Tie a yellow ribbon 'round the ole oak tree
It's been three long years
Do you still want me?
Naaalala ko pa ang kantang ito matapos ang tatlong taon. Tanda ko pa kung gaano tayo kasaya habang kinakanta natin to. May gitara ako, maganda ang boses mo at sinasabayan kitang kumanta. Lagi akong nangingiti pag naiisip kong ginagawa natin iyon sa puno ng Narra na malapit sa bahay niyo. Makaluma at nakakahiya ang ginagawa natin noon pero okay lang, wala namang nakakarinig sa atin at higit sa lahat, masaya ako pag kasama kita.
"Grimm? Hey Grimm! Grimm! Grimmore Bartolome!" Ah. I'm back again to the reality.
"Sorry dad, I was just remembering something."
Umupo at tinabihan ako ni dad sa kama ko. "Spacing out again, are we? I told you Grim, you should control that 'imagination' of yours when you are doing something. You should focus Grim, focus." Nag-iimpake kasi ako at ayaw na ayaw ni dad na nag-iisip ako ng kung anu-ano kapag may ginagawa ako. "Sorry dad, I'll focus more."
"By the way, are you ready for the flight now? Have you taken all your things?"
"Yep, I think I'm ready. Won't you really come? I can get you a flight dad. I would just..." He interrupted. "Son, I've already told you, didn't I? My friends are all here in California. I have no one to get back to there anymore and I assume it is not the case for you, is it? You'll go back for her, won't you? I got you there, didn't I? Hahahaha."
Cold reading on your own son, really? Psychologist si dad. Ayaw na ayaw ko talaga na ginagawa niya sakin yung mga tricks niya. Pakiramdam ko kasi pasyente niya ako. "Okay dad, If you say so."
"Goodluck in the Philippines, son. I hope you can get what you really are looking for there. So, as I've always said..." Sinabayan ko siya. "Go big or go home!" Then he taps my back.
Manila, Philippines - June 26, 2005, Sunday, 2 p.m.
Aahhh. Finally, the smell of Philippines. Now, I am only one bus trip away from you...
I love riding buses. Mas nagagamit ko ang utak ko sa bus. Dito ko kasi naiisip lahat ng gusto kong maisip at sa ngayon, wala akong ibang inisip kundi si Linaly.
Naaalala ko pa noon kung paano ko siya nakita. It was the start of a boring summer vacation or at least that is what I've think it would be.
Pag bakasyon, paulit-ulit lang ang ginagawa natin buong maghapon. Walang nangyayaring kakaiba, wala tayong natutunan, nakatunganga lang tayo, sa madaling salita napaka-habitual natin pag bakasyon. So ako, bilang isang normal na tao, ganoon din ang nangyari sa akin.
One week after ng paulit ulit na gawain, (gising sa umaga; kain ng almusal; kunin ang gitara; baon ng pananghalian; punta sa pwesto ko; tugtog ng mag-isa; uwi) may nangyari nang kakaiba. Nagkaroon na bigla ng twist ang bakasyon ko dahil sa may nang-agaw na ng pwesto ko. =(
Malayo pa ako sa puno (Puno ng Narra ang tinutukoy ko rito. Gusto ko ang pwesto na iyon dahil mag-isang puno lang siya sa gitna ng isang grass field) napansin ko na na may tao nang nauna kaysa sakin sa puwesto ko. Pinabayaan ko na. Umuwi na lang ako at sinabi sa sarili na agahan na lang bukas para kung bumalik man siya, at least nauna na ako at di na siya makakatambay.
So inagahan ko nga kinabukasan, and it paid off. No one was there. I win.
Tumutugtog na ako for almost 30 mins sa pwesto kong yon, then I heard someone singing. Although mahina lang talaga siya, I recognize it and it's a woman's voice.
BINABASA MO ANG
Tie A Yellow Ribbon
RomanceThis is a short story inspired by the song 'Tie a Yellow Ribbon 'Round the Ole Oak Tree' by Tony Orlando and Dawn.