Pang LIMANG Pahina

4 0 0
                                    

Andito na kami ngayon sa Airport, ngayon kasi ang alis ko papuntang Hongkong. Grabi hindi ko ma explain ang nararamdaman ko excited na nalulungkot. Excited ako kasi alam ko na ito na ang simula ng pangarap namin ni Freddo at nalulungkot ako dahil iiwan ko si Freddo.

"Hey, love okey lang yan 2 years lang naman yun diba? Magkikita din naman tayo. Tsaka alagaan mo ang sarili mo doon, kung maaari wag kang magpagutom. Video call tayo pag wala kang trabaho at pag uwi ko.” yakap-yakap ko si Freddo ngayon dahil hinatid niya ako. Naiiyak na talaga ako kaso pinipigilan ko lamang.

“love alam mo naman hindi ako sanay na malayo sayo diba?. Tsaka love wag kang magloko ha? Humanda ka saakin pag nagloko ka puputulin ko yang junior mo.” pagbabanta ko sa kanya.

"love naman parang walang tiwala saakin. Mahal na mahal kita noh di ko magagawa sayo yon. Kung magloloko man ako dapat di na kita pinakasalan. At isa pa sa gandang mong yan maghahanap paba ako ng iba? Never love” sabi nito sakin.

" Siguradohin mk lang love, alam mong ikaw lang ang lalaking mahal ko. Feeling ko hindi ko kayang mawala ka saakin kaya please behave ka dito habang wala ako.” sabi ko sa asawa ko.

“Love, ikaw lang din ang mamahalin ko ok. Pag uwi mo gawa agad tayo ng baby dahil gusto ko ng may baby tayo excited na nga ako na makita ang lahi natin HAHA kaya behave ako at ikaw din behave ka.” natawa ako sa sinabi nya na excited siyang makita ang magiging baby namin. Kinilig ako don in fairness.

“sige na love papasok na ako kasi mag che-check in pa ako. At nag aantay ang mga kasmahan ko. I love you love.” paalam ko sa kanya.

"I love you my love.” sabi nito saakin.

We kisses for the last time, we don't care sa nakapaligid saamin basta mamimiss ko siya.

Wala na akong choice kundi ang pumasok na sa loob ng Airport para mag check in. Its 3AM ang flight namin 7am pa naman. Alam mo naman ang bansang pilipinas na lupang sinilangan HAHA daming arte.

“Love, mamimiss kita ingat ka palagi doon. ” sigaw ni Freddo kaya nilingon ko ito at nag flying kiss sa kanya.

"mamimiss din kita Freddo” sabi ko sa sarili ko. Umiyak na ako habang palapit sa mga kasamahan ko.

Sabay sabay kaming nag check in para  masaya. Kahit papano ay nawala ang pagka miss ko kay Freddo ng mag ingay ang mga kasamahan ko.

Habang nag uusap ang mga kasamahan ko nakikinig lang ako sa kanila.
Alam ninyo excited na akong mag work sa HK.” Sabi ng kasamahan ko. "Ako nga rin ee, hindi talaga ako uuwi ng pinas nang di ako makapunta sa Hongkong Disney land pangarap ko yun ee at ito lang ang way para makapunta doon ang maging DH.”

“Ako, kalahati lang ipapadala ko sa asawa ko ang kalahati saakin ako mag iipon baka mangbabae yun.” nagtawanan kami sa sinabi ng kasamahan namin.
ako, basta para sa pamilya ko ang kikitain ko doon. Patayo kasi namin ng bahay at para sa negosyo ko. Balak kong magpatayo ng maliit ng grocery store. Not literally na grocery basta parang ganon” sabi ko sa kanila. Yon naman talaga ang rason ng pagpunta ko doon.


Dunating na ang oras para sumakay sa eroplano at sabay sabay din kami.

Bye for now Philippines 🇵🇭 see next two years.
Pumikit muna ako para makatulog kahit 2 hours mang lang.

Ang Buhay ni IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon