Forgiveness

232 9 1
                                    


Chapter Seven.

Mahal patawad.

''Ano sa tingin mo ang ginagawa mo , Vita?'' Hindi man pasigaw ay alam ko kung paano siya ka disappoint sakin.

Sino ba naman ang hindi diba? Gusto kong ipa-cancel ang kasal dahil sa nangyari. Nalaman iyon nila Mama at Papa dahil sa sila ang inutusan kong pumunta kung saan ko pinapagawa ang gown ko.

''Hindi nyo alam ang nangyayari Mama. Nag sinungaling siya sakin! Hindi pa nga kami kasal ay nagtatago na siya ng kung ano sakin.''

Umiling si Mama at hinilot ang sintido. Lumapit si Papa sa kanya na may hawak na baso ng tubig. Agad imunom si Mama at ng matapos ay agad ibinalik sa akin ang tingin.

''Wala kang basehan ng mga paratang mo sa nobyo mo, Vita. Anong desisyon ang ginawa mo? Alam mo naman na hindi kayang gawin ni Charles ang panloloko!''

''Mama. Oo , wala akong basehan kasi hindi ko pa nahuhuli. Pero nagawa nan yang mag sinungaling sakin at ayon ang pinanghahawakan ko , kaya naman ay umaayaw na ako sa amin dalawa.''

''Anak? Kailan kappa naging ganyan?'' Biglang sabi ni Mama.

Hindi nag sasalita si Papa , ewan ko ba kung naiintindihan nya ako o sadyang ayaw nya lang akong pagalitan katulad ng ginagawa ni Mama.

''Paano na kung mag asawa na kayo? Lahat nalang ban g gagawin nya ay kailangan alam mo? Ganon ba ang gusto mo Vita?''

Hindi ako nakapag salita, kasi tama si Mama.

''Simula ng naging kami ng Papa mo ay hindi ako naging ganyan sa kanya. Dahil may karapatan sila sa desisyon nila Vita. Hindi porket asawa mo na ay dapat hawak mo na ang leeg nya. Tandaan mo , kapag sinasakal mo ang isang tao mas lalo siyang mawawala sayo. Isipin mo din si Charles anak , ginagawa nya to dahil may dahilan -''

''Sige Ma! Anong dahilan? Ano ang dahilan kung bakit siya hindi umuuwi dito? Ako busy sa kasal naming , siya ayon. Hindi ko alam kung saan bahay natutulog! Sino sa tingin nyo ang hindi masasaktan don Ma? '' Nangilid ang luha sa aking mata.

Umiling si Mama na para bang kahit anong sabihin ko ay mali ako.

''Hindi mo naiintindihan , Vita. Dahil masyado kang galit , masyado mong sinanay ang sarili mo sa kanya. Anak. Pag naging mag asawa na kayo at kapag nag sama na kayo sa iisang bahay ay tsaka mo lang mare-realize na ang away na ito ay wala pa sa pagdadaanan nyo.'' Tiningnan nya ako ng seryoso. ''Anak. Ang problema may solusyon , kung parehas kayong kakapit ni Charles sa isa't isa ay lahat ng iyon ay malalagpasan nyo. ''

Tumulo ang aking luha. Muling pumasok sa akin si Kuya. Ang sakit mawalan ng mahal mo sa buhay.

''H-hindi ma.. iintindihin ko naman siya kung may problema siya. Basta wag nya lang itatago. Pakiramdam ko kasi ay niloloko nya ako. Anong gusto nyong gawin ko? Hayaan nalang siya kahit mukang may iba na siyang gusto?'' Umiiyak na sabi ko.

''Wala siyang ibang babae anak..'' Si Papa.

Agad akong napatingin sa kanya. Kumunot ang noo ko.

''Anong ibig nyong sabihin Papa?''

Nag katinginan sila ni Mama, ng makita kong tumango si Mama kay Papa ay tsaka nag salita si Papa.

''Ang dahilan kung bakit , ilang linggong nawala si Charles dahil , nandon siya sa tumutulong sa pag gagawa ng magiging bahay nyong dalawa kapag naikasal na kayo.'' Sabi nya.

Para ba akong nabingi sa kanyang sinabi.

''B-bahay? ''

Tumango sila ni Mama.

''Mas mabuti kung puntahan mo iyon. Tiyak nandon si Charles at nag papatuloy sa pag gawa ng bahay nyo.''

Malakas na hangin ang sumalubong sakin. Inikot ko ang paningin at tinignan ang lugar. This is my dream.

Yung malayo sa tao , yung malayo sa ingay , yung mapayapa. Nangilid ang aking luha. Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa matanaw ko ang putting gate , hindi naman kalakihan. Mukang bagong gawa lang ito. Pumasok ako sa loob at muling nag lakad. Walang pang limang minute ay nakarating ako sa tapat ng isang bahay.

Hindi pa masyadong tapos pero tingin ko ay malapit na. May nakita akong mga limang tao na gumagawa, napatingin sila sakin. Ang isa ay umalis sa kanyang ginagawa at pumasok sa loob ng bahay. Maya-maya ay lumabas na iyon at kasunod ay si Charles na seryoso lang ang muka.

Muling nangilid ang luha sa aking mata. Ang sakit isipin na wala akong tiwala sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko kagabi. Hindi ko na napigilan ang umiyak.

Sinapo ko ang aking muka para takpan iyon.

Ang tanga-tanga ko! Bakit hindi ako nag iisip? Bakit ang bilis kong mag desisyon. Bakit parang ang dali lang para sa akin na pakawalan ang lalaking sobrang mahal ako.

Isang mainit na bisig ang yumakap sa akin. Kahit hindi ko tignan ay alam kong siya iyon. Lumakas ag iyak ko. Mas humigpit naman ang kanyang yakap.

''Shss, tahan na love..'' Marahan nya sabi habang inaayos ang buhok sa gilid ng tenga ko.

''I-I'm so sorry... hindi ko alam...'' Nakatakip padin ang aking muka.

Inangat nya ang aking baba. Nanlabana ko pero nag wagi siya. Iniharap nya ako sa kanya. Pinunasan nya ang aking muka dahil sa luha na nag kalat.

Nasa baba ang aking paningin , walang lakas tumingin sa kanya.

''Love. Look at me.''

Para bang isang gantilyo ang kanyang salita. Agad akong sumunod , agad nag salubong an gaming mga mata. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata , pero agad sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

''Remember this love. Ikaw at ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Ikaw lang ang babaeng gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko.''

Kinagat ko ang aking labi.

''Naiintindihan mo ba?'' ulit nya. Tumango ako.

Isang mababaw na halik ang kanyang ginawad sa akin.

''Mahal na mahal kita Vita.''

Tumulo ang luha sa aking mga mata.

''M-Mahal na mahal din kita.. S-sorry kung nasaktan kita , sorry kung pinag bintangan kita..''

Hinalikan nya ulit ako. Mas matagal kaysa sa una.

''Wala iyon. Basta wag mo ng ulitin ang makipag hiwalay sakin , dahil kahit anong sabihin mo ay hindi ako susunod. ''

Tumango ako at niyakap siya.

''Bakit kasi hindi mo sinabi sakin ?'' Nakanguso kong sabi. Kahit naka sandal ako sa dibdib nya.

''Regalo ko kasi iyan sa kasal natin. Gusto ko mismong kasal ko sasabihin sayo, kaso wala e. Nalaman mona.''

''Sorry..''

Hinalikan nya ang tuktok ng aking ulo.

'' It's okay. Don't worry , malapit nadin naman ang kasal natin. Mas maganda nga siguro na alam mo para alam ko kung anong gagawin sa design ng bahay.''

Tiningala ko siya at ngumuso para kissan siya.

''thankyou.'' Ngiti ko.

''No. Ako dapat ang mag Thankyou. Thankyou Love , I love you so much. Pangako , hindi na mauulit ang paglilihim ko sayo kahit na para sayo iyon.''

Tumawa ako at ganon din siya. Nanatili kaming ganon hanggang sa napag desisyunan naming umuwi para ayusin ang mga dapat ayusin sa amin nalalapit na kasal.

-

This Is Not A Happy Ending (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon