Papakilala

1 1 0
                                    

Akoy isang babae na maaga nag asawa. Sa edad na dese-utso ay kasal naako kay Freddo isang company driver sa isang food industry.

Masaya ang pagsasama namin bilang mag asawa pero hindi maiwasan ang away at tampuhan. Pero sa ganun paman ay na reresulba naman ito sa maayos na pag uusap.

Ang trabaho ko naman ay isang katulong sa isang Chinese family dito sa Quezon City. Stay out ang ginagawa ko dahil walang nag aasikaso kay Freddo pag pumapasok.

Sa edad ko na 22 anyos ay hindi parin kami nagkaanak ni Freddo iwan ko ba sabi naman ng Doctor wala namang problema saamin dalawa.

Kaya still hoping kami. Hala gawa lang ng gawa hanggang sa makabuo sabi ng doctor.

May iniinom din akong vitamins para pangpalakas at pampadami ng egg cells ko at ganun din si Freddo.

Saakin masaya na basta kasama ko si Freddo.

Kuntinto naako kung anong meron kami. Sakto at minsan subra pa ang kinikita namin dalawa kaya nakaka ipon kami sa bangko dahil balak naming magpatayo ng sariling bahay. Pero syempre bili muna ng lupa para mapatayuan diba.

At balak ko din sanang mag negosyo nalamang ako.

Ang mga magulang ko ay nasa Isabela  sa Tuguegarao at andoon din ang tatlong kapatid ko lima kasi kaming magkapatid.

High School lang ang natapos ko dahil maaga akong nagtrabaho dito sa maynila bilang katulong.

Kaso nakilala ko si Freddo ay naging kami at pagkatapos ng isang taon ay nagpakasal kami.

Bente-syete na ngayon si Freddo.

Gusto na talaga niyang may anak kami at ganun din naman ako. Kaso wala pa talaga ee.

Kung bakit ba kasi na may mga babaeng gustong magka anak ay hindi agad nabubuntis. May mga babae naman na isang sex lang sa lalaki nakakabuo agad. Malas ata ako ee.

Di bale sabi nga sa kasabihan kung may tiyaga may nilaga.

Kaya go lang ng go sabi ng Globe dahil it won't let you down sabi naman ni Rexona. HAHAHA corny.

Ang Buhay ni IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon