How Cruel the World is

37 2 0
                                    

Isang napakalaking pagsubok ang mamuhay,
Ito'y isang malaking responsibilidad Na ibinigay;
at kailangan gampanan, na hindi matatakasan.
Maliban Na lamang kung ika'y humimlay
Hiram ang ating buhay, na kalaunay ibabalik rin.
kung kaya't  habang narito pa ay ingatan natin.

Ang mamuhay sa mundo ay mahirap,
Lagi mong mararamdaman na sa mundong ito;
Ikaw lang mag isa, at wala kang kasangga
Na kahit madami kang kasama;
Kahit nasa'yo na ang lahat,
Sa huli, mararamdaman mo pa ring mag-isa ka.

Mag-isa, sa mundong puno ng panghuhusga,
Mundong hindi mo alam kung kabilang ka nga ba?
Sa mundong puno ng hinanakit at pagdurusa.
Kaya mo ba?, Makakaya mo kayang mamuhay?
Sa buhay na gusto mo ngunit laging pinagkakait sayo?
dito sa mundong ito na sya rin mismong tumalikod sayo?

Random PoetryWhere stories live. Discover now