"HINDI gumagana ang preno." Sabi ng boses na lalaki, tinignan niya ito at napakalabo ng mukha nito.Bigla siyang nakaramdam ng kaba at hindi makahinga ng maayos. Are we going to die? Well at least we're going to die together but.. there's something I want to say to him..
Sinusubukan niyang magsalita pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Nagsisimula na siyang umiyak habang pinapanuod na lamang na pilit nitong kinokontrol ang sasakyan, sobrang bilis na ng takbo.
"Stay alive for me.." Bulong nito --- di niya alam pero parang nag'slow motion ang buong paligid niya.. dahan-dahan tumingin sa harapan nila-- malalim na bangin at puro puno. Mahuhulog na sila sabay malakas na impact..
!!!
---
BUMANGON si Maddie na hinahabol ang sariling hininga. She's suffocating. Ramdam niya ang impact kaya hindi niya maiwasang yakapin ang sarili. Nakakatakot at sa hindi malamang dahilan ay umiiyak siya.
"Bakit ako umiiyak?" Tanong niya sa hangin, ang bigat ng pakiramdam niya na akala mo ay namatay ka at muling nabuhay which is true.
May kumatok saka bumukas ang pinto ng kwarto na kung saan ay dalidali niyang pinunasan ang luha. Bumungad ang masayang imahe ng Kuya Madison niya.
"Good morning!" bati nito at umupo sa tabi niya. Tinignan siya nito ng mabuti at napansin na pawis na pawis, "Normal naman ang temperature mo." anito ng hipuin ang noo niya. "Are you okay? Is it about your strange dream again?" nagaalalang tanong nito.
"Okay lang ako. Napanaginipan ko na naman kasi kung paano ako mamamatay." Sabi niya at natatawang palihim, bibiruin niya ito, "Kaso this time may kasama akong lalaki. He said to me "Stay alive for me" hindi tulad nung una na ako ang nagmamaneho pero same na car accident." Pagkukuwento niya at napansin na naging seryoso ang kapatid niya, "Baka naniwala ka ha! Nagbibiro lang ako.. panaginip lang iyon at hindi totoo." May halong kaba na tumawa siya.
Bumuntong-hininga lang ito, "Dream is only a dream then." Tumayo ito, "Mag-ayos ka na. Nakahanda na ang breakfast at bilisan mo, susunduin pa natin si Mom sa airport."
Tumango siya at ngumiti. Dalidali niyang kinuha ang ballpen at mini notebook para isulat ang mga nakita sa strange dream na naranasan niya. Iyon ang paraan niya para hindi makalimutan ang bawat panaginip niya.
~~~
ISANG taon naka'comatose si Maddie sa hospital dahil sa isang car accident. Mabuti na lamang ay bago mag-araw ng mga puso ay nagising na siya. Mahirap gumalaw at bumangon, masakit ang buong katawan niya.
Inikot niya ang buong paningin, may mga heart shaped balloons siyang nakikita. Gusto niyang magsalita at tumawag ng tao pero-- bakit merong tubo ang bibig ko?
Maya-maya ay may bumukas na pinto. Lumapit ito agad sa kanya, natutuwa na natataranta ito. Isa itong doctor base sa kasuotan nito at nabasa niya ang pangalan nito sa damit. Madison.
"Pakisabi sa lahat na maghanda na." Utos nito sa isang nurse. Tumingin ito sa mga mata niya at mukhang iiyak sa sobrang saya, marahang hinaplos nito ang gilid ng mukha niya. "Maddie."
Maddie? Sino naman iyon? Ako ba iyon?
Dahil nakatulog uli siya ay unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Habang lumilinaw ang paningin niya ay marami ng mga tao na nasa paligid niya.
"Sino kayo?" Nagaalalang tanong niya, bakit wala siyang maalala? Nakaramdam siya ng sakit sa ulo kaya napahawak siya.
Agad na lumapit ang doctor na si Madison, "It's okay." Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa ulo niya, "Don't worry. It's temporary loss of memory." Ngumiti ito,
BINABASA MO ANG
The Strange Dream (On Going)
RomancePaano kung sa paggising mo ay wala kang maalala? It's another chance to live. Having a new life. Having a new memories. Pero sa bawat tulog mo ay may panaginip kang hindi mo alam kung totoo o hindi. It's a part of the past or -- it's a future? Paano...