CHAPTER FIFTEEN

141 2 8
                                    

SAMANTHA

"Hey wake up we're here" Napamulat naman ako ng mata nagulat ako nakahiga ako. Inayos ba nya yung upuan ko? Umupo naman ako at ngumiti "Sorry nakatulog ako" Sabi ko "no worries let's go" sabi ni dimitri
He pulled over the car and stopped the engine. We both got out and dimitri headed around to the back to get our things.

Maya maya dunating nadin ang mga kasama namin nagparking sila sa tabi ni Dimitri

"Yo" Sabi ng isang lalaki
nag kamayan naman sila ni Dimitri. Lumabas na din yung mga tao sa loob ng Van
"At last fresh air!" kung di ako nagkakamali si Viktor yon

"Hi samantha" Lumapit saakin si Viktor akmang yayakapin ako pero tinulak sya agad ni Dimitri
"How many times do I have to tell you to fuck off?" madiin na sabi ni Dimitri
Tumawa naman sila
"Tangina overprotective" Sagot ni Viktor

Naglakad kami papasok sa Lobby ng Resort nag check in kami tapos binato ni Dimitri yung mga susi sa mga barkada niya. Nag aantay ako ng may iabot siya saakin pero wala
"Lets go" Sabi niya. Kanya kanya naman silang dala ng mga gamit.

"Here's your key and the room beside you Is  mine" Sabi nito sabay turo sa parang cottage sa tabi ng akin , binuksan nya naman yung Pintuan ng kwarto ko at binaba yung Bag ko. Ayan pala may susi ako akala ko magkasam kami sa iisang kwarto. Tsss samantha ano ba yang iniisip mo.

"Ayos kana ba dito?" tanong niya ; tumango naman ako "I'll go to my room now. Just knock if you need anything I wont be locking my door" Sabi nito tumango nalang ako uli at lumabas na sya ng kwarto ko

Pagtingin ko sa bintana sobrang ganda para akong nasa jeju island yung mga rooms lumulutang sa dagat tapos ang presko kahit kubo lang hindi ko na nga kailangan mag aircon eh humiga ako sa kama ang lambot pero mas malambot yung kama ko doon sa kwarto ni Dimitri ang sarap ng gantong feeling ahhhh

DIMITRI

I Was thinking earlier if should I get one room or two? Pero tangina dalawa yung kinuha ko baka mailang saakin si Samantha kaya dalawa nalang kinuha ko an laki ng kwarto pinili ko yung may maayos na view para sa kanya hindi ko alam bakit ko ginawa yun pero gusto ko kita niya yung view. Magkatabing cottage  lang kami para mabilis nya ako mapuntahan kung sakali putangina kasi medyo malayo ang agwat damn hindi ganon ka dikt dikit. Hindi ko naiintindihan anong nangyayare saakin pero nag eenjoy ako kapag inaasikaso nya ako damn. Kailan ba yung huling may nag alaga saakin?

*knock knock*
"Come in" Napalingon ako agad akala ko si Samantha si Viktor pala tinaliman ko yung tigin ko sakanya

"Easy asan asawa mo?" tanon nito minsan iniisip ko may gusto to sa asawa ko eh.

Asawa ko.. Sounds good

"Kabilang kwarto" Sabi ko hindi ko pa naayos gamit ko bahala na kukuha nalang ako ng damit kung sakaling kailangan

"Pucha bat di kayo magkasama?" sabi nito
"Pake mo?" binato ko sakanya yung unan sa tabi ko naiirita ako.
"Gay" natatawang sabi nito gago talaga to "tara lunch muna tawagin mo si Samantha" tumango naman ako at umalis na siya ng Pinto
Nagpalit muna ako ng damit bago ako pumunta sa kwarto ni Sam

Pagpasok ko sa kwarto niya naabutan ko syang nagbaba ng gamit mula sa bag niya

"Andiyan ka pala kailangan mo ng tulong?" inosenteng tanong niya
Damn she's so innocent and fragile.

"Kakain na daw tara" Sabi ko gusto ko siyang ngitian pero puta nahihiya ako
"Sige magpapalit lang ako" Mahinang sabi nito at dumerecho sa CR pumasok naman ako sa kwarto niya at umupo sa upuan. Tangina ang bango ng kwarto niya agad bat ganon

SAMANTHA

Paglabas ko ng kwarto naabutan kong nakaupo si Dimitri sa upuan tinignan naman ako nito at kumunot ang noo
"Let's go" Hindi ba niya gusto? Sabagay medyo umuumbok na tong tiyan ko eh. Lumabas na siya sumunod naman ako at sinara ko ang kwarto

Pagdating namin sa pinakamalaking cottege parang kainan siya eh. Naabutan ko naman andon mga kaibigan ni Dimitri nagtatawanan. May dalawang bakanteng upuan doon at agad naman kaming umupo ni Dimitri doon

"So samantha ilang taon kana" Tanong nung isang babae na may brown na buhok

"24" Sabi ko ngumiti naman ito. Pagtingin ko sa plato ni Dimitri wala pa siyang pagkain
Kumuha ako ng kanin at nilagay sa plato niya
"Ako na" Sabi niya
Hindi naman ako umimik. Kinuha ko yung crabs at ilalagay sana sa plato niya
"Sabing ako na" Napalakas ang boses nito , naibaba ko naman yung lalagyan ng wala sa oras at napahinto silang lahat sa pagkain at nakatingin sila saamin.
Anong ginawa ko? Unang beses niya akong sinigawan.
Hindi ko tinagalan ang tingin sa kanya at umiwas ako agad.
"Sam paabot naman nung Kangkong" Sabi ni Viktor ; Inabot ko naman kaagad yung kangkong sakanya
Maya maya bumalik na sila ng kain kumain nalang din ako ng tahimik at medyo umusog ako konti para hindi magdikit ang mga balat namin ni Dimitri
Pagtapos namin kumain nag excuse ako at pumasok sa kwarto ko nilock ko yung pinto medyo nawala ako sa mood

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagkaganun si Dimitri. Ayokong masyadong isipin kasi bawal ako ma stress ayoko ma stress. Kinuha ko yung cellphone ko at nagpatugtog ng Classical Music humiga ako at sakto bumibigat na din ang mga mata ko feel ko anytime makakatulog ako. Siguro palamigin na niya muna ang isip niya. Bago kami mag usap..



-x

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon