"Well I prefer Boxers" Sabi niya tapos kumindat. Kinuha naman niya yung towel nya at pumasok sa bathroom.

Dimitri wag kang ganyan >\\\<
Pumasok uli ako sa Walk In Closet niya at kumuha ng Boxers.

Nung natapos ko na lahat i empake ng gamit niya zinipper ko na yung bag at iniwan lang sa ibabaw ng kama niya hindi ko kasi kaya buhatin. Bumaba naman ako sa kusina para mag hain ng umagahan para kahit papano may laman yung sikmura namin.

Naghanda ako ng Kape kay Dimitri , gatas naman saakin. Kumuha ako ng Tinapay inisliced ko yung gilid tapos nilagyan ko ng kamatis at sunny side up na itlog.
Sakto pagkahain ko ng pagkain nakita ko pababa na din si Dimitri dala yung bag niya.

"Kunain muna tayo bago umalis" Sabi ko

Umupo naman kaagad siya sa Dinning area.

"Aantayin natin sila sa c5 Banda para sabay sabay tayo pa slex is that okay with you?" tanong ni dimitri habang humihigop ng kape.

"Okay lang.." Sagot ko

Pagkatapos namin kumain si manang na ang nag ayos sumakay naman kami sa kotse ni Dimitri yung Fortuner ang gamit namin kasi may bagahe kami at kung sakaling may sasabay edi isasakay doon. Sa totoo lang hindi ko pa nakilala yung ibang tropa ni Dimitri yung dalawa lang yung nag witness ata nung pinirmahan ko yung Marriage Contract ayun.

Nandito kami sa Bayani Road inaantay namin sila. Kami plang ang andito at si Dimitri naiinis na kanina pa nya tinatawagn mga kabarkada niya at puro mura lang ang lumalabas sa bibig nito.

Maya maya may bumisina sa likod namin naka Grandia kumunot naman noo ni Dimitri at bumaba ng kotse. Kita ko sa salamin na bumaba din ang driver naguusap sila pero maya maya tunawa din, siguro isang barkada niya. Sumilip si Dmitri sa loob ng sasakyan tapos maya maya pumasok na uli yung lalaki sa kotse at si Dimitri sumakay naman dito at nagmaneho na siya.

DIMITRI

Nung narinig ko yung busina sa likod ko bumaba ako ng kotse tangina talaga neto ang babagal isa palang to.

Lumabas naman si Seven mula sa Drivers Seat.
"Tangina mo ang tagal nyo" Sabi ko ; tumawa naman si Seven
"Eh iniwan mga kotse dun sa condo ko e mag grandia nalang daw kami mga tamad mag drive e" Pagdadahilan nito
Napa iling naman ako. Sinilip ko yung loob ng kotse at mga kutong lupa andon nga. Kinawayan naman ako ng mga gago. Kasama ni Ian girlfriend niya si Charmaine ba to Christine ewan kinawayan naman ako ng mga gago
"Boi dito kana sakay"
"Si pito yung mag da drive"
"Gago. Kasama ko si Sam" Sabi ko
"Tingin mo naman makaka points ka doon sa kanya?"Natatawang sabi ni Ian
"Gago" Sabi ko

"Sige na tara ng di tayo maabutan ng traffic" Sabi ni Seven at pumasok na uli sa kotse.

Masyado silang madami sa loob baka di makomportable si sam ayos lang namn sakin mag drive di naman ganon kalayo.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe napansin kong nakapikit siya. Tulog ba siya?
"Sam" Mahinang sabi ko, pero walang respond. Pagod nga napuyat kagabi eh. Tinabi ko muna yung kotse at inayos ko dahan dahan yung upuan nya binend ko para nakahiga siya. Hindi pa rin siya nagising. Inayos ko yung seatbelt para hindi masyado maipit tiyan niya. Tinignan ko muna ang mukha niyang mala anghel bago nag drive uli.

-x

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon