Habang kumakain kami, may biglang lumapit samin.
"Hi Zen! Hi Summer!" Bati ni vincent.
Kala nyo si paolo noh? Haha.
At ano nanamang trip neto? Walang magawa sa buhay eh. Tss.
"Hello" sabi ni zen
Tumango lang ako sa kanya. Nakakatamad magsalita eh. Hahaha.
"Uy summer sabi ko hi ah. Ang sungit mo nanaman" sabi ni vincent.
"Tinanguan na kita ah? Ano pa bang gusto mo? Tss" masungit na sabi ko haha.
"Sungit talaga. Haha kaya ka inaasar kay paolo eh. Hahaha peace " sabi ni vincent.
"Ay nga pala, bat daw hindi mo na pinapansin si Paolo? LQ kayo no? Haha joke" asar pa ni vincent
Tss. Galing rin neto eh noh? Pupunta lang dito para mang asar -.-
"Tss"
"Sabi ko nga eh. Aalis na ko haha. Bye zen bye summer sungit hehe ^_^V"
"Aba't" loko to ah. Tss.
"Haha lakas ng trip nun eh, yieeee summer..Bat daw di mo pinapansin si paolo hahaha" sabi ni zen
"Tss. Di naman kami close" inis na sabi ko.
"Eh di ba may moment kayo, nung iniwan namin kayong dalawa haha, ang saya mo nga nun nung kinwento mo saken eh hahaha" sabi ni zen
Napatingin ako sa direksyon nila vincent, na kung saan nandun din yung Paolo na yon.
Nakita kong napatingin sakin yung Paolo. Pero umiwas din naman agad ng tingin.. Tss. Iisipin nanaman nun na may gusto talaga ko sa kanya. Kahit wala naman. Tss. Feeling talaga -,-
Haayst. Teka, bat ko ba yun iniisip? Tss.
-
Nang makabalik na kami sa classroom..
"Summer pakidala nga to kay mam Lea." Sabi ni mam macy, yung adviser namin..
"Zen samahan mo ko"
Uso to eh. Haha. Papasama pa XD
"Nandun sya sa baba. Sa pinakaunang classroom dun. Yung 2nd year." Sabi ni mam
"Okay po" bait ko no? Haha.
"Summer" tawag sakin ni bea
"Oh?"
"Room yon nila paolo haha" sabi ni bea habang may nakakalokong ngiti
"Si Hamilton? Yun ba yung crush mo summer? Haha ayieeee. Sige na dalhin mo na" asar pa sakin ni mam
"Mam naman eh" sabi ko
At umalis na nga kami..
Tss. Sa lahat pa ng mauutusan, bat ako pa? At sa lahat pa ng pupuntahan, sa room pa nila. Tss.
Iniiwasan ko na nga yung lalaking yun eh..
Yun na yung una at huling usap namen. Yung sa canteen. Remember? Mahirap na. Baka lalo akong maissue. Tss.
"Oh Summer, san ka pupunta? Pfft. Lagpas na tayo" sabi ni zen
Napatingin nga ako. At lagpas na nga tss. Masyado na kong maraming naiisip. Ano ba nangyayari saken tss.
"Anong nangyayare sayo? Hahaha. Pati kanina ka pa tahimik ah."
"Huh? Ah- wala wala. Bigay na natin to"
Eto at nasa tapat kami ng classroom nila.
Syempre kakatok muna..
"Uhm. Zen, kaw na nga magbigay pls." Pilit ko kay zen. Ayoko kasing pumasok sa loob..
"Ayoko nga. Ikaw nalang, kaya mo yan hehe!" Sabay ngiti ng nakakaloko..
Tss.. alam ko na iniisip neto. Psh.
"Bilis na summer, oh sya ako na kakatok para sayo" sabi ni zen
*tok tok*
Biglang bumukas yung pinto..
Ngayon palang kinakabahan na ko.. Tss. Bat kasi ako pa inutusan ni mam. Kaasar talaga.
"Mam, may tao po!" Sigaw nung nagbukas ng pintuan
Ramdam kong nakatingin silang lahat saken.. I hate this feeling..
"Uh goodmorning ma'am. Excuse me po, pinapabigay ni mam macy" sabi ko
"Ah sige pasok ka." Sabi ni mam lea
"Uy si summer, Hi summer si Paolo nga pala. Paolo si summer oh Yieeeee!" Sigaw ni vincent..
"Paolo girlfriend mo?" Tanong nung kaklase nila
"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE" Hiyawan ng buong klase..
Aish. Ayan na nga ba sinasabi ko..
Bwisit talaga yang si vincent. Tss
Di ko yun pinansin.. Nagpatuloy lang ako sa paglakad..
"Awts, di ka pinansin Paolo oh" sabi nung di ko kilala..
"LQ sila guys, wag kayong ganyan" sabi ni vincent
Wth??! LQ his face!
"Salamat" sabi ni mam lea nung inabot ko sa kanya yung pinapabigay ni mam macy
"Sige po mam" sabi ko
"Ah kaya pala, mag sorry ka na Paolo! Inaaway mo si summer eh!" Sabi nung isang classmate nila..
"Oo nga Paolo" dugtong pa nung isa
Tss. Di ba sila marunong makiramdam? Na nababadtrip na ko tss. Humanda talaga yang vincent na yan saken..
Tinignan ko ng masama si vincent..
Pero nag peace sign lang siya. Tss.
Napatingin ako kay Paolo..
Nakatingin din sya, kaya umiwas ako ng tingin..
Nung makalabas na ko ng pinto..
"Oh summer, bat ganyan mukha mo?" Tanong ni zen
"Huh? Bakit anong meron sa mukha ko?" Takang tanong ko
"Ampula eh, nagbublush ka ba? " tanong niya at ngumiti ng nakakaloko
Tss. Ako? Magbublush? Bakit naman? Kanino? Argh!
"Ah? Mainit kase. Oo mainit nga"
"Mainit? Eh airconditioned lahat ng classroom dito..ikaw ha"
"Pag airconditioned di na pwedeng mainitan? Tss. Tara na nga. Mainit talaga. Kasing hot ng pangalan ko haha"
"Haay. Ano ba kase nangyare?" Tanong nya
At nagkwento na nga ako.. Matitiis ko ba Bestfriend ko? Tss.
So ayun.. At kinilig pa ang loka, pinagtutulak at hampas lang naman ako..
"Ayieeeee! Summer ikaw ha. Kaya ka pala namumula.. kasi nagkatinginan kayo ni Pao-jqhvsjksskn" Tinakpan ko agad ang bibig nya.. tss.. ang ingay talaga neto..
"Wag ka ngang maingay zen!" Iritang sabi ko
"Haha. Sorry naman. I'm so happy for you!" Asar pa ng loka
"Tss. Tigil tigilan mo ko. Kaya lang naman ako namula kasi nahihiya ako.. Nadadamay pa siya trip ng mga kaklase naten" sabi ko
"Oh edi concern ka nga! Yieeee!"
Aishh.
"Ano?! Hinde noh! Dapat pala di ko na kinwento" sabi ko
"To naman! Matitiis mo ba ang bestfriend mo? Hahaha"
"Haayst. Oo na. Wag kang maingay, marinig pa ni Tania. Lalo pa kong asarin dun" sabi ko kay zen
"Ano ang hindi ko dapat marinig?"
Napalingon kami sa likuran..
It's Tania.
I'm dead!
--
BINABASA MO ANG
Heart's Desire
RomanceThis is a story of a woman who is addicted in a guy. And she waited for almost 3 years. But nothing happened. It was only just her dream. This guy will never ever gonna fall inlove with her. But in her 3 years of waiting the guy noticed her. Finally...