Simula

305 4 10
                                    

Simula

"No" sabi ko kay Russel.

Ayaw ko siyang saktan, pero ako ito sa kanyang harapan dahil hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman. Tatlong taon na siyang nanliligaw sa akin pero 'di pa rin nagbabago feelings ko sa kanya. Friendship lang talaga ang maibibigay ko. Aywan ko pero studies first muna ako. Parehas kaming Grade 9 at Grade 7 siya nagsimula. Tell me, love ba ang matatawag doon? Anong kinalaman ng isang Grade 7 sa love? Sabi nila walang pinipiling panahon, oras, lugar, o tao ang pagmahahal. Kusa mo na lang ito mararamdaman. Ako, 'di ko pa rin naman nararamdaman ito kasi hindi pa ako handa.

"No... No... You can't. Please? 3 years na akong nanliligaw sa iyo. But all you can say is 'No'? I'll wait, Anne. Pero 'di ako titigil" mangiyak iyak niyang sinabi. Wala akong ibang nararamdaman sa kanya kung 'di awa. Bakit pa kasi ako?

"You deserve someone better, Russel... I'm sorry" pinatayo ko siya dahil kanina pa siya nakaluhod. Nandito kami sa park at kanina pa maraming nakakakita sa amin.

"I won't give up on you, Anne. 'Til our feelings are mutual. I know we're still young, that's why I'll wait" sabi niya sabay talikod. Nalaglag ang roses na dala niya habang naglalakad siya. Ang sakit tignan na nasasaktan siya.

Alam kong hindi na magbabago ang desisyon ko. Nasasaktan ako para kay Russel. Si Russel na ang bait bait sa akin, walang ibang pinakita kung hindi positive vibes, hinahatid sundo niya ako, lumalabas kami, nagtutulungan sa mga homeworks, nagbibiruan.

Magkaibigan kami ni Russel pero isang araw na hinding hindi ko malilimutan ang sinabi niya.

"Puwede bang manligaw?"

Pinayagan naman siya nina mommy at daddy basta huwag lang daw pabayaan ang pagaaral. Hinayaan ko si Russel na manligaw. Hoping na maging mutual ang feelings namin. Pero tatlong taon na, wala pa rin. Sarado pa rin ang puso ko. Alam kong makahahanap siya ng iba.

"Oh my God" napatakip ng bibig si Marie sa ibinalita ko noong isang gabi. Awkward dahil magkaklase kami ni Russel. Pero siya parang normal lang. Nginingitian niya ako. Sabi niya hindi siya susuko.

"Ayon, sabi ko friendship na lang ang maibibigay ko. Alam mo iyon? 'Di pa kasi ako handa. Ayoko muna sa love thing na iyan" sabi ko. Napapalibutan ako ni Marie, Anniza, at Mae na mga nakasambakol ang mukha. Parang sila pa ata naapektuhan sa nangyari. Naapektuhan din naman ako kaso parang mas feel nila iyong nangyari.

May narinig kaming nagtitilian sa labas. Alas syete y media pa lang at mamaya pa ang klase. Lumabas si Marie para tignan iyon. Bumalik siya sa amin nang laglag ang panga niya. kahit ganoon maganda pa rin siya, lol.

"O. M. G." iyon ang sinabi niya.

Kumunot ang noo namin.

"Sino iyon, Marie?" tanong ko.

Lahat naman ng lalaki ay walang pakialam. Except na lang kay Russel na ngayon ay nakatitig sa akin.

"New student! Akalain mo iyon? July na pero may humabol pa rin. Pero gwapo siya, shems!" tili ni Marie.

Lumabas kami para tignan iyon. Nakita ko ang pinagtitilian ng babae. Isang lalaking matangkad, tisoy, makapal ang kilay na parang angry bird dahil magkasalubog ito, pointed jaw, at maayos na pangangatawan. Wala siyang abs or biceps pero matikas siya kung gumalaw. Ang bag niya ay nasa isang balikat lang. Nang nilagpasan niya kami ay agad ko ay agad tumama sa ilong ang bango niya. Napasinghap ako, ang bango nga talaga! Pinagmasdan ko siya na tumigil sa isang room.

Lumabas si Nicole at niyakap agad iyong lalaki at hinalikan sa pisngi.

What the hell?

"Hala? Sila ni Nicole? Taken na siya? Ang sakiiiit!" Sabi ni Marie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Heart Throb Boyfriend [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon