Daylight
Our morning is back to normal again. Wala si Miss Monique dahil sabi ni Tita ay may inasikaso ito sa ibang bansa. Sumilay agad ang ngiti sa aking labi. I don't know why, but this early morning? sobrang daldal ko.
Marami kaming napag-usapan ni Tita. Nai-kuwento ko rin sa kanya ang nangyari nitong mga nakaraang araw. As expected, she got mad at me for not inviting her to watch the play. Kailangan ko raw bumawi at ang naisip niya ay ang pagsama ko sa bahay ni Miss Monique.
Aniya gusto daw akong makilala ng parents nito. Hindi ako sumagot, but when she said she'll come with me, tumango nalang ako. I don't want to disappoint her again.
Pagkatapos kainin ang ginawa niyang heart-shaped pancakes ay naligo na ako. I wore an indigo Aeropostale shirt today, pinaresan ko ito ng faded ripped jeans at isinuot din ang sapatos na binigay ni Miss Monique.
I take my notebooks and papers out of my blue bagpack. Sa halip ay ipinasok ko dito ang itim na rashguard at ang kapares nitong shorts just in case magpa-pool party ngayon si Paige. Kumuha na rin ako ng pamalit na damit.
Ngayon ko lang ulit magagamit ang sariling bisikleta na may basket sa harapan. Mahaba-haba ang papadyakin ko papunta sa bahay nina Via kaya nagbaon ako ng tubig. Isinuot ko rin ang headgear pati ang earphones at pinakinggan ang kanta ng rivermaya.
I saw different kind of flowers along the way. Naisipan kong kumuha ng tatlong mapuputing rosas at inilagay ito sa unahang basket ng bisikleta. Mga sampung minuto pa bago ko marating ang bahay ng mga Montecillo.
Ang unang bumungad sa akin ay ang dalawang guwardya. Pinapasok naman agad ako sa loob at nakita ko si Via sa may fountain ng garden nila. May rebulto doon ng anghel at may gazebo naman sa tabi. Her home is a redesigned old country mansion with floor-to-ceiling glasses that exposed their huge crystal chandeliers, and on the outside there were antique stone walls and earthy-brown bricks.
"Thanks for coming Elise." Bumeso sa akin si Via, nakasuot siya ng white slip dress at pinatungan ng front-open blazer.
"Para kay Claire," simula ko, "and also for you Via, I'm always here for you." Ipinangako ko iyon sa kanyang kapatid bago siya binawian ng buhay.
Kahit maluha-luha ang kanyang mga mata ay pinilit pa rin nitong ngumiti. Iniwan ko muna ang bisikleta sa labas. Tumungo kami sa pagitan ng sala at kusina habang nagku-kwentuhan. Naroon ang magulang niya. Bumeso sa akin si Mrs. Montecillo at nakipag-kamay naman ang mister nito.
May kaunting kumustahan at kwentuhan dahil ilang taon rin akong hindi nagpakita sa kanila simula noong nawala si Claire. Nakakapanibago na ang tahanan ng mga Montecillo. It was full of laughter before, but now I don't know. Ganito ba lagi ang nararamdaman ni Via tuwing umuuwi siya ng bahay? Iwinaksi ko nalang ito sa isipan. Ayaw kong makadagdag sa lungkot niya.
Tumungo na kami sa likod ng mansyon kung saan inilibing si Claire. She was cremated, and her parents decided to bury her ashes on their property. Malawak naman ang kanilang bakuran. Maraming mga pananim at nagtataasang mga punongkahoy. Naroon ang puntod ni Claire sa tabi ng acacia.
Inilapag ko agad ang dalang mga rosas bago sambitin ang panalangin ko sa kanya. I also talked to her like she's just here beside us. Ganoon din ang ginawa ni Via habang ang ama't ina niya ay pinagmamasdan kami.
They also invited me to have lunch with them, hindi ko naman matanggihan dahil sa paraan ng pagtitig ni Via sa akin. Kahit apat lang kami sa hapag-kainan, marami pa ring ipinahanda si Mrs. Montecillo.
Ipinagpatuloy lang namin ang naungkat na kwentuhan kanina habang kumakain. Nang matapos ay nag-usap kaming dalawa ni Via sa may balkonahe. We had a long conversation about her playing the role of Rosaline. Hanggang sa mapadpad ang kanyang tanong sa isang bagay na nagpatikom ng bibig ko.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly (Ramontes Series #1)
RomansaElise Kenzie Valenzuela is always the favorite target of the Ice Queen. Ngayong huling taon na nila sa paaralan, mas lalong gumulo ang buhay ni Elise dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. She just wanted...