CHAPTER ELEVEN

55 2 0
                                    

SAMANTHA POV

Medyo naramdaman kong okay na ang pakiramdam ko kaya maaga ako gumising para ipaghanda si Dimitri ng umagahan. At magpapasama sana ako para mag pa check up kasi pinapabalik kami ng doctor after 2 weeks daw. Icheck kung okay lang ba si baby.

"You're awake"
Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Dimitri nakatayo sa harapan ko.
Ang gwapo nya bakit ganon kahit na sobrang gulo ng buhok nya at halata sa mata na bagong gising ito.

"Hey" He snap his finger in front of me "are you okay?" dugtong niya. Tumango naman ako. Shiiz samantha nakakahiya.

"Uh ano umupo kana pinaghanda kita ng umagahan" Sabi ko at ngumiti. Umupo naman sya at tinulungan ako ni Manang para ilagay yung mga niluto ko sa Lamesa.

Medyo maaga pa 6:15 am palang usually 8am pumapasok si Dimitri. At alam ko 7 sya nagigising pero ngayon maaga himala ata.

"Uh Dimitri check up mamaya baka gusto mong sumama?" Tanong ko. Huminto naman sya sa pagkain
"Sure" sabi niya

"Mga 3:30pm pa naman yung appointment" mahinang sabi ko

"Ill be home before 3" Sabi naman nito. Hindi ko alam pero bakit sobrang nagdiriwang yung buong katawan ko.

Pagkatapos namin Kumain, aayusin ko sana yung hapagkainan pero pinagalitan ako ni Dimitri sabi niya yung kasama nalang daw sa bahay , bawal daw ako mapagod.

-

Alastres na pero wala pa din si Dimitri. May appointment pa kami sa OB ko siguro 15 minutes pa mag aantay ako baka sakaling na traffic lang ganon.

Hindi ko alam pero netong mga nakaraang araw, sobrang kabado ako kapag kinakausap ako ni Dimitri ganon pero hindi talaga okay pakiramdam ko kaya natatakot akong kausapin siya.

3:20 na wala pa din siya .. siguro busy sya kinuha ko na yung bag ko at nagpahatid nalang ako kay Manong papuntang St. Lukes. Actually si Dimitri ang nag sabi na dito ako mag pa check up pati sa pag anak dito na din daw ang mahal ng Bill dito pero yun ang gusto niya.

Pumasok ako sa loob ng hospital ang sabi ni manong aantayin niya nalang daw ako, umoo naman ako. Mahirap kasi makasakay dito walang jeep na pumapasok eh tag ulan pa baka mahirapan ako maghanap ng Taxi sa labas kaya wala akong choice kundi mag paantay

Pagpasok ko sa OB ngumiti naman si Doctora at binati ako

"Good Afternoon Mrs. Monteverde" nakangiting sabi nito. Hindi na ako magtataka bakit alam niya ang alam ko meyo close sila ni Dimitri

"Good afternoon din po" bati ko

"So kamusta netong mga naka raang araw?"

"Okay naman po medyo nahihirapan lang kasi ang moody ko kaya hindi ako masyado makakilos" mahinang sabi ko

"That's normal" Tumatawang sabi nito.

"May iba kabang nararamdaman ?" tanong niya

Napaisip naman ako, normal lang naman ata yung hinihingal ano?

"Wala naman po" sagot ko

Pinahiga niya ako at inultrasound nanaman ako
"That's your baby" nakangiting sabi ni Doctora
Napangiti naman ako. Mas malaki na ito kumapara sa una kong ultrasound. Hindi ko alam pero kusang dumapo yung kamay ko sa screen at hinaplos ito

"After 3-4 months mo pa malalaman yung Gender since 1month and 3 weeks kapalang naman na buntis reresatahan din kita ng vitamins inumin mo ha" sabi ni Doctora at iniabot saakin ang papel

Tumayo naman ako saka inayos yung damit ko bago ko abutin yung papel na hawak niya

"Maraming salamat po" Nakangiting sabi ko

"No worries have a nice day ahead! Mukang busy si Mister sa opisina at di nakasama" natawang sabi niya

Tumawa nalang ako. Hindi naman siguro halatang pilit ano? Kinuha ko yung cellphone ko para icheck kung nagtext si Dimitri pero wala pa din..

Paglabas ko ng hospital nakita ko kaagang si Manong na naka abang sa gate. Dumaan kami sa Mercury oara bumili ng vitamins na nireseta ni doctora at ng anmum ginamt ko yung pera ko may konti pa naman akong ipon at kaya pa naman. Mabilis naman ang byahe nakauwi naman kami kaagad pero paguwi ko wala pa din si Dimitri nakalimutan niya atang may appointment kami ngayon..

-x

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon