Tara na't sumama sa aking paglalakbay,
Ang aking paglalakbay na papunta sa nakaraan,
Nakaraang laman ang ating mga pinagdaanan.
Mga lugar na saksi ng ating pagmamahalan
At mga ala-alang babaunin natin habangbuhay.
Mga ala-alang sabay sana natin ngayo'y inaalala,
at mga pangarap na binuo natin ng magkasama.Halika na't umpisahan kung saan nagsimula.
Saan nga ba tayo nagsimula?
Nakalimutan mo na ba?
Noong mga panahong palagi tayong magkasama?
Noong mga panahong halos di tayo mapaghiwalay ng tadhana?
Noong meron pang ako at ikaw?
Noong kaya ko pa, at di ka pa bumitaw.Teka, bakit tayo nandito?
Nasiraan ba tayo?
Sige na nga dito tayo sa pangalawang destinasyon.
Kung saan una kitang nakilala noong bakasyon,
Kuha mo agad ang aking buong atensiyon.
Hindi na nga ako nakakanood ng telebisyon
Dahil sayo pa lang tanggal na ang konsumisyon.
Ang saya diba? dahil ikaw ang sentro ng atraksiyon.Andito na tayo sa pangatlong ala-ala,
Sa pangatlo na akala ko'y magiging masaya.
Dahil sa wakas ang pag ibig mo'y nakuha ko na.
Ngunit akala ko lang pala.
Sabihin mo naman sa akin kung ano ang dahilan?
Bakit bigla ka na lamang lumisan?
Bakit wala man lang paalam?
Nakakapagtaka dahil ako ba ang may kasalanan?Kasalanang hanggang sa pang-apat na kwento'y inisip ko,
Kung sana gumawa pa ako ng paraan,
Kung sana hinabol pa kita kahit ayaw mo naman
O kaya nama'y sana umpisa pa lang pinigilan ko na.
Umpisa pa lang nalaman ko ng meron ka'ng iba
Hindi ko sana pinalago pa at hinayaan na lang kita.
Ngunit hindi ko kaya dahil bakit ako?
Bakit kailangan pang magparaya kung nagkusa ka naman?Sunod na ang huli't panglimang denstinasyon ng kwento,
na 'di ko na alam kung kwentong bayan o kwentong barbero.
Saan ba ako nagkulang?
Mayroon ka pa lang iba ngunit hindi ko man lang alam.
Bakit napakadali sa'yo na talikuran ako
gayong kumapit naman ako sa sumpaang meron tayo.
Sumpaang akala ko'y walang katapusan,
ngunit akala ko lang pala dahil...Walang biyahe na hindi huminto sa kanto.
YOU ARE READING
Random Poetry
Poetry"There's a bigger world outside your shell." It's just a compilation of different poems you might want to read.