Kabanata II

5 0 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nagmamaneho sya.

Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ko.

"Just trust me." Aniya saka ngumiti.

Alas siete na ng gabi ng makarating kami sa napakagandang simbahan.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya.

Hinawakan muli niya ang aking kamay.

"Gusto kong makita mo kung saan kita pakakasalan." Nakangiti niyang sabi saka hinalikan ang aking kamay.

Ngumiti ako.

Pumasok kami sa loob saka umupo.

"Ang ganda dito." Saad ko.

"Parang ikaw, Bella." Aniya.

Yinakap ko siya ng mahigpit. Matapos iyon ay hinalikan niya ako sa aking labi. Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ng aking nararamdamang kaba.

Nang tignan ko siya ay nakita ko ang sunod sunod na patak ng kanyang luha.

Ngayon ko lamang siya nakitang umiyak ng ganito. Hindi ko alam kung masaya ba sya o malungkot.

Nakita niya ang pagtataka mula sa aking mga mata.

"I love you." Saad niya habang kita ko parin sa mga mata niya ang mga luhang puno ng hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"May problema ba, Van?" tanong ko.

"Wala nama--"

Nakita ko nalang yung sarili ko na umiiyak nang marinig ang malakas na pag ubo ni Van at nang makita ang mga dugo na lumabas mula sa kanyang bibig.

"V-Van!" Sigaw ko.

BelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon