Chapter 2: Knowing him..

198 12 2
                                    

*RECESS*

Nga pala.. Tapos na ang aming Intrams. 3 days yun. At syempre hindi ako pumasok nung 3rd day. Haha. Wala naman gagawin eh..

At eto nga recess namin. Papunta na kaming canteen. Kasama ko si Zen at si Bea, close friend din namin..

Si Ella? Hindi sumama. Ayaw bumaba eh. Ewan ko dun. Baka sinisilayan nanaman si clarenz. Yung crush nya..

"Uy, balita ko may crush ka kay Paolo?" tanong ni Bea.

"Ha? Wala noh! Akala lang nila. Gawa kasi ni Tania eh. Pero wala naman talaga" sabi ko.

"Haha sabi mo eh. Pero alam mo mabait yun"

"Ah? Sino?"

"Edi si Paolo"

"Close kayo?"

"Medyo. Tropa ng boyfriend ko eh.. kaklase din"

"Ah."

" Maloko yun. Pati makulit, haha"

"Speaking" sabi naman ni Zen.

"Ha?" Ah! Eto makakasalubong nga namin..

"Monggi!" tawag ni Bea dun sa Paolo.

Monggi? Bat monggi? Anu yun?

"Haha!" sabi nung Paolo. Kasama nya yung mga tropa nya ata.

"Bakit monggi?" tanong ni Zen.

Gusto ko din yan itanong eh haha.

"Ah. Mongoloid ibig sabihin nun" sabi ni Bea.

"Ah. bakit naman?"

"Mukha daw mongoloid eh. Haha"

Ah. Yun pala yun. Haha. Di naman. Gwapo naman ah? Hala? Anu ba tong iniisip ko!

"Pero asar lang yun sa kanya. Gwapo naman si Paolo eh. Dapat nga yun ang sasagutin ko eh" sabi ni Bea.

"Niligawan ka?" tanong ko.

"Oo silang tatlo. Si Vincent, si Paolo, at si Jay yung boyfriend ko ngayon."

Ah. Yun pala..

"Bat di mo sinagot?" tanong ni Zen.

"Eh wala eh. Ganun talaga. Haha, sabay-sabay kasi sila nanligaw. Nung pinakilala ako ng pinsan ko sa kanila, Si Denver. Tas yun nanligaw sila. Di ko nga alam kung sinong sasagutin ko eh. Tapos ayun, nakita ko yung ugali ni Vincent, naturn off ako. Ayoko sa mayabang. So dalawa nalang sila, si Paolo at si Jay. Nahirapan ako mamili, parehas kasi mabait eh. Tapos, yun narealize ko na mas mahal ko si Jay kaya sya yung sinagot ko"

Ah, so yun pala..

"Ang haba ng hair eh! Dami nanligaw haha" sabi ko

"Haha! Nga pala kilala nyo si Ren ren?"

"Ah! Yung may gusto kay Zen! Haha. Ayieeeeeh" sabi ko.

"aish -__-" " -- Zen

"Haha. Oo nga may gusto yun sayo. Ang kulit tanong ng tanong saken eh.." sabi ni Bea

"Haha. Lagi nga yung nangungulit kay Zen eh. Haha"

"Ayieeeeeeeeehh" asar naming dalwa kay Zen

"Yuck. Wag nga -.-"

Ang arte talaga nitong babaeng toh kahit kelan. Hahaha.

"Choosy pa eh XD"

"Ayoko dun"

"K. fine sabi mo eh XP"

"Summer! Gusto mo kwentuhan kita tungkol kay Paolo? Yieeeh^^"

"Ayoko -.-"

"Bilis na :3"

" Ayoko nga. I'm not interested at wala kong pake sa kanya -.-"

"sus. basta magkukwento pa rin ako haha. Oh game! *Blah blah blah blah*"

Ewaan. Wala ko naiintindihan. Haha. Pero dahil curious ako. Sige na nga -.-

**

At nagkwento na nga si Bea tungkol sa Paolo na yun. Kahit ayoko -.- pero nakinig pa din ako. Bored ako eh. Haaaay.

At madami akong nalaman tungkol sa kanya..

Mahilig pala sya sa basketball? Eh bat hindi sya kasali sa varsity?

Ah! Ewan.. Masyado na kong maraming nalalaman sa kanya.

And I hate it -.-

Haaaaaaaay..

-end of chap.2-

(A/N): Sorry po kung panget. Pagpasensyahan nyo na po :3 Bawi ako sa next chap.! ;))

Vote and comment guys! Shalamat :*

Heart's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon