||7||

2.7K 57 32
                                    


Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko sa labas. Mukhang nagkakasiyahan ang boys sa salas ah.

Bumangon na ako para makapaghilamos at makalabas ng kwarto. Pansin ko din na wala ang kambal sa tabi ko.

Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko tumingin muna ako sa salamin. Bagay na bagay sa akin ang Over size na damit . Mas sanay ako dahil ayoko ng maiikli or mahahapit na damit. And then hindi kaikliang short na black. Na halos di na makita sa sobrang haba ng white shirt ko. Kaya itinaas taas ko ito para naman hindi magmukhang wala akong short noh -,-

Naka messy bond din ang buhok ko nagiwan iwanako ng konting bangs sa gilid ng mukha at sa noon ko. See hahaha.

Pagkatapos ko tignan ang sarili ko lumabas na ako sa kwarto, nakita ko na nagkukwentuhan ang iba pang miyembro ng SHINee at ang kambal naman ay busy sa pakikipag laro kay Key.

"Oh gising kana pala Nica, pasensya na mas nauna na kami kumain kaysa sayo. Gutom na kasi kami eh" hinging paumanhin ni Onew. Nginitian ko lang sila.

"Ayus lang yun. Kumain na din naman ako bago ako matulog." Ngiti ko sa kanila. Matagal na din simula ng makita ko sila.

"Laki ng pinagbago mo Nica. Halos ilang taon na mula nung huli tayo nagkita, andaya nyo ni minho hindi  man lang namin alam na nagkikita pala kayo at nagkakasama" sabi naman ni Onew. Halatang nagtatampo ito

"Oo nga noona!. Tapos malalaman namin may twins kana" gatong naman ni Taemin. Haist mahaba habang paliwanagan 'to.

Kunowento ko sa kanila ang lahat ng nangyari pati na din yung nangyari sa amin ni Yoongi. Lahat sila may violent reaction mapwera na lang kay Minho na alam lahat ang nangyari sa buhay ko.

Hindi ko sila masisisi kung bakit sila maka react ng ganyan.

"Kaya pala bigla kana lang nawala" inis na pagkakasabi ni Onew.

"Yah I am sorry guys" hingi ko ulit ng tawad sa kanila.

"Eomoni !! ." Nagulat ako sa sigaw ng anak ko.

Nakita ko sila na nakaharap sa pinto. Naglakad naman ako papunta kung nasaan ang mga ito.

Nagulat na lang ako ng makita ko si Taehyung na nakatayo sa labas at halos andami nito hawak hawak na shopping bags!

"Hehehe Hi Nikka" napatampal na lang ako sa noo ko. Ano naman pumasok sa utak nito haist.

Pinapasok ko siya at halos magulat ang SHINee dahil nakita nila si Taehyung sa harap nila. Hindi naman nila ito inismidan. Nagpakilala sila sa isa't isa.

"Hi kids. May pasalubong si uncle V niyo" masaya si Taehyung na binigay ang mga pinamili nito sa mga bata. Halata naman masaya sila.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na natanung nila Freya kung sino si V nagkasama na kasi sila nung mga nakaraang araw. Nadalaw si V sa amin at hindi ko alam kung saan pa kumukuha ng oras siya para dumalaw.

Nakipag laro si V sa mga bata. Pinagmamasdan ko lang ang mga ito.
Mukhang masaya naman sila at hindi nagtagal nakisali na din dito ang iba pang miyembro ng SHINee maliban na lang kay Minho na nagluluto ng miryenda namin at kay Taemin na natutulog na naman.

Tatlong araw na lang kaarawan na nang kambal. Alam ko na dapat pagkatapos nila mag birthday ay saka lang magaganap ang show. Kaso nagbago ang plano. Kaya uuwe na lang siguro ako sa kaarawan nila at pumayag naman ang director na mangyari yun dahil sa oras na hindi sila pumayag hindi ako tutuloy sa reality show na yan -,-

"Lalim ng iniisip mo ah" nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni V sa tabi ko.

"Iniisip ko lang ang kambal" sabi ko dito. "Wait asan ang kambal? Akala ko ba naglalaro kayo" tanong ko dito

"Andun kay Minho, nakikigulo ata sa pagluluto." Sabi nito sa akin, hindi naman ako nagtaka sa sinabi nito dahil mas madalas ko nakakasama ang kambal sa kusina dahil hilig din ng mga ito ang pagluluto, kaya hindi na ako magugulat kung kasama ito ni Minho ngayon sa kusina.

"Maganda ang pagpapalaki mo sa kambal Nica, ang laki na talaga ng pinagbago mo, bukod sa lumaki yang dibdib mo at puwetan mo" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni V, ang hayuf ! Napahawak na lang ako sa dibdib ko

"MANIAC!" Sigaw ko dito. Saka naman humagalpak ng tawa ang isang ito. Ayst !

Nabigla na lang ako nang biglang may sumapok kay V. Napatingin naman ako kung sino ito, nakita ko naman si Onew.

"Walanjo Hyung! Kulang na lang matagtag yung ulo ko sa lakas ng pagkakabatok mo sa akin!" Angil naman ni V kay Onew.

"Aba ! Ang maniac mo kasi kay Nica! Sumbong kita kay Jungkook niyan!" Nanlaki naman ang mata ni V sa narinig niya kay Onew

"Hyung! Wala naman ganyanan! Matino naman ako eh" pagmamakaawa ni V kay Onew. Natawa naman ako sa reaksyon ni V hahahaha

"Takot ka din naman pala eh. Magtino ka" sabi ni Onew dito. Saka ito umalis.

"Yan lagot ka kay Kookie" asar ko dito. Sumimangot lang naman si V. Susko mas matanda si V kay kookie pero kung umasta 'tong si V parang siya pa ang mas bata sa kanilang dalawa. HAHAHAHA sana totoo na ang TaeKook😂💞

Maya maya ay narinig ko na lang na tinawag na kami ni Minho. Lahat kami nagsipuntahan sa kusina kung nasaan sila.

"Eomma ! Kami nagluto niyan" may himig na saya ang boses ni Freya habang sinasabi niya ito.

"Ehem! Baby girl" kunyari umubo si Minho hahahaha natawa na lang kami. Nag giggle lang ang anak kong babae

"Ay si TitoDaddy po pala tumulong lang po kami hihihi" natawa na lang kami sa dalawa. Nagsimula na kami kumain. May iba't ibang topic ang pinaguusapan namin. Kaso hindi namin pinaguusapan yung mga maseselan bagay dahil may dalawa kaming bata na kasama.

Natapos kami kumain, maya-maya ay nagsitulog na din kami. Habang ako ay chine'check ko ang mga bagahe na dadalhin ko para bukas.

Bago ako matulog pinagmasdan ko ng maigi ang maaamong mukha ng mga anak ko, mamimiss ko sila, kahit isang buwan ko lang sila hindi makikita. Ito ang mahirap sa isang ina hindi mo kakayanin na mawalay sa iyong anak.

Hinalkan ko sila sa noo bago ako nahiga sa tabi nila at natulog dahil bukas maaga akong sasabak sa trabaho.

Naiisip ko kung ano kaya mangyayari bukas.

=

Maaga akong nagising para umalis. Bago ako umalis pinagluto ko muna sila ng makakain ang naghatid sa akin sa destinasyon kung saan gaganapin ang show ay ang manager ko na mabunganga at si Minho na ahalatang kulang pa din sa tulog pero pinilit na ihatid ako.

Walang something sa amin ni Minho. Pure friendship lang ang namamagitan sa amin. Dahil alam ko na may nakalaan para sa kaniya. At alam ko na hanggang ngayon ay iniintay niya ito.

Here I come

=

Ano kaya mangyayari sa pagdating niya sa lugar kung saan magaganap yung kanilang reality show?.

Abangan 💞 . Sorry nga po pala dahil hindi ako masyado makapag update dahil busy ako sa school. Malapit na mid term namin. Kailangan mag aral ng sobra. Sana may nagtatyagang mag basa nito huhuhu. Sorry po talaga sa mabagal na update

He got me Pregnant?! WTF (MinYoongi FF)~tagalog~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon