Chapter 04

0 0 0
                                    

Nahulog

Sa kanyang pagkakahulog, takot kanyang naramdaman
Ngunit nawala iyon nung may sumalo sa kaniya na hindi niya inaasahan

--

Allyson's POV

"Good morning, Ally."bati sa akin nina Mommy at Daddy. Napangiti ako at binati ko din sila at saka ko sila nilapitan para halikan sa pisngi.

Pagkaupo ko ay agad akong kumuha ng pagkain. Bihira lang ata itong mangyari sa isang buwan. Ganoon na sila kabusy ngayon.

"Ally, death anniversary ni Tom noong isang araw di ba?"tanong sa akin ni Daddy.

Napangisi ako nang mapakla. Naaalala pa pala nila 'yon.

"Hindi niyo siya dinalaw."walang emosyong sabi ko.

Nung kanina'y saya na naramdaman ko, naglaho na naman.

Nagbuntong hininga si Mommy. "I'm sorry, Ally. Alam mo namang marami kaming ginaga-"

"Alam ko po 'yon Mommy. Wala nang bago."sabi ko at nagpatuloy na ako sa pagkain at hindi na ako nagsalita pa.

"Dadalaw kami mamaya."

Sus, di na naman nyan matutupad. Puro kayo salita, wala naman sa gawa. Iyong business nyo lang ang mahal nyo. Minsan na nga lang kaming kumain ng sabay sabay, ganito pa katahimik at kawalang kwenta.

Pagkatapos ay tumayo kaagad ako. "Mauna na ho ako kasi may gagawin pa po akong importante."walang ganang sabi ko at pilit ko silang nginitian.

"I'm sorry, Ally. Para sa iyo itong ginagawa namin ng Daddy mo."sabi ni Mommy at tuluyan ko na silang iniwan doon.

Ang drama ng buhay ko. Kung nandito lang sana si Kuya, hindi ako mahihirapan ng ganito.

--

Third Person's POV

"Thank you, Dok."pasasalamat ni Sam sa Doctor bago sila umalis.

Nadischarge na si Stephen at pwede na daw syang umuwi. Sa Mikhailov Mansion na sya titira sa ngayon.

"Welcome home, Sir Stephen!"bati sakanya nung nga katulong at pati na rin yung mga security guard.

Tinanguan lang niya sila. Pinagmasdan nya ang kabuuan nitong Mansion. Ang huli nyang punta rito ay nung five years old pa lamang sya. Palihim syang namangha sa disenyo ng Mansion. Hindi niya maiipagkaila na nakakamangha talaga 'yong disenyo ng Mansion.

Napangiti si Sam dahil halata sa ekspresyon ng mukha ni Stephen na namamangha sya sa nakikita niya.

"Kumain muna tayo bago kita ilibot dito sa Mansion."sabi ni Sam at sinundan sya ni Stephen sa kusina.

"What do you like to eat?"tanong sa kan'ya ng kan'yang Ama.

"Kahit ano."sagot niya.

Nagsimula na silang kumain, tahimik lang si Stephen at si Sam.

"Anak, babalik ka pa ba sa Australia? If you want to stay here for good-"

"I want to go back in Australia as soon as possible."walang ekspresyong sabi ni Stephen.

Sarkastikong natawa ang kaniyang Ama. Napakunot naman ang noo niya. Ayaw na ayaw niya talagang nagiging sarkastiko ang kanyang Ama. Naiinis siya.

"You don't have money. You have nothing."mariing sabi ni Sam.

Our Ended BattleWhere stories live. Discover now