"Belle, I want you to have this necklace for you to remember me each of everyday of your life, but if something happens, I want you to take off this necklace and let go of me for you to open your heart to anyone else. Take this off if you're ready, but if not, take your time to moved on and then find someone who can respect, love and give you happiness, if that happens, I can be happy and contented."
Saad ni Amy matapos basahin ang sulat ni Van na nakita namin sa kotse niya. Nasa maliit na box iyon na may kasamang necklace.
Van, Why?
Bakit hindi mo sakin sinabi na may karamdaman ka?
Bakit hinayaan mong maging masaya ako sa piling mo habang may pilit na nagpapahirap sayo?
Kung sana ay sinabi mo sakin, siguro may nagawa rin ako, siguro natulungan kita, siguro nabuhay kapa ng mas matagal. I miss you so much, Van.
Kapag naiisip kita, ang hirap. Ang hirap makita yung sarili ko sa salamin na hindi na kita nakakasama.
Miss na miss na kita.
Hintayin mo ako dyan at magkakasama na tayo. Konting oras nalang Van.
Dito sa simbahan kung saan gusto mo akong pakasalan ay kasama ko ang aking buong pamilya. Ang aking asawa, mga anak at mga apo ay kasama ko na nagsisimba at ipinagdiriwang ang aking 80th birthday.
Binuo nila ang puwang sa aking puso na minsan nang nasira't nawalan ng buhay nang ika'y mawala, ngunit nilagyan nila ito ng saysay at kulay upang muling mabuhay at lumigaya ako kasama nila. Ngayon na ako ay magpapaalam na sa kanila ay tayo naman dalawa ang magsasama at magpapatuloy sa ating naudlot na pagmamahalan. Muli nating isusulat ang ating kwento at ipamamahagi ito sa ngalan ng pag ibig.
Nagmamahal, Belle.
BINABASA MO ANG
Belle
Short StoryMuli nating isusulat ang ating kwento at ipamamahagi ito sa ngalan ng pag ibig. nagmamahal, Belle