Kabanata 16

33K 1.1K 298
                                    

Are You Still Mad?



"What you said before, about the moneylender, yon pala mommy mo?" Tanong sa akin ni Myrtle habang nasa loob ng auditorium kasama ang iba pa naming kaklase at ang representatives ng ibang school.


I just nodded my head in confirmation.


All of my friends knew what happened in the province of Ramontes. Nakunan pala iyon ng video na recently ay ipinalabas sa telebisyon. Halos alam na talaga ng lahat kaya naman ako ang naging usap-usapan sa loob ng dalawang linggo.


Magpasa-hanggang ngayon, iyon pa rin ang naging paksa ng mga tao. Sa school, my co-students couldn't take their eyes off of me even if the class is going on. My teachers especially those who were known as terrors are now treating me nicely.


Those who were once mean to me suddenly became my friends, is that really how the society works? Mapanakit din pala ang reyalidad, paano kung hindi ako naging anak ng isang sikat na celebrity, magbabago pa rin ba ang pagtrato nila sa akin? Malamang hindi.


Baka ako pa rin ang utusan ni Miss Mandrilla sa pagbura ng nakasulat sa board. Baka pinagdidiskitahan pa rin ako nina Shawn at Stella. Baka nga rin ay mananatiling bilang lang sa aking mga daliri ang mga kaibigan ko.


But now that I am a Benedicto and the daughter of Monique Maxwell, si Myrtle na ang tagabura ni Miss Mandrilla, ang freshmen na ang pinaglalaruan nina Stella, isang batalyon na ang gustong makipag-kaibigan sa akin. This was quite unexpected.


At ang pinaka-unexpected sa lahat ay ang 'weird feelings' ni Paige para sa akin. Come to think of it, I was once her favorite target and she was once my bully, but now we are currently in a secret relationship. This really is mind boggling. Pinaglalaruan nga talaga kami ng tadhana.


Sa loob din ng dalawang linggo, tinupad ko ang sinabi ko noon kay Paige na babawi ako sa kanya. Sabay lagi kaming mag-lunch, lagi ko rin siyang dinadalhan ng sandwich na ngayon ay may kasama nang pulang rosas. All of these were done in complete secrecy.


Naging tutor ko pa rin siya kahit tapos na ang deal namin, I'm still her slave too but now that we're secretly dating I preferred the word responsibility. Taga-bitbit pa rin ako ng mga pinamili niya and I will never complain kahit pa ilang oras kaming paikot-ikot doon. It is my responsibility.


Naging usapan na namin na mag-antayan sa may waiting shed sa labas ng campus. Tutal ay bantay-sarado naman sa akin ang dalawang bodyguards na pinadala ni mama, naging katuwang ko sila sa pag-aabang.


Kakatapos lang ng cheering competition and our school won of course. Sa galing ba naman ng ice queen at malakas pa ang charisma sa masa, wala na, talo na sila. My Paige is the goddess of them all. Suot niya pa rin ang cheerleading uniform habang nasa biyahe kami.


I already told tita Michelle that after the competition, kami na ang maghahatid kay Paige pauwi. Hatid-sundo rin naman ako ni mama kaya isinasama ko na rin si Paige.


My mother is my girlfriend's mentor. They knew each other well. Mas kilala pa nga ni Paige ang mama ko kumpara sa akin and let me tell you, it was a freaking nightmare kapag magkasama ang dalawa.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon