Unang Pahina

2 0 0
                                    

“you may now kiss your bride”

  isa sa mga masasayang araw bilang babae ang makasal sa taong mahal na mahal na. Hmmnn nakakakilig kahit apat na taon na kaming kasal ni Freddo di ko parin maiwasan di kiligin pag naaalala ko ying panahon na kinasal kami.

“hoy Inday Marie kanina kapa hinahanap ng alaga mo asan kana daw, tapos andito ka lang pala sa maids quarter naka ngiti parang baliw.” habang nakapa meywang si ate beth.

grabi baliw agad di ba pwedeng may naaalala lang. Sige na puntahan ko muna yung alaga kong makulit.” tumayo na ako para puntahan ang aking alaga.

“Sinabe mo pa sakit sa ulo yang batang yan nung ako pa nag aalaga, buti nga sayo nakikinig ee,saakin dati sasakit nalang lalamunan ko wala parin parang walang narinig.” natatawa nalang ako sa kwento ni ate beth.

Totoo naman kasi napakakulit pero pag sinabihan ko naman nakikinig, pero sa ibang katulong yung nga parang walang narinig.

“kawawa ka talaga te beth, HAHAHA sige na puntahan ko muna yun kasi baka magwala.” paalam ko dito.

At yun nga di ako nagkamali nagwawala na sa kwarto niya kasi asan na daw ako.

Siya si Christian James Yu ang aking alaga and hes 11 years old. Nakakatawang bata sabi ba naman saakin crush daw niya ako, at pag laki niya papakasalan daw niya ako. Tawa lang ang ganti ko sa kanya. Sino bang maniniwala sa isang 1q yrs old na ganyan agad sasabihin HAHA.

“yaya Marie where have you been? I've been searching you in this house but i can't find you.” nakabusangot na ang mukha.

“nasa maids quarter ako, dapat doon ka dumeritso.” paliwanag ko dito.

“next time stay in my room don't go anywhere. I like you the first thing I see when I wake up.” ayaw parin mawala ang busangot sa mukha niya. Kaya nilapitan ko nalang ito at niyakap.

ay-ay captain” patawa kong sagot dito kaya humiga ulit siya pero nakahawak sa kamay ko ang kaliwang kamay niya. Na parang sinasabi na wag akong umalis. Hay nako itong batang ito.

Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako. Nagising nalang ako na tinatapik ako ng isang katulong namin.

ate mag alas syete na andito na sila ma'am at sir di kapa ba daw uuwi.”

Kaya napabalikwas ako at nakita kong nakahiga lang ang alaga ko at di lumalabas.

“bat di mo ko ginising Istian?” sabi ko sa bata na naglalaro ng ipod niya.

masarap tulog mo yaya and i don't want to disturb you” sagot niya saakin pero naglalaro parin.

“tara na sa labas kumain ka muna bago ako umuwe. Malamang wala pa si kuya mo Freddo sa bahay alas nuebe naman yun nakakauwi ee.” kinuha ko na sa kanya ang ipod at pinatayo.

Sabay na kaming lumabas sa kwarto niya at dumiritso kami sa kusina para pakainin ko na siya ng hapunan niya.

“oh Marie andito kapa pala akala ko umuwi kana kanina alas sais.” sabi ng boss kong babae habang paupo sa para kumain.

“nakatulog po ako kanina alas singko ma'am, hindi kasi binitawan ni Christian yung kamay ko po akala ko natulog ulit ako pala pinatulog.” natataw kong saad dito.

Nang matapos ng kumain ang aking alaga ay dali-dali na rin akong umalis para makapagsaing sa bahay. Bumili nalang ako ng ulam sa labas kasi di na kaya ng oras.

Sakto pagdating ko sa bahay ay alas otso emedya na ng gabi kaya nagsaing agad ako para pagdating ni Freddo ay kakain na agad kami.

Hindi naman kalayuan ang bahay na inuupahan namin sa pinapasukan kong bahay. Isang sakayan lang ng jeep papunta at pabalik.

Maya maya pa ay dumating na si Freddo at sinalubong ko ito at humalik sa kanya.

“kamusta ang trabaho mo hon” sabi ko dito habang binibigyan siya ng damit na pamalit niya.

ito nakakapagod galing ako sa Baguio hinatid ko yung isang sasakyan para gamitin ng company doon.” sabi nito habang nagbibihis.

Kawawa naman napagod siguro to.

“tara na kumain na tayo gutom na ako. Lutong ulam nalang binili ko kasi eight-thirty na ako dumating.” sabi ko sa kanya habang nag prepare ng pagkain namin.

Wala akong nakuhang sagot dito kaya kumain nalang kami. Napapansin ko sa kanya tahimik ito mga ilang araw ko ng na o-obserbahan tahimik lamang ito. Samantala dati kung ano-ano ang kinukwento nito saakin.

“may problema ba hon, tahimik mo?” di ko natiis kaya tinanong ko na ito.

“Ha? W-wala naman. Pagod lang ako H-hon sa trabaho yun lang, wag mo ng pansinin. Eh ikaw ba kamusta na ang trabaho mo ngayong araw?” paiba niyang usapan.

Kaya di ko nalang pinansin baka pagod talaga siya.

Ngumiti muna ako bago sumagot.

“ayos lang nakakatuwa lang subra yung alaga ko.” sabi ko sa kanya.

Nong natapos na kami kumain ay hinugasan ko muna ang pinggan at si Freddo naman ay dumiritso na sa kwarto para magpahinga.

Pagkatapos ko maghugas ay naghalf bath naman ako at pagkatapos ay humiga na sa kama. Tinignan ko si Freddo na sarap ng tulog ilang  araw naba kaming di nagtatalik, sa tingin ko mag iisang linggo na.

Wala naman akong magawa dahil sa tuwing gabi pagkatapos ko mag half bath ay tulog na ito kung hindi naman ay sinasabing pagod siya.

Ano bang magagawa ko.

Kaya natulog na rin ako na nakatalikod sa kanya.

Ang Buhay ni IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon