Kabanata I

17 0 0
                                    

"Are you already dressed up?"

Saad niya mula sa kabilang linya.

"Yep."

Sagot ko saka ako nakarinig ng malakas na busina mula sa labas ng aking bahay.

Nandito na sya. Sabik na akong makita sya.

Binaba ko ang linya ng telepono saka mabilis na lumabas ng bahay.

Matapos kong buksan ang gate ng aking bahay ay nasilayan ko na ang pinakagwapo at matikas na lalaki sa aking buhay. Maraming nagtatanong kung bakit ako ang minahal niya, ngunit hindi ako nagkaroon ng sama ng loob o galit mula sa mga humuhusga sa pagmamahalan namin ni Van sa kadahilanang hindi ako nakadama ng mali o hindi dapat mula sa relasyon namin, wala ring oras, o araw na hindi ipinadama sa akin ni Van ang kanyang pagmamahal para sa akin kaya't heto ako, buo, masaya, at wala nang hinihiling pa kundi ang makasama pa sya ng matagal hanggang sa aking huling hininga maging sa kabilang buhay.

"You are the most beautiful woman I have ever seen."

Aniya. Nakikita ko mula sa kaniyang mga mata ang sinseridad ng kanyang pagmamahal para sakin.

"I love you, Van." Saad ko.

"And sweet." Aniya. Inirapan ko sya.

"Just kidding. How can I unlove you? Ofcourse I love you." Natatawa niyang sabi na may kasamang tamis ng ngiti.

BelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon