Chapter 1

87 2 0
                                    

CHAPTER 1

Author's POV

'' Ralph! what we are going to do? Isang oras mula ngayon dadating na ang mga BLACK BAT VAMPIRE '' sabi ni Kasandra ang asawa ni Ralph na halata na kinakabahan. Dahil nakikita niya sa vision niya na papunta na sa teritoryo nila ang BLACK BAT VAMPIRE ang kanilang immortal na kalaban. ''Kailangan natin na maitago si Princess EL, alam natin na siya ang pakay ng BLACK BAT VAMPIRE '' sabi ni kasandra habang buhat buhat si Princess EL. Walong buwan pa lang si Princess EL pero siya na ang nakatakda na ppalit sa trono ng kanyang ama, bilang hari ng mga bampira.

BLACK BAT VAMPIRE ang immortal na kalaban ng mga VAMPIRE BAT EMPIRE. Ang grupong ito ay pinamumunuan ni HERALDO na galit na galit at kontra sa pamamalakad ni Ralph. Si Heraldo ang kaagaw sa pagibig kay Kasandra na naging asawa naman ni Ralph. Sobrang mahal ni Heraldo si Kasandra maging ang pagkakaibigan nila ni Ralph ang kapalit upang makuha lang si Kasandra.

Pero hindi lang iyon ang ikinagagalit ni Heraldo. Nalaman niya kasi na ang itinakdang papalit kay Ralph sa pwesto ang syang tatalo sa kanila. Kaya nagplano sila na patayin ang itinakda. Pero nginid sa kalaman nila ang plano nila ay alam na ni Kasandra.

'' Umalis na kayong dalawa '' sabi ni Ralph na siya namang ikinagulat ni Kasandra

'' H-ha? ayoko Ralph hindi kita pwede iwan dito. Masyadong madami sila , sa dami nila alam kong hindi nila tayo iiwang buhay. '' pagpapaliwanag ni Kasandra

'' Ayun nga, alam mo naman pala diba? kaya gusto ko umalis na kayo habang may oras pa dahil kung hindi baka mapatay nila si Princess EL'' Sabi ni Ralph habang nagsusuot ng kanyang kapa. Naglakad naman ito papunta sa beranda upang tanawin kung nasaan na ang mga kalaban. Sumunod naman si Kasandra.

'' Isang daang kilometro na lang ang layo nila sa atin Kasandra, kaya pakiusap umalis na kayo, kami na ang bahala dito '' sinasabi niya ito habang hawak ang balikat ni Kasandra.

'' P-pero Ralph ayoko iwan ka dito, hindi ko kaya '' maluha luhang sabi ni Kasandra

'' Kayanin mo para kay Princess EL, umalis na kayo ''

'' S-san kami pupunta? ''

'' Sa mundo ng mga tao, pumunta kayo doon at pangako magkakasama pa tayo. Kumilos ka na malapit na sila '' pumunta si Ralph sa kanyang tukador at kinuha ang kwintas.

'' Itong kwintas na ito huwag mong iwawala, mahalaga iyan alam mo yan. Hanggat maaari sikapin mong manatili sa iyo yan '' pagpapaliwanag ni Ralph, dahil ang kwintas na iyon ay sumusimbolo na isa kang myembro ng VAMPIRE BAT EMPIRE at nagiisa na lang iyon at ang kwintas na iyon ay para kay Princess EL. Lahat sila meron nito at suot suot nila ito. Kapag namatay ang nagmamay-ari ng kwinta ang kwintas ay maglalaho din. Bawat kwintas ay may nakaukit na pangalan at may nakatgong kapangyarihan.

'' Pinunong Ralph malapit na po sila '' ang paalala ng isa sa tagapaglingkod ni Ralph

'' Sige na umalis na kayo, Bilisan niyo baka maabutan pa nila kayo. Pangako Kasandra magkakasama pa tayo'' hinalikan ni Ralph sa labi si Kasandra '' Princess EL paalam '' hinalikan niya naman ang sanggol sa noo na mahimbing na natutulog at walang kaalam alam sa nangyayari sa paligid niya.

The Missing Heir Of Vampire Bat EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon