Chapter 2

7 0 0
                                    

Hindi nga ako nagkamali hindi din nagtagal bumagsak ang ulan, hindi naman sobrang lakas kaya naman sugudin ng payong. Eksakto naman nagbell kaya inayos ko na gamit ko.

"Class Dismissed," Ani ni Sir John. Siya ang teacher namin sa Reading and writing skills or english subject para sa lahat. "Don't forget your homework. Have a cold weekend kids," Nakangiting sabi ni sir. Kanya kanyang reaction yung mga kaklase ko sa sinabi ni sir.

"Yan tayo sir eh!" Natatawang sabi ni Andrea ang secretary,

"Pag broken talaga iba!" Malakas na sabi ni Matthew ang class president, nagsitawanan ang buong klase.

Napapailing nalang ako habang nakangiti,

"Oy Katherine!" Kumunot noo ko sa tumawag sakin. "Problema mo?" Tanong ko kay Kyle.

Hindi naman sa ayoko ng full name ko pero ang haba kasi. Tsaka since bata palang ako kath na ang tawag nila sakin.

"Pasabay sayo," Halatang nagpapacute ang bruha. "Parang may choice naman ako diba?" Pagtataray ko. "Tara sa locker, nandun payong ko." Aya ko sa kanya.

Papunta palang kami sa locker nang may tumawag kay kyle,

"Hello?.. Teka.. Ano? As in ngayon na?.. Wala akong payong—" Natigilan siya saglit tsaka maya maya tumango at nagpaalam sa kausap.

"Ano yun?" Tanong ko agad, "labas daw kami ni pader," Sabi niya. "Ahh.. Sige okay lang," Nakangiti kong sagot. "Una na ako ah? Bye." Then she wave at me. "Ingat!" Pahabol ko.

Lumapit na ako sa locker ko at nilabas ang payong ko, sinalpak ko muna sa magkabilang taenga ko ang earphone bago sinugod ang ulan.

Kapag ganto ang panahon, nagiging emo ang peg ko. Nagintay ako ng jeep, ilang minuto na rin akong nakatayo. Punuan lahat ng jeep na dumadaan marahil dala ng ulan. Napagisipan ko nalang maglakad papunta sa sakayan ng bus,

At kung minamalas ka nga naman gilid na gilid ka na nga matatalsikan ka pa din talaga ng mga siraulong driver, magara man ang sasakyan pero hindi ibig sabihin non may pinagaralan. Kita na ngang may baha don hindi pa nagdahan dahan, akala mo mga hari ng kalsada eh.

Napalingon ako sa kotseng nakatalsik sakin, nabasa ang sapatos at socks ko. Ni hindi man lang huminto, tinitigan ko ng matalim yung sasakyan habang palayo kung kaya lang makabutas ng gulong yung tingin ko paniguradong flat na yung apat na gulong na meron siya!

"Pag minamalas ka nga naman oh.." Reklamo ko na para bang maririnig nung driver.

Ilang minuto din ako nagintay bago nakasakay ng bus, kahit mas malayo ang lalakarin ko pauwi saamin ay okay lang kaysa naman lakarin ko. Hindi pa ko hibang para gawin yon, wala naman sigurong tao ang gagawa na lakarin ang daan na inaabot ng mahigit 30 minutes kung sasakay ng jeep—wala pang traffic yun ah?

Kinabukasan napahinto ako sa pagderetso sa building namin ng makita ko sa parking lot yung kotseng maroon na may plakang ZKL 2416, ang kotseng nakatalsik sa sapatos at socks ko. Parang kanina pa naka park yon kaya paniguradong wala ng tao sa loob. Kung hindi pa siguro nagbell paniguradong nakatitig pa ako sa sasakyan.

Mabilis akong tumakbo paakyat sa fourth floor, hindi biro akyatin yun ah buti sana kung kada isang hagdanan next floor agad eh kaso hindi, dalawa ang magkasunod na hagdan ang aakyatin bago ang next floor.

Pagtapat ko sa pinto lahat sila nakatingin sakin, "kinabahan," May kalakasan na sabi ni mikaela, sinabayan niya pa ng mahinang tawa.

"Sus porket maaga ka ngayon?" Pangaasar ko, umupo na ako sa pwesto ko. "Luh? Sino ka?" Ganti niya, tinitigan ko lang siya tapos sabay kaming natawa. Natigil lang kami nang pumasok na si Miss Lea.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until my Last breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon