Hi! Ako nga pala si Summer Dela Vega. 4th year highschool sa Watson Academy. At kasalukuyang inaalala ang mga pangyayari noong 1st year highschool pa lamang ako hanggang 3rd yr hs.
At gusto kong ishare sa inyo ito :)
Wayback 2011 I think..
** FLASHBACK ««
Nagsimula ang lahat nung 1st yr. highschool ako. Intrams nun sa school namin..
[INTRAMURALS SY: 2011-2012]
Here at Court! Syempre intrams nga eh. Edi may laro -.-
Kasalukuyang basketball ang nilalaro..
Haaay. Anu ba yan tambak kami! Panu ba naman? Freshmen palang kami tapos Seniors ang kalaban? Tss. Nag iisip ba sila? Ang tatangkad kaya ng seniors -_-
Tss. I don't care.. Bat ba ang sungit ko? Haha! Magkakaron na siguro ako?
"Oy!"
"Ay kalabaw! Bat ka ba nanggugulat?!"
"Hahaha! Tulala ka kasi eh!"
"Wala lang haha"
Nga pala kilala nyo ba tong kausap ko? Syempre hindi -.- Haha. Siya si Zen. Short for Zenaida. Haha. BFF ko yan! Magbestfriend kami since Gr. 5? I think..
At ang tawag sakin ng mga kaclose ko ay Sum (pronounce as 'Sam'). short for summer minsan naman Mer. Basta kung anong matripan nila -.-
"AND 3 POINTS BY SANTOS!"
Kagulat naman tong Announcer! Haha! Sophomore - Junior na pala ang naglalaban! Sino kaya nanalo kanina? Haay. Ewan.
Btw. That's my ex. Ex-crush. Hahaha! NBSB ako noh!
Si Neo yung crush ko nung Gr. 4 ako. Haha.
Neo Ray Santos. Yung binanggit ng Announcer kanina. And yeah. Magaling sya! Hmm.
Teka, nauuhaw na ko.. Kaso wala kong dalang tubig.
"Uy, may tubig ka?" tanong ko kay Zen.
"Ah wala eh. Si Ella ata" Si ella, close friend namin ni Zen..
"Ella may tubig ka? Painom"
"Wala nang laman eh. Bote nalang"
"Uhaw na ko eh"
"Ayan katabi mo na yung water despenser ah" --- I don't know kung sino yung nagsalita. Haha. Pero oo nga katabi ko yung despenser. Haha! Ambobo mo Summer.
So hiniram ko nalang yung tubigan ni Ella at kukuha nalang ako ng tubig. Nung kukuha na ako, may nakasabay ako..
"Ah sige mauna ka na" sabi niya.
" Ah sige ikaw muna" sabi ko.
" Ge ikaw na.. "
So ayun kumuha na ko. Mukhang ayaw magpatalo eh. Uhaw na uhaw na ko.
Then pagkatapos ko, kumuha na rin siya.
Hindi ko sya kilala eh. Sophomore siya. Lalaki. Uhm. May itsura din. Lahat naman tayo may itsura eh. Haha!
Pero oo. Medyo gwapo. Kulot na medyo blonde. Ewan ko kung nagpakulay o natural lang talaga..
Anyway. Bat ko ba sya iniisip? Hahaha.
" Ayieeeee! Si summer lumalablayp!" sabi nung gay kong kaklase. Si Tania. Christian talaga totoo nyang pangalan. Ewan ko bat tania. Haha. Medyo close ko yan. Saya kasama eh. Ang mga bading talaga masaya kasama.
"Ha?!" Sabi ko.
"Kanina pa kaya pabalik-balik yung lalaki. Hahaha, Ayieeeee nainlove na ata sayo! Buti hindi yan nalulunod. Miya miya kuha ng kuha ng tubig eh. Hahaha"
"Haha baliw!"
Hahaha loka talaga tong si Tania. At oo pabalik-balik nga yung lalaki kanina. Yung kulot na blonde. Ah. Ewan. Baka napag-utusan lang.Siguro..
"Ayieee! Crush mo yun Summer?" sabi ni Ma'am Macy. Yung adviser namin. Medyo kalog din yan. Nakikihalubilo. Bata pa yan. Mga nasa 20's siguro.. Narinig ata yung sinabi ni Tania. At ako pa talaga yung may crush? Wow ha! Haha.
"Grabe mam! Crush agad? Ngayon ko nga lang po yan nakita"
"Haha si Hamilton yan"
"Anung pangalan mam?" sabi ni Tania.
"Paolo John Hamilton"
Ahh. So yun pala pangalan niya.. Anu naman?
"Ayieeeeee!" Asar sakin ng mga kaklase ko.
Pagtingin ko andun pala yung Paolo? Tss. Ang ingay nila eh.. Napatingin tuloy dito. Akala siguro sya.. Pero sya naman talaga. Hahaha!
"Oy! Ang ingay nyo eh! Tumingin tuloy -.-" sabi ko.
"Yieee gusto mo naman? Hahaha!" asar sakin nung dalwa. Si Zen at Ella.
"Di noh! Di ko yun type"
"Weeeh??" Sabi nilang lahat -___- Sige lang. Pagtulungan nyo pa ko
-___-
--
At sa wakas! Natapos na din ang game! Makakaalis na!
Volleyball naman ata ang next. Haaay.. At tumayo na kami..
"Summer! Si Paolo nga pala!" Sabi ni mam.
Nagulat ako eh. ><
"Ah. Eh, ah…" wala ko masabi (_ _)
"Yieeeeh!" Asar ng mga kaklase ko.
Hala! Nakatingin sila lahat dito! Nakow! Narinig ata nila. Kainis naman oh -_-
Pati yung mga kaibigan nung paolo nakatingin sakin.. Hala naman ><
I'm doomed! Ibaon nyo na ko sa lupa please >//< Nakakahiya toh!
Kalat na. Akala siguro nila may gusto talaga ko dun. Kahit wala naman. -___- Haaay. Kawawa naman ako :/
"Oy! Labas na!"
Haaay. Thank God! I'm safe!
At ayun nga nagsilabasan na sila..
Kainis.. Yung mga tingin nila kakaiba. Parang may meaning. Tss. As if naman may gusto talaga ko dun sa lalaking yun!
At ayun na nga sunod-sunod na silang lumabas at syempre pati kami..
"Sum! Nakatingin sila sayo kanina!" sabi ni Zen.
"Oo nga eh. Akala may gusto ka talaga dun" sabi naman ni Ella.
"Wala nga ba?" sabi ni Zen.
"Wala noh!" -- Ako. -__-
Pati ba naman sila? Haaay.
Si Neo kanina nakatingin din sakin.. Sakin nga ba? Haaay. Ewan.
-end of chap.1-
(A/N): Harruu! Vote and comment guys! :) Ayos po ba? Sorry kung may typo.. Ieedit ko nalang pag may time :)
Thanks sa mga bumasa! :)
Stay tuned for the next update! ;)

BINABASA MO ANG
Heart's Desire
RomanceThis is a story of a woman who is addicted in a guy. And she waited for almost 3 years. But nothing happened. It was only just her dream. This guy will never ever gonna fall inlove with her. But in her 3 years of waiting the guy noticed her. Finally...