Linaly's POV - Part 2

19 0 0
                                    

Alas-otso na nang makarating si mama sa ospital. Umupo sa tabi ng kama si mama. "Kamusta naman? Nagkaproblema ba habang wala ako dito kanina?" Tinatanong niya ito araw-araw at pare-pareho naman ang sagot ko sa kanya araw-araw.

"Wala ma, ayos lang ako." Ngiting sinabi ko sa kanya. Wala naman talaga akong nararamdamang sakit o kung ano pa man pero alam kong sa bawat araw na lumilipas ay nanghihina ako. Hindi masakit sa pakiramdam ang sakit ko, nakakapanghina lang. Kung may masakit man, ito ay gawa ng aking gamutan. 

Nagbalik ng ngiti si mama sa akin. Matapos nito ay nag-isip siya ng malalim na para bang may inaalala siya. "Hmm.. Ah! Oo nga pala." Mukhang naalala niya na ang gusto niyang maalala at agad na may dinukot sa bag niya, isang sobre.

Sobre? May sulat ba para sa akin? Simula noong hindi na kasi ako pumasok sa eskwelahan ay hindi na ako nakatanggap pa ng kahit anong sulat sa mga kaklase ko. Hiniling ko rin kasi kay mama na wag nang ipaalam ito sa eskwelahan at sabihin na lang na nagtransfer ako. Alam kong malungkot ang ginawa ko pero ayaw ko kasing kaawaan ako ng marami. Ayaw kong marinig ang mga katagang 'kawawa naman siya' Ayaw ko lang na kinakaawaan ako ng mga tao. Maganda ang awa kung matapos nito ay tutulungan mo ang taong kinaaawaan mo pero kung kakaawaan mo lang sila, hindi nila iyon ikinabubuti.

"Nak, sabi ni Nang Milet, yung nakatira doon sa bahay bakasyunan natin sa Tarlac, may nagpadala daw nitong sulat na ito doon sa bahay sa iyo. Galing daw ng States. Gregorio Bartolome ata?" Inabot niya ang sobre sa akin at nagtanong "May kakilala ka pala na nasa States? Hindi ka nagsasabi ha. Ex mo ba yan ha? Hmm? Yiee." Sabay kiniliti ako nito sa tagiliran at tumawa ng mahina. "Lalabas muna ako at kukuha ng kakainin mo ha, may gusto ka bang ipabili?" Nakangiting sinabi nito.

 Umiling ako at agad naman siyang lumabas. Isasara na niya ang pinto nang may ihabol ako. "Ma, tagalan mo pag-bili ha." Sabay ngiti ko sa kanya. Nakuha naman ata niya ang gusto kong sabihin dahil tumango siya't nagbalik ng ngiti sa akin.

Isa lang ang kilala kong Bartolome sa buhay ko. Si Grimm...

Napangiti ako kahit hindi ko pa nakukumpirmang sa kanya galing ang sulat. Pero sa loob-loob ko, alam kong si Grimm ang nagpadala nito.

Excited kong binuksan ang sobre. Napansin kong parang bagong dikit lang ang bukasan ng sobre dahil medyo basa pa ang bukasan nito pero hindi ko na lang ito pinansin. Pagkabukas ay agad kong hinanap ang pangalan ni Grimm sa pinakahuling parte ng sulat. 

At nakangiti ko itong nahanap. 

Galing kay Grimm...

 Simple ang pagkakagawa sa liham na ito. Sinulat-kamay ito gamit ang isang bolpeng may itim na tinta. Ang klase ng papel naman na ginamit ay parang karton dahil sa kakaibang tigas nito kumpara sa isang ordinaryong papel na ginagamit dito sa Pilipinas. Ang hula ko ay sa States lamang makakakuha ng ganitong klase ng papel. Maikli lamang ang liham na ito.

Sinimulan ko nang basahin ang liham.

Dear Linaly,  

Tie A Yellow RibbonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon