Patawad

17 1 0
                                    


Isang salita na may pitong letra
teka baliktarin natin,
pitong letra na iisa ang salita,
Salitang malimit banggitin
Ngunit alam mo ba ang tunay na ibig sabihin?
Ang tunay nitong mithiin?

Masarap sa pandinig pero para sa'kin ay masakit.
Masakit marinig sa Mahal mo ang salitang patawad;
Patawad nga pala Mahal?
Patawad dahil di ka na masaya,
Patawad kung nasaktan kita,
Patawad kung nagulo pa kita.

Sana kaya na lang burahin ng pitong letrang yan ang sakit.
Sakit Na paulit-ulit ko ng nadarama,
Na parang sa akin lang talaga naka-puntirya?
Mga salitang bakit, Bakit nangyari sa atin ito?
Bakit nangako ka pa kung ikaw lang din ang unang lalayo?
Bakit hinayaan mo akong umasa sayo?

Patawad kung ako'y sumusuko na,
Patawad dahil di ko na kaya pa,
Patawad dahil nakalimutan kong wala naman talaga.
Wala naman talagang namamagitan sating dalawa,
Na sa tingin ko'y dito na magtatapos ang kwento nating dalawa
Ang kwentong sabay nating sinimulan, ngunit nauna mong winakasan.

Random PoetryWhere stories live. Discover now