HEBS - Introduction to Forever.

9 0 0
                                    

Bakit nga ba hindi ako naniniwala sa salitang FOREVER?

Broken hearted? Iniwan ng minamahal? Sinukuan? O Hindi mo ipinaglaban?

Maaaring sa lahat ng relasyon na pinasukan natin, lahat tayo ay nangako gamit ang salitang FOREVER. Ngunit kung titignan mo, natupad ba ito?

Ako si Hope... 2nd year highschool palang ay pinangakuan ng panghabang buhay na pagmamahal. Nangako sa harap ng Diyos na ako ang kanyang magiging katuwang sa buhay. Ngunit lahat ng iyon ay napatid ng hindi ko naipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Iniwan ko siya, hinayaang umasa na maibabalik pa ang relasyong pinutol ko.

Araw ang lumipas may ipinakilala sakin ang Kuya ko. Si Gideon Javillo, dalawang taon ang pagitan naming dalawa. Mahigit 1 taon na niya akong nililigawan ng mga panahon na iyon ngunit hindi padin nawawala ang pagmamahal ko kay Lance Sebastian.

Noong panahong nililigawan ako ni Gideon ay hindi nawawala sa isip ko si Lance. Sa tuwing nakakakita ako ng mga mag nobyo at nobyang ikinakasal ay iniisip kong kami iyon ni Lance.

Mag-iisang taon na sana ang relasyon namin kung hindi ko siya iniwan. Natatakot ako... Natatakot akong maulit ang nakaraan.

Flashback:

Naglalakad ako noon sa isang Mall ng may nakita akong pamilyar na pigura ng tao. Lumingon ito at tama ang hinala ko. Si Lance nga iyon, ngunit may kasama siyang babae tila ba ang saya saya nilang dalawa. Kumirot ang aking dibdib at nasaktan sa nakita.

Hindi ako nagpakita sa kanila at pinili na lamang na umuwi. Pagdating sa aming bahay ay tinawagan ako ng kaibigan ko. Si Kate ay nakilala ko dahil kay Lance, sila ay matalik na magkaibigan simula pa elementary.

Nasabi ko kay Kate ang nakita ko sa Mall. Nalaman ko na ang babae palang iyon ay si Carlisle at matagal na itong may gusto kay Lance.

Maraming tanong ang bumagabag sa isip ko... Matagal na ba silang magkakilala? Matagal na ba silang lumalabas? Niloloko ba ako ni Lance?

Naalala ko,,, Nagpaalam nga pala si Lance saakin na lalabas sila ngayon ni Kenji at ang Kenji  palang iyon ay si Carlisle.

Nagbalik ako sa katinuan at naalalang kausap ko pa pala si Kate.

Hindi ko napigilang maitanong ang mga katagang ito kay Kate, "Napapagod na ba siya saakin?" at umiyak.

Natapos ang araw na iyon ng hindi nalalaman ni Lance na nakita ko siya kasama si Carlisle.

Kinabukasan, itinanong ko kay Lance kung totoo nga bang lagi silang lumabas ni Carlisle at sinagot niya iyon ng "Oo." na para bang wala lang sa kanyang nalaman ko.

Pinagmukha nila akong tanga. Iyong araw na rin na iyon ay ang katapusan ng relasyon namin.

Hinabol, iniyakan at pinakiusapan ako ni Lance na ibalik ang relasyon namin at ako bilang isang nagmamahal na babae ay pumayag doon. 2 buwan, pagkatapos ng dalawang buwan ay tinapos ko na ng tuluyan ang relasyon namin. Sinabi ko sa kanyang "Humanap ka ng ibang babaeng magmamahal sayo, higit pa ng ginagawa ko. Si Carlisle? Hindi ba't mahal na mahal ka niya at handang isakripisyo ang lahag para sayo? Magpakasaya ka. Magpakasaya kayo."

Inaamin ko, kaya ko binalikan si Lance noon ay upang maghiganti dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin ngunit mahina ang aking loob kaya pinili ko na lamang tapusin kung anong mayroon kami.

Noong ako ay isang Kolehiyala na, itinututok ko lahat ng oras ko sa pag-aaral. Hindi ako tumatanggap ng kahit sinong manliligaw. Nagtapos akong Suma Cum Laude ng BS Computer Science.

Nagtatrabaho ako ngayon sa kumpanya ng aking ama at hindi kalaunan ay ako na ang mag mamanage nito.

Break time namin at lumabas ako upang kumain sa Super Bowl malapit sa opisina. May nakabangga akong lalaki at... Oh tadhana! Sa dinami rami ng tao sa mundo si Lance Javier Sebastian pa?!

Hope Eliana Beatriz Sy signing off.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEBSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon