"NAKU! Nahulog ni Calvin ang hawak niyang laruan." Sabi ni Kylie at naghanap sa gilid at likod nito,
Nasa Batangas Beach na sila. Mabuti na lamang ay walang traffic kaya mabilis ang biyahe nila, halos magmamadaling araw na. Karga ni Kylie ang natutulog na si Calvin habang si Victor ay bitbit ang mga gamit nila. Ngayon ay papasok na sana sila sa resort pero nabitawan ni Calvin ang laruan nito kung saan.
"Babalik ako sa kotse baka nandon nahulog." Sabi ni Victor, "Iiwan ko muna kayo dito." Isa-isa pinaglalapag niya ang mga bag sa waiting shed ng resort.
Aalis na sana si Victor ng mahagilap ang isang babae, pamilyar ito at nakatingin din ito sa kanya.
Ito ang weird na babae kanina.. may asawa't anak na pala siya. Sabi ni Victor sa sarili saka tuluyang umalis,
--
"NAG-ENJOY ka ba sa biyahe natin, Dylan?" Tanong ni Jonathan habang magkahawak-hawak ang mga kamay nila na kasama si Maddie. Mukha silang happy family. Mabuti na lamang ay maganda ang gising ni Dylan.
"Opo!" Sagot ni Dylan at swing ng swing sa mga kamay nila, natutuwa ito.
"Dylan, huwag masyadong malikot." Saway ni Maddie, mabuti na lamang ay hindi nito isinama ang alagang aso na si Urie kung hindi doble-doble ang mga pasaway.
Habang naglalakad papunta sa resort ay napansin niyang may isang pamilya sa waiting shed. Pagkatingin niya roon ay--
Sandali. Ito 'yung lalaki kanina na gusto kong makausap! Pamilyado na pala ito.. sabi ni Maddie sa sarili at hindi niya inaasahang magtatama pa ang mga mata nila.
Pagkaalis ng lalaki ay tuluyan na silang pumasok sa resort.
---
PAREHONG nagtataka sila Maddie at Victor. Bakit nagkita sila uli? Sa sobrang daming resorts dito sa Pinas ay dito pa sa resort na ito? Nagkataon lang ba ito? Imposibleng mag-isip ng kung anuano lalo na at ang iniisip nila ay mga pamilyado na sila.
Magkasama sila Maddie at Dylan sa isang kwarto habang si Jonathan ay nasa tabi lang nila ang kwarto nito.
"Parehong oras-- araw at iisang resort na pinuntahan namin? Grabeng coincidence ito!" Inis na sabi ni Maddie habang nakatingin sa salamin, nagsisipilyo siya habang si Dylan ay ganoon din.
Maagang natapos si Dylan at tinitigan siya, "Sino po ang kinakausap ninyo, Tita Maddie?"
"Myself." Sagot niya,
Bahagya itong nagulat, cute, "Is my Tita Maddie gone insane?"
"Of course not!" tapos na rin siya sa ginagawa, "Let's go to the bed. Let's sleep na." Aniya at naglakad papunta sa kama sabay higa.
Yumakap si Dylan sa kanya, "When you're in the hospital.. I asked Mommy why you're not waking up-- Mommy's answered you're sleeping beauty but Daddy's said you're sleeping beauty and yet gluttony.. you're going to eat me and gone insane when you wake up and then Mommy's pingot his ear." Natatawang kwento nito pati siya natawa, humanda ang Kuya Madison niya pag-uwi.
---
"SORRY kung sa iyo ko ibibilin si Calvin. Wala akong alam sa pag-aalaga ng baby." Nahihiyang sabi ni Victor ng ihatid niya sila Kylie at Calvin sa kwarto nito.
"Okay lang po iyon Chef Victor." Malumanay na ngumiti si Kylie sa kanya, "Sanay na po ako sa ganito.. meron akong kapatid na kaedad lang ni Calvin."
Habang natutulog si Calvin sa kama ay tinatapos nilang ayusin ang mga gamit lalo na sa gamit ni Calvin.
"Kylie.." mahinang tawag ni Victor, "Call me Vic at iwasan mo ng gamitin ang "po" at "opo" sa akin." Anito at ngumiti,
Nagulat man ay tumango si Kylie. Masaya siya na ngayon ay official friends na sila at hindi mag-amo ang turingan. Malakas man ang pintig ng puso niya sa mga oras na iyon-- hindi naman masama na makaramdam siya ng ganon.
![](https://img.wattpad.com/cover/152740871-288-k334723.jpg)
BINABASA MO ANG
The Strange Dream (On Going)
RomansaPaano kung sa paggising mo ay wala kang maalala? It's another chance to live. Having a new life. Having a new memories. Pero sa bawat tulog mo ay may panaginip kang hindi mo alam kung totoo o hindi. It's a part of the past or -- it's a future? Paano...