Ending

269 11 2
                                    

Chapter Eight.

Mahal. Pangako ikaw lang.

''Ayos naba ang lahat ?'' Tanong ni Mama ng pumasok sa kwarto ko.

Naka ngiti akong tumango at muling bumaling sa sapatos na susuotin ko sa araw ng kasal ko. Nakahanda na ang mga susuotin ko , pati nadin ang mga gamit na kailangan sa kasal.

Umupo si Mama sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Kinuha nya ang suklay sa aking maliit na lamesa at sinimulan suklayin ng dahan-dahan ang aking buhok.

''Parang noon , ang hilig mo pa mag paligo sakin. Hindi ka sanay ng hindi mo ako kasabay sa pag ligo mo.'' Sabi nya.

Natawa ako ng maalala ko iyon. Halos i-umpog ko ata ang ulo ko kapag hindi ako pinapaliguan ni Mama. Minsan ay pinapagalitan pa ako ni Kuya dahil kahit gusto nya na ako na ang mag paligo sa sarili ay wala siyang magawa.

''Tapos naalala mo ba yung time na , may sumugod dito sa bahay na magulang dahil sinapak mo ang anak nilang lalaki?''

Mas lalo akong natawa.

''Pero imbis na pagalitan mo ako ay tinawanan mo lang ang nangyari.'' Sabi ko.

Tumawa si Mama at nag patuloy sa pag suklay ng buhok.

''Paano ba naman ako hindi matatawa? Sinapak mo siya dahil pinag kalat nyang boyfriend mo siya.''

Sabay kaming natawa ni Mama.

Ang sarap balikan ng dati. Ang sarap kapag iniisip mo ang mga nangyari sayo , kahit ang iba doon ay masakit at halos hindi mo kayanin.

Sabi nga nila, paano ka matuto kung hindi mo sinubukan?

''Mama?''

''Hmm?''

Napatingin ako sa picture namin ni Kuya. Nakangiti siya doon at halatang masaya. Kaarawan ko yan ng kuhanan , ang saya ko non dahil binigyan nya ako ng bagong laptop. 18 years old ako nyan , at sinabi nya na wag na wag muna akong mag bo-boyfriend dahil hindi ko pa natutupad ang mga pinangako ko kanila Mama at Papa pati nadin sa kanya.

''Do you think , masaya si Kuya ngayon sa ginagawa ko?'' Sabi ko habang nakatingin sa picture.

''Oo naman anak. Makita kalang ng kuya mo na masaya , masaya nadin siya. ''

Tumingin ako kay Mama dahil huminto siya sa pagsusuklay. Nakangiti siya sakin pero nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Umusog ako para yakapin siya.

Alam ko , na kahit hindi siya mag salita ay nasasaktan padin siya sa pag ka wala ni Kuya. Kung ako nga na kapatid ay sobra padin nasasaktan ano pa kaya ang mga magulang?

''You deserve the best. Yan ang sabi ng Kuya mo sayo anak. At ngayon , malapit ka ng mag karoon ng sariling pamilya masasabi kong eto ang the best na natanggap mo.''

Tatlong araw nalang ikakasal na ako. Nakatingin ako sa mga pinsan ko na nag susukat ng kanilang mga gown na susuotin. Tuwang tuwa sila dahil maganda ang pag kaka design at gawa. Halos lahat ulit ng family ko ay umuwi , sa side ni Mama at Papa kaso yung iba ay sa mismong kasal pa uuwi. Yung iba ko din family na nasa ibang bansa ay uuwi din. Hindi daw nila papalagpasin ang araw na iyon.

Ganon din sa side ni Charles. Umuwi na ulit ang kanyang parents galling ibang bansa kasama ang iba nyang family.

Napag desisyunan naming mag kita ni Charles ng araw na iyon. Gusto nya daw muna akong solohin bago kami hindi pag kitain bago ang kasal.

Naligo ako at agad nag paalam kanila Papa at Mama na aalis na muna. Naka on-leave kami ni Charles pareho. May mga kasamahan din kami na kasama sa kasal namin. Medyo may pag ka history daw kasi ang kasal naming kaya may mga mag ga-guard na pulis at sunadalo sa kasal namin. Ayoko man pero yun ang gusto ng officer namin.

Pagkalabas ko ay nandon na si Charles sa labas ng kanyang kotse. Naka faded pants at white t-shirt , suot nya pa ang dog tag na regalo ko sa kanya nuong birthday nya.

Hindi ko maiwasan hindi mamangha sa kisig at gwapo nya. Sobrang swerte ko sayo mahal..

''Hi , soon to be my wife.'' Ngiti nya.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

''Hello , kamusta sila Tita?'' tanong ko ng pagbuksan nya ako ng pinto.

Hinalikan nya muna ako sa noo bago sumagot.

''Excited na sila. '' Ngiti nya at tsaka umikot siya para makasakay sa driver seat.

Pinaandar na niya ang sasakyan.

''Okay naba ang susuotin mo Love?'' Tanong ko.

''Yup. Ayos nadin kanila Mama. May kailangan paba tayo sa organizer?''

''Ah , yes. Yung sa cake nalang para sa design. Diba gusto mo ng kakaiba.''

''Kahit ano ,Love. Ikaw ang mag desisyon. Kung anong gusto mo yun ang gusto ko.'' Seryoso nyang sabi.

Napailing nalang ako. Paano na kaya kapag mag asawa na kami edi ako nalang palagi ang mag dedesisyon tapos payag siya sa lahat ng sasabihin ko. Ano bayan.

Hindi ko tuloy maiwasan matawa. Agad nman siyang napatingin sakin.

''Why?''

Umiling ako. ''Wala. Love , minsan naman ay pagalitan mo din ako okay? Dapat hindi mo ako laging pinag bibigyan.''

''Imposible ata yang hinihiling mo mahal. Ang gusto ko kasi ay sundin ang lahat ng gusto mo , ayokong umaangal sa mga sinasabi mo. Gusto ko sunod-sunuran ako. ''

Hindi na akonag salita nakarating kami sa isang restaurant para kumain muna. Medyo madaming tao kaya naman nag assist na kami sa uupuan namin dalawa.

''What do you want?'' He asked.

'' My favorite.'' Ngiti ko.

Nginisihan nya lang ako at sinabi na sa waiter ang order namin. Habang nag hahantay ng order ay nag usap muna kami sa mga kailangan gawin sa kasal.

Isang malakas na sigaw ang kumawala sa loob ng restaurant. Agad kaming napatayo ni Charles ng makita ang isang lalaki na may hawak nab aril habang tinututukan ang isang mukang mayaman na lalaki.

''Dito ka muna love. And call the pulis.'' Utos niya sakin bago umalis sa harapan ko.

Kinakabahan ako pero agad akong sumunod sa gusto ni Charles. Nakita ko siyang gumagapang sa ilalim ng mga lamesa papunta sa likod ng lalaking may hawak na baril.

''hello ? Pulis? Kailangan namin kayo dito.'' Sinabi ko kung saan restaurant ito.

Nang ibaba ko ang cellphone ay dahan-dahan ako naupo. Halos walang gumagalaw dahil agad sinisigawan ng lalaki ang mga nakikita nyang tumatayo o nag sasalita.

''Maupo lang kayo kung ayaw nyong paputukin ko ang ulo ng lalaking to!'' Sigaw nya.

Napapikit ako ng mariin ng makita kong malapit na si Charles sa lalaki.

''Ang kapal ng muka mong ipakulong ako? Bakit dahil may per aka at ako ay wala! Ang kapal ng muka mo! Ikaw na nga – Akkkh-[''

Agad napasigaw ang lalaki ng bigla siyang sakalin ni Charles. Nag sigawan ang mga tao at nag simula ng mag panic. Agad nag unahan sa pag labas, ako naman ay pilit sila kinakalma.

NAkita ko ang pag aagawan ni Charles at ng lalaki sab aril , agad nanalaki ang mga mata ko ng sipain ng lalaki ang tiyan ni Charles kaya naman agad napaluhod si Charles.

Agad akong kinabahan. Gusto ko man tumakbo doon at tulungan hindi pwede. Alam kong kapag ginawa koi yon posibleng ituloy nya ang pag putok ng baril kay Charles.

Pero akala ko ay hindi.

''Lakas ng loob mong mangielam eto sayo!'' Kasabay ng pag sigaw ng lalaki ay isang putok ng baril.

Para bang huminto ang puso ko ng makita ko ang pag bagsak ni Charles sa sahig ng restaurant.

Mahal....

This Is Not A Happy Ending (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon