Mamamatay na ako.
Malapit na, alam kong malapit nang dumating iyon.
Sana magparamdam ka naman...
Dahil mahal pa rin kita.
"Oh Leah, umiiyak ka na naman. Wag kang mag-alala baby girl ha. Kaya mo yan. Mawawala din yang sakit mo na yan. May awa ang Diyos." Sabi ni mama na pilit ngumingiti habang pinupunasan ang luhang di ko namalayang pumatak na pala. "Sige na tahan na nak ha." Niyakap niya ako habang nakahiga ako sa kama.
"Sorry ma." Sabay hagulgol ko sa kanya. Di ko maiwasang maiyak pag naiisip kong mamamatay na ako. Maiiwan ko sila mama't papa na ginawa ang lahat para lang mabuhay ako ng maginhawa. Iiwan ko sila kahit na wala pa akong nagagawa para sa kanila.
"Shhh. Tahan na." Paulit-ulit na sinabi ni mama habang yakap-yakap niya pa rin ako.
Tumigil na ako sa pag-iyak ko dahil alam kong di aalis si mama hangga't di ako tumatahan. May trabaho pa siya kaya kailangan niya na ring umalis. "Ma, sige na ok na ako." Ngiting sabi ko sa kanya.
"Sige sure ka ha. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako, okay? Sige na alis na ako. Magpagaling na ha." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo na lagi niyang ginagawa pag aalis siya. Lumabas na siya at naiwan na naman ako mag-isa sa ospital.
Kapag ganitong nag-iisa ako, lagi lang akong nag-iisip ng kung ano-ano. Minsan naiisip ko kung ano kaya ang naging trabaho ko kung wala lang ang sakit na to. Minsan naiisip ko kung saan sana ako nakapunta kung wala lang ang sakit kong to. Pero ang madalas kong isipin ay si Grimm.
Bakit di ka na nagpakita?
Nalaman mo na ba na may sakit ako noon at maaaring mamatay kahit anong oras?
Kung nalaman mo nga, pasensya na kung di ko agad sinabi sayo.ang sakit ko.
Natakot ako baka iwan mo ko.
Muling tumulo ang mga luha ko habang inaalala kung kailan, saan at paano ka unang nakita.
Flashback
"Mrs. Lee, may stage 3 bone cancer po ang anak niyo." Malinaw na pagkakasabi ng doktor.
Parang bumaba lahat ng dugo ko dahil sa panlulumo sa narinig kong balita sa amin ng doktor. Natulala na lang ako at nakita ko rin si mama na nanlumo sa balitang narinig.
"Ho? Cancer ho ang sakit ng anak ko? Tsaka bakit ho stage 3 na e ngayon pa lang naman ho nagkakaganito si Leah." Nag-aalalang tanong ni mama.
"Hindi ho kasi madalas na lumalabas agad mga sintomas ng cancer kaya madalas din hong hindi naaagapan agad."
"E paano ho gagaling ang anak ko?" Tanong ni mama habang hawak ang kamay ko ng mahigpit. Kitang kita rin sa ekspresyon ng mukha niya ang matinding pagkalungkot.
"Hindi ko ho maipapangako ang paggaling ng anak niyo pero gagawin natin ang lahat para maayos ang pakiramdam niya. Pero magiging pranka ho ako sa inyo, sa tingin ko may 1-2 taon na lang ho ang itatagal ng anak niyo."
Lalo akong nagulat sa sinabi ng doktor, 1-2 taon. 1-2 taon. 1-2 taon. Paulit ulit na umikot sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Tie A Yellow Ribbon
RomanceThis is a short story inspired by the song 'Tie a Yellow Ribbon 'Round the Ole Oak Tree' by Tony Orlando and Dawn.
