The Missing Heir Of Vampire Bat Empire

219 3 0
                                    

The Missing Hier of Vampire Bat Empire

Prologue

Masaya akong nabubuhay sa mundo. Bilang isang ordinaryong tao. Kasama ang mga mahal ko sa buhay pati ang taong nagpapaligaya at kumukompleto ng araw ko.

Pero sa hindi malamang dahilan ang tahimik at normal kong buhay ay unti-unting nagbabago.

Maging ang pisikal kong kaanyuan ay may nagaganap na hindi ko maipaliwanag na pangyayari.

Sa una hindi ko na lang ito pinapansin dahil akala ko dala lang ito ng pagdadalaga ko.

Pero dala pa rin kaya ng pagdadalaga ko ang minsang pagbabago ng kulay ng mata ko?

Hindi lang iyon sa tuwing makararamdam ako ng galit ang maganda, maputi at pantay kong mga ngipin ay nagkakaroon ng pangil.

Ang isang normal kong araw ay nagulantang ng dumating ang isang lalaking nagsabi na ako ay ISANG ANAK NG BAMPIRA!!!

WHAT????

Pero hindi naman ako naniniwala dahil sabi sa akin ng aking Mommy

'' What you see is what you believe ''

Tsaka, The HECK!!! Bampira in a real big world may ganun ba? diba sa mga movie lang meron nun...

Pero ang mga paniniwala ko ay nawala ng masaksihan ko ang sarili ko na nagbagong anyo at hindi lang iyon.

S-sinipsip ko ang dugo ng kaibigan ko na siyang ikinamatay niya.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

A/N:

Wala pa akong maisip na pwedeng gumanap na bida ng aking story, mga readers . Any suggestion? By the way this is my first vampire story and I will do my best to make it THE BEST AND ENJOYABLE.

Guys help naman po para makapili ako ng bida sa story yung sa tingin niyo fit siya sa character ng ating bida.

The Missing Heir Of Vampire Bat EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon