Kabanata 4

30 3 0
                                    



Noong papunta na kame sa opisina, hindi ko alam kung bakit lahat ng empleyado ay nag-si-tinginan saamin dalawa. Maybe he's just attractive to get more attention from the people. Bahala na, mag-dusa kayong lahat sa kakatitig saamin. Hanggang ma-panis yang laway niyo.

"Dito na ako, palagay nalang diyan gamit ko sa cubicle." Sweet kong sabi but he didn't follow my command. Command nga ba?

"What? Dito place mo? Its so very hot here. Nakakayanan mong mabuhay sa ganitong init?" Gulat niya. Buhay pa nga ako until now, so it means na kaya ko talagang mabuhay 'no! Kahit mainit pa yan o mag snow dito sa Pilipinas. Alam ko naman na imposibleng mag snow. Hay very tanga lang?

"So what? Hindi mo naman to workplace, akin naman. At wag ka nga mag-inarte dyan. Di naman kita pinilit na sumama dito. Kaya umalis kanalang!" I rolled my eyes. Huh! Kala mo ikaw lang may alam nun? Akala mo lang. Ika nga nila na maraming namamatay sa maling akala. Pero juiceko! Wag naman sana. Papakasalan pa kita. Haha!

"O-kay! Tawagan kita mamayang lunch. Please bring your phone always. I'll check on you every hour. Bye!" Hinalikan nya ko sa pisngi at sa sobrang gulat ko, hinalikan ko siya pabalik. What? Anong nangyayari sakin? Omg! Its very strange.

"Bye, mag-ingat ka." Sigaw ko. Sino ba naman hindi ma-fall sa isang tulad niya na daig pa ang Prince Charming kung alagaan ka at alalayan.

Habang busy na ako sa trabaho, tsaka pa tong tumatawag ang epal kong pinsan! 10 missed calls na. Ano nanaman tong kalokohan niya? When I get my phone, nag-ring ulit.

Me: Hello? Ano nanaman?! Busy ako sa traba—

Hindi niya na ko pinatapos pa, at in-una niya ang kalandian niya.

Siya: Hoy JADE! Ano na? May nangyari na ba?

What? Anong?

Me: Huh?  Loka loka ka talaga! Ano ba yang pinagsasabi mo?! 

Siya: Nakita ko kayo kahapon sa bandang hotel. Kayo ha! At ikaw akala ko ba conservative ka? Bumibigay kanalang kahit kanino ngayon ha? Sumbong kita kay tita!

Advance tong mag-isip ang gagang to ha? Daig pa sina Einstein.

Me: EWAN KO SAYO! KUNG WALA KA MAGAWA SA  BUHAY MO, WAG MO AKO I-DAMAY DIYAN SA KAGAGAHAN NA GINAGAWA MO. KASE ANG DAMI KONG INAASIKASO!

Siya: Kagagahan? Hoy! Tumawag siya at gusto niya nang magpa-kilala sa parents mo. hmmm? what can you say? 

Me: what? kailan siya? 

At in-end niya na agad ang tawag. KAINIS! 

So I am busy nga talaga. Di ako makaka-uwi ng maaga neto, Lahat nalang saakin pinapa-asikaso ang mga papers and orders. Hindi naman ako Regular Employee para ganito ka-hirap at ka-bigat ng trabaho ko. Its 7 pm in the evening, when I checked my phone. May 8 unread messages at isa na doon ang kay Mama.

Mama: Jade, anong oras uwi mo? May naghihintay sayo dito, kanina pa mga 5 pm. 

Si Ryle nanaman yun, for sure! Iniwan ko na mga papers ko dito. Daig ko pa ang Manager sa pagiging busy ko. Hay! Bukas ko nalang to i-tally.

Habang naglalakad ako, may nakita akong hindi pamilyar na kotse na naka-tapat sa gate namin. Who's this? Eto ba ang sinasabi ni Mama saakin na kanina pa naghihintay?

Isang sports car. 

Hindi ako mapakaling pumasok sa bahay, dahil hindi ko kilala ang kotse na iyon. Baka ano na nangyari kina Mama nang dahil saakin.

May nakita na kong pamilyar na mukha. 

Its Brayden!

When I found youWhere stories live. Discover now