Forbidden Love 24

7K 97 6
                                        

ARA P.O.V

"LET'S get married."

Maang akong napatingin kay Kevin, nasa guest room kami ng bahay nila, naghahanda na  sana ako para umuwi. Nakatayo siya sa may pinto, ako naman ay napatuwid ng tayo mula sa pag-aayos ko ng bag. "K-Kevin—"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Let's get married next week, naka-usap ko na sila Mommy at pumayag naman sila na sa judge nalang muna. Wala na tayong oras Ara, manganganak ka na."

Napalunok ako napa-iwas ng tingin. Natatakot ako pero siguro nga, ito nalang talaga ang pataan para matapos na 'to. "Sigurado ka na ba talaga diyan sa desisyon mo? Kevin I—"

"I am always sure when it comes to you," he said. Saglit akong hindi naka-kibo. "Ituturing kong tunay na anak ang anak mo Ara, I'll be the best Dad for him. If you want, we can go somewhere else after our wedding."

Napatingala ako sa kanya, desidido ang mga mata niya. "I-Ilalayo mo ako dito?"

He nodded. "Oo, handa kitang dalhin kahit saang lugar na makakatulong sayo na makalimot. Anywhere that can help you heal."

What did I do to deserve this man? He's so selfless. Napayuko nalang ako, he hold my jaw, tilting my face to look at him. Wala akong makita sa mga mata niya kundi ang fondness at pag-unawa. The kind of look that doesn't ask for anything. Doesn't waver. Doesn't care if I'm tired, guarded, or messy inside.

He stared at me like I was made of something sacred. Like even my silence was worth listening to. Like I didn't have to do a thing to earn it—his love was already there, waiting, steady and reliable. Dahan-dahang bumaba ang mukha niya, nag-alangan pa siya nang ga-hibla nalang ang layo ng mga labi namin, tila bini-bigyan pa niya ako ng pagkakatao na umiwas.

But I didn't. Hindi ako gumalaw, inantay ko nalang na lumapat ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang masuyo ng gumalaw ang mga bibig niya, lihim kong nakuyom ang mga kamay ko. I have to do this, I need to give myself a chance—I needed to open my heart kasi siya ang magiging ama ng anak ko. 

"Mahal na mahal kita Ara," he murmured nang saglit na maghiwalay ang mga labi namin. "Aalagaan kita at hindi sasaktan. Tutulungan kitang makabangon ulit."

Pinunasan niya ang tumulong luha sa mga mata ko then he kissed me again. Naging mas malalim ang halik niya, his tongue even entered my mouth. Nanatili naman akong nagpa-ubaya, forcing myself to respond. Hindi magiging maayos ang lahat hangga't nakakulong ako sa pag-ibig na matagal ko ng dapat na  kinalimutan. 

"Ara—" anas niya nang madiin akong halikan sa noo. Binugbog din niya ng halik ang buo kong mukha hanggang sa leeg. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi, stopping myself to push him away. This is my new reality, I have to accept this. 

If he's willing to sacrifice his  pride and everything for me, I must help myself too. Tumaas ang kamay ko para yumakap sa kanya nang huminto siya sa paghalik sa akin. "I'll drive you home," tiim ang bagang na turan niya. 

I swallowed hard. "K-Kevin—"

"I'm sorry Ara, I—I didn't mean to—"

"I-I'm fine," putol ko sa kanya. Maang siyang napatitig sa akin. 

"You don't have to force yourself, aantayin kita hanggang sa maging handa ka ng buksan ang puso mo sa akin," then he smiled. "Let's take it one step at a time."

Napatango nalang ako. Dinampot na niya ang bag ko at hinila na ako palabas. Napatitig ako sa kamay naming magka-salikop, maybe I really belong to him. 



AGAD na akong nag-handa para matulog matapos maligo. Saglit akong napahinto nang maalala ang halik ni Kevin kanina, buo na ang pasya ko. Magpapakasal ako para sa kanya sa lalong madaling panahon. At lalayo na kami dito, napatingala ako nang mag-badya ang mga luha ko.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon