Kabanata 15

1.8K 53 10
                                    

Continuation..

Pumasok si jaki sa kwarto nya, tila inaabot nya nag hininga niya. Napa upo agad siya sa kama nya.

"Pano ko ba sasabihin to? Ang hirap. B-babae kasi ako, at bakla siya. May boyfriend siya. Arggggg! siguradong sasampalin o tatawanan ako nun. Baka pag sinabi kong, 'Hey vice, may gusto na ata ako sayo.. Ay mali, nahuhulog na yata ako sayo? Ganon? Haaaaaay jaki! Ang tanga mo! Nahulog ka nanga lang sa bakla pa!" Sabi ni jaki sa sarili.

Humiga na si jaki at tinignan nya ang picture nila ni vice.

"Sorry vice ah? Pinigilan ko naman, kasi alam kong mali. Pero di talaga kaya ng powers ko sa mga pag papacute mo e. Haaaaay itulog ko nalang to."

At natulog na nga si jaki.

"Anong sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko na 'Jaki! Ang bakla mong asawa may gusto sayo!' Tsk! Kung ganon lang kadali edi sana nagawa ko na. Di yung ang dami ko pang rason." Sabi ni vice habang naka higa.

"P-pero mahal ko si aj." Sabi uli ni vice.

Kinaumagahan.. Naunang nagising si jaki. Kayat nag luto na muna na siya, pag ka tapos nag luto kakain na sana siya ng nakita nya si vice na pababa. Napayuko naman si jaki, tila nahihiya. Ganon din si vice nung nakita din nya si jaki. Nilag pasan lang nila ang isat isa.

Pumasok si jaki sa kwarto nya at naligo. Si vice naman ay kumain. Pag ka tapos ni jaki maligo, agad din siyang bumaba. Nakita nya si vice na naka upo sa sala.

"A-ah una na ako." Aalis na sana si jaki.

"Jaki!" Lumingon si jaki.

"Hmm?"

"A-ano ahh yung kagabi."

"A-anong kagabi?"

"K-kasi sinabi mong ituturing kitang asawa. A-anong ibig sabihin mo?"

"Ahh yun, w-wala yun. Sige na late na ako.." Hinawakan ni vice ang kamay ni jaki. Kayat napatingin si jaki sa kamay nila. At tumingin uli kay vice.

"J-jaki.."

"Ano?"

"W-wag muna please?"

"???"

"Wag ka munang mahulog sakin." maluhang sabi ni vice. Humarap na si jaki kay vice. Napangiting pait si jaki.

"Wag mahulog?! Gago ka pala e! Kung ayaw mo pala akong mahulog sayo bakit mo ko tinatratro ng ganito? Vice! Sa kakaganyan mo, nahulog na ako, matagal na! Matagal na matagal na. Nag hihintay lang ako sayo! Alam kong bakla ka, kaya natatakot ako e, natatakot ako baka di tayo parihas ng nararamdaman. Kasi alam ko sa sarili ko na kailanman di ka mag kakagusto sa babae dahil bakla ka. BAKLA KA!" ilang minuto silang nag katitigan habang tumutulo ang mga luha nila. Aalis na sana si jaki ng yakapin siya ni vice patalikod.

"J-jaki please, b-bigyan mo ko ng panahon. Naguguluhan na ako jaki. Nahuhulog na ata ko sayo pero.. pero m-mahal ko siya---plak!" Isang malutong na sampal ni jaki kay vice.

"Putang ina vice! Wag mong sabihin yan! Ang sakit, ang sakit sakit. M-mas mabuti pang, itrato mo nalang ako nung dati, nung dati na tingin mo sakin ay katulong! Mas okay pa yun vice, okay na okay yun! Di pa ako nasasaktan ng ganito. Dahil jan sa putang inang mga pag seselos mo na akala ko gusto mo na talaga ako!" At umalis na nga si jaki. Iniwan nya si vice na naka tayo at patuloy sa pag iyak. 

Nag lakad si jaki sa papuntang kanto habang umiiyak. Medyo di nya makita ang dinadaanan nya dahil sa walang tigil ang pag buhos ng mga luha nya. Npahinto si jaki, dahil sa sakit ng naramdaman nya.

Ang bakla kong Husband (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon