Chapter 8

15 0 0
                                    

Eli POV

Hindi ko talaga ma-take ang ugali ng kumag na iyon. Ayoko na alalahanin pa ang nangyari kagabi nakakainis lang. May sakit na yata ang labi nun lagi na lang kasi ngisi ng ngisi. Try niya kaya ipa check up un.

Oras na ng pagpasok ko ngayon sa school. Kasi naman eh kapag iniisip ko palang na makakasama ko yung kumag na yun hanggang sa school feeling ko sirang sira na ang araw ko. Panu pa kaya ang filedtrip baka waaaah!!! Ayoko na!!!

" Bye po aalis na po ako " paalam ko kila mommy at daddy sabay halik sa kanila.

" Bye na Princess ingat ka I Love you " sabi naman ni daddy.

" I love you too dad "

" Eli yung pangsaklob mo nga pala " sabay abot sa akin ni Mom ng pansaklob ko. Minsan talaga naiinis ako ng dahil sa sakit ko hindi ko magawang mamasyal na may sikat na araw. Ang nakakainis pa wala pang gamot itong sakit ko na ito.

" Thanks Mommy Bye " tumakbo na ako sa papunta sa garahe. Pagkadating ko naman doon nakita ko na si K.Y (Kumag the Yabang ). Simula ngayon iyan na ang itatawag ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay pa na pagbukasan ako ni K.Y ng pinto pumasok na ako doon. Nakita ko naman na napailing siya. Sumakay na siya sa driver seat pero hindi ko pa rin siya tinitignan. Bahala ka diyan magbuhat ka ng sarili mong bangko.

Malapit na kami sa school kaya sinout ko na ang mga pansaklob ko. Kahit naman na ganito ito syempre may fashion pa rin naman ito. Isang pink na coat with matching pink gloves . Hindi yung pangboxing ah. Yung tela lang. I also wear sunglass na talagang babagay sa muka ko na maputi.

Sa sobrang busy ko sa pagsuot hindi ko na malayan na nakarating na pala kami sa parking lot ng school at nakatayo na sa labas ng pintuan itong si K.Y sa harap ng pintuan ko. Pinagbukasan niya ako ng pintuan at lumabas na ako doon. Bitbit niya ang payong.

Nagumpisa na akong maglakad kaya sinundan niya ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya pinapansin. Hmmmp manigas siya dyan hanggang mapanis ang laway niya.

" Omo. Andyan na si Miss Eli ang ganda niya talaga"

" Tama. And look who is that guy?? "

" Ang gwapo niya. Baka naman manliligaw ni Miss Eli ? "

" Bagay na bagay sila isang dyosa at isang ...."

Hindi ko na pinatapos pa ang tsismisan ng mga babae na iyon. Tss. Kahit na hindi ko tignan itong si K.Y panigurado na naka ngisi nanaman ito.

" Look pati sila mukhang boto sa akin ah? Like your Mom ? " nagumpisa na naman siyang magbuhat ng kanyang upuan ay hindi sofa. Sofa na ang binuhat niya kainis. Ang yabang yabang.

" Alam mo K.Y mapapahamak ka diyan sa kayabangan mo. Wag ka ngang masyadong Feeler. Pssh "

" Anung K.Y ? "

" K.Y as in Kumag the Yabang " pagpapaliwanag ko.

" Psh.!!! " sagot niya lang. Hahah pikon ang kumag.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang makarating kami da department ko.

" Umuwi ka na nga lang "

" Hindi nga pwede " sagot namam niya.

Panu ba naman kasi gusto niya hanggang sa room ko sumama siya. Makiki sit in na lang daw siya. Arrrgh nakakainis hindi ba siya makaintindi na bawal.

" Hindi nga pwede yun. Ang kulit T_T" pagpipigil ko. May nakakakita na nga ng sagutan namin dito kaya iniiwasan ko na sumigaw. Mamaya kung ano pa ang akalain ng mga schoolmate ko sa akin eh.

" Hindi ko makakaya na mawalay sayo " biglang sigaw niya na naka agaw sa atensyon ng lahat ng nandito. 

O_o

Nakarinig naman ako ng hagikhikan. Tss. Nakakainis talaga ang kumag na ito. Anung gusto niyang palabasin na may relasyon kami.

"Anu ba ang pinagsasasabi mo ha? " pabulong ko na sabihin sa kanya.

" Payagan mo na kasi ako mahal ko. Hindi ko lang talaga kayang mawalay sayo eh. Makikisit in na lang ako please. " abat nagpa puppy eyes pa.

Talaga naman oh. Ang lakas ng saltik ng isang to oh.

" Payagan mo na kasi Miss Eli. "

" Kawawa naman ang boyfriend mo "

" Ang sweet sweet niya oh. Mahal ka talaga niya Miss Eli."

" Ayaw mawalay sayo hihihihi "

At talagang inakala ng mga ito na boyfriend ko ang isang to? Psh -_-#

" Pati sila naawa na sa akin. Bakit kasi ayaw mo pa ako isama.? >3< " anu ba problema ng isang to. Kung maka pout kala bagay

" Psh. Okay sumama ka na nga. Antayin mo na lang ako sa labas ng room ko. " sa sobrang pakikipagpilitan nitong kumag na ito nawala sa isip ko na malalate ako. Kaya nagpapayag ako.

Naguumpisa na ang klase namin buti na lang ang wala pa ang prof ko ng dumating ako dito.

" Miss Monreal?" bigla naman ako tinawag ng prof ko.

" Yes ma'am?"

" Bakit hindi mo papasukin ang boyfriend mo?" O_o

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ma'am.

" Ma'am wala po akong boyfriend " dipensa ko

" Really?? So who is that guy standing outside the room? " tanung naman ni Ma'am

" He's nothing Ma'am don't mind him " parang wala lang kay Ma'am ang sinabi ko pumunta siya sa labas. Nagulat na lang ako na kasama na niya si K.Y

" Ms. Monreal he said that he is your boyfriend. "

" No. He's not. Wala akong nakarelasyon kahit kailan Ma'am. So how come I have a boyfriend? " natawa naman si Ma'am sa sinabi ko.

" Stop fooling around mahal ko. Porket nagkatampuhan lang tayo idedeny mo na ang pagiibigan natin"

O_o

What's wrong with him. Seriously it's not funny.

" WHAT!!! " sa sobrang inis ko napasigaw ako.

" Okay,, okay the two of you listen to me. " napatingin naman kaming dalawa sa kay Ma'am. Ay hindi pala kaming lahat na nasa room. Nakalimutan kong nasa room pala kami. >_<¦¦¦

" Kayong dalawa walang paghahantungan ang L.Q niyo. Kaya ikaw Sir? " napatingin naman siya kay K.Y

" Raven Alonzo Ma'am "

" Sir Raven you can sit here now. Beside Ms. Monreal " pagkasabi niya nun parang huminto ang oras ko ang tanging naririnig ko lang ang mga kantsawan ng mga kaklase ko. Napaupo na lang ako ng hindi oras.

Bakit ganun na lang ang pagtitiwala nila kay K.Y. He is not even related to me. So what's wrong with those people. They making me insane. Aargh.!!!

Nagumpisa na ulit magturo si Ma'am pero itong katabi ko walang ginawa kung hindi ang kalabitin ako at kilitiin. Hindi ko na lang siya pinapansin sa ginagawa niya. Pero dahil sa sobrang pagtitimpi ko yung tipong hindi ko na matiis.

" STOP TICKLING AT ME. WILL YOU? " ramdam ko ang pagtingin sa amin ng mga kaklase ko maging si Ma'am na busy sa pagsusulat napatingin din sa amin.

Maging siya alam kong nagulat din sa pagsigaw ko. Napalaki pa nga ang dalawa niyang mata.

★★★♡★★★♡★★★

vote and comment

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Missing Heir Of Vampire Bat EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon